2 Samuel 23 – TCB & KLB

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 23:1-39

Ang Mga Huling Pangungusap ni David

1Pinatanyag ng Kataas-taasang Dios si David na anak ni Jesse. Pinili siya ng Dios ni Jacob para maging hari, at sumulat siya ng magagandang awit ng Israel. Ito ang mga huling pangungusap niya:

2“Nagsalita ang Espiritu ng Panginoon sa pamamagitan ko;

ang mga mensahe niyaʼy nasa aking mga labi.

3Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel,

‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,

4tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap,

na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’

5Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Dios,

at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin.

Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan.

Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Dios

at ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.

6-7Ngunit ang masasamang taoʼy gaya ng matitinik na mga halaman na itinatapon.

Hindi sila pwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay, kailangan pa itong gamitan ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy,

at susunugin sila sa lugar na kinaroroonan nila.”

Ang Matatapang na Tauhan ni David

(1 Cro. 11:10-41)

8Ito ang mga matatapang na tauhan ni David:

Si Josheb Bashebet na taga-Takemon ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 800 tao sa pamamagitan ng sibat niya.

9Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas Damim23:9 sa Pas Damim: sa Hebreo, doon. Tingnan sa 1 Cro. 11:13. sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita, 10pero nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay.

11Ang sumunod ay si Shama na anak ni Agee na taga-Harar. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, at sinalakay nila ang mga Israelita sa taniman ng mga gisantes. Tumakas ang mga Israelita, 12pero nagpaiwan si Shama sa gitna ng taniman para protektahan ito, at pinatay niya ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon.

13Nang panahon ng tag-ani, pumunta kay David ang tatlo niyang tauhan doon sa kweba ng Adulam. Ang tatlong taong itoʼy kasama sa 30 matatapang na tauhan ni David. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim 14at naagaw nila ang Betlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan, 15nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha sa akin ng tubig na maiinom doon sa balon malapit sa pintuang bayan ng Betlehem.” 16Kaya palihim na pumasok ang tatlong matatapang na iyon sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang bayan ng Betlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David. Pero hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog sa Panginoon. 17Sinabi niya, “Panginoon, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David.

Iyon ang ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David.

18Si Abishai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruya ang pinuno ng 3023:18 30: Ito ang nasa Syriac at sa ibang teksto ng Hebreo. Sa karamihang teksto ng Hebreo, tatlo. Ganito rin sa talatang 19. tauhan ni David. Nakapatay siya ng 300 Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya katulad ng tatlong matatapang na tauhan. 19At dahil sa siya ang pinakatanyag sa 30, naging pinuno nila siya pero hindi siya kabilang sa tatlong matatapang.

20May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito. 21Bukod dito, pinatay niya ang isang napakalaking Egipcio na may armas na sibat, habang isang pamalo lang ang armas niya. Inagaw niya ang sibat sa Egipcio at ito rin ang ipinampatay niya rito. 22Ito ang mga ginawa ni Benaya na anak ni Jehoyada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong matatapang na tao, 23pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.

24Ito ang iba pang miyembro ng 30 matatapang na tao:

si Asahel na kapatid ni Joab;

si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem;

25sina Shama at Elika na taga-Harod;

26si Helez na taga-Palti;

si Ira na anak ni Ikkes na taga-Tekoa;

27si Abiezer na taga-Anatot;

si Mebunai23:27 Mebunai: o, Sibecai. na taga-Husha;

28si Zalmon na taga-Ahoa;

si Maharai na taga-Netofa;

29si Heleb23:29 Heleb: o, Heled. na anak ni Baana na taga-Netofa;

si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea, na sakop ng Benjamin;

30si Benaya na taga-Piraton;

si Hidai23:30 Hidai: o, Hurai. na nakatira malapit sa mga daluyan ng tubig sa Gaas;

31si Abi Albon na taga-Arba;

si Azmavet na taga-Bahurim;

32si Eliaba na taga-Shaalbon;

mga anak ni Jasen;

33si Jonatan na anak ni Shama23:33 si Jonatan na anak ni Shama: o, si Jonatan, si Shama. na taga-Harar;

si Ahiam na anak ni Sharar na taga-Harar;

34si Elifelet na anak ni Ahasbai na taga-Maaca;

si Eliam na anak ni Ahitofel na taga-Gilo;

35si Hezro na taga-Carmel;

si Paarai na taga-Arba;

36si Igal na anak ni Natan na taga-Zoba;

ang anak ni Haggadi;23:36 anak ni Haggadi: o, Bani na taga-Gad.

37si Zelek na taga-Ammon;

si Naharai na taga-Beerot (ang tagadala ng armas ni Joab na anak ni Zeruya);

38sina Ira at Gareb na mga taga-Jatir;

39at si Uria na Heteo.

Silang lahat ay 37.

Korean Living Bible

사무엘하 23:1-39

다윗의 마지막 말

1이것은 다윗의 마지막 말이다.

“이새의 아들 다윗이 말하노라.

하나님이 위대하게 하신 자,

야곱의 하나님이 왕으로 선택한 자,

이스라엘의 시인 다윗이

노래하노라.

2“여호와의 성령께서

나를 통해 말씀하시니

그의 말씀이 내 혀에 있구나.

3이스라엘의 반석 되시는 하나님이

나에게 말씀하셨다.

‘의롭게 다스리는 자,

하나님을 두려워함으로

다스리는 자는

4쏟아지는 아침 햇살 같고

청명한 아침 같으며

비 온 뒤의 햇볕으로

파릇파릇 돋아나는 새싹과 같다.’

5“그래서 하나님이

우리 집안을 축복해 주시리라.

그가 깨어지지 않고 변하지 않을

영원한 계약을 나와 맺었으니

어찌 그가 나의 모든 구원과 소원을

이루지 아니하시랴!

6그러나 악한 자들은

내어 던져 버릴 가시나무와 같으니

아무도 맨손으로 잡을 수 없음이라.

7그것을 잘라 불에 태워 버리려면

철제 도구를 사용해야 하리라.”

다윗의 명장들

8다윗의 3대 명장은 다음과 같다: 첫째는 두목인 다그몬 사람 요셉-밧세벳이다. 그는 에센 사람 아디노라는 별명을 가진 사람으로서 한때 800명을 단번에 쳐죽인 일도 있었다.

9다음은 아호아 사람 23:9 또는 ‘도대’도도의 아들인 엘르아살이었다. 어느 날 그는 블레셋군과 싸우기 위해 다윗과 함께 출전했는데 그때 이스라엘군이 다 후퇴하고 말았다.

10그러나 그는 물러서지 않고 지쳐서 칼이 손에 제대로 잡히지 않을 때까지 블레셋군을 쳤다. 그 날 여호와께서 그에게 큰 승리를 주시자 그제서야 이스라엘군은 그 곳으로 돌아와서 죽은 블레셋군의 장비를 약탈하였다.

11-12그 다음은 하랄 사람 아게의 아들 삼마였다. 그는 한때 블레셋 사람과의 전투에서 부하들이 자기를 버리고 도망갔을 때 홀로 녹두밭 중앙에 서서 블레셋군을 막아 싸웠으며 그 날 여호와께서는 그에게 큰 승리를 주셨다.

13다윗이 아둘람 굴에 숨어 있을 당시 블레셋군이 침입하여 르바임 골짜기에 진을 치고 있었다. 그때 이스라엘군의 용장 30명 가운데 세 사람이 다윗을 찾아갔는데 곡식을 벨 무렵이었다.

14그때 다윗은 요새에 있었고 블레셋 사람의 주둔군은 베들레헴에 있었다.

15이때 다윗이 고향을 그리워하면서 “베들레헴 성문 곁에 있는 우물물이 먹고 싶어 못 견디겠구나! 누가 그 물을 좀 길어 올 사람이 없는가?” 하자

16그 세 사람이 블레셋군의 진영을 뚫고 들어가 그 우물물을 길어서 다윗에게 가져왔다. 그러나 다윗은 그 물을 마시지 않고 그것을 여호와께 제물로 부어 드리고

17이렇게 부르짖었다. “여호와여, 나는 결코 이 물을 마실 수 없습니다. 이것은 죽음을 무릅쓰고 갔다온 사람들의 피와 다를 것이 없습니다.”

18-19이 세 용사 중에 스루야의 아들이며 요압의 동생인 아비새가 그들의 인솔자였다. 그는 한때 창으로 적군 300명을 쳐죽이고 유명해져서 30명 용장 가운데 대장이 되어 3대 명장 못지않은 명성을 얻었다. 그러나 그는 그 3대 명장 가운데는 들지 못하였다.

20또 갑스엘 사람 여호야다의 아들 브나야도 큰 공을 세운 용감한 군인이었다. 그는 사자 같은 모압의 두 장수를 죽였고 또 한번은 눈 오는 날 미끄러운데도 함정에 내려가서 그 곳에 빠져 있는 사자를 잡아죽였다.

21그는 또 막대기 하나만 가지고도 창을 가진 이집트의 거인에게 달려가서 그의 손에 든 창을 빼앗아 그것으로 그를 죽인 일도 있었다.

22이런 용감한 일로 브나야도 앞서 말한 세 용사 중 하나로 명성을 얻어

2330명 용장 가운데서도 아주 유명한 사람이 되었다. 그래서 다윗은 그를 자기 경호대장으로 삼았다. 그러나 그는 3대 명장 가운데는 들지 못하였다.

24이스라엘 용장들은 다음과 같다: 요압의 동생 아사헬, 베들레헴 출신 도도의 아들 엘하난,

25하롯 사람 삼마와 엘리가,

26발디 사람 헬레스, 드고아 사람 익게스의 아들 이라,

27아나놋 사람 아비에셀, 후사 사람 23:27 또는 ‘십브개’므분내,

28아호아 사람 살몬, 느도바 사람 마하래,

29느도바 사람 바아나의 아들 23:29 또는 ‘헬렛’헬렙, 베냐민 지파의 기브아 사람 리배의 아들 잇대,

30비라돈 사람 브나야, 가아스 시냇가에 살던 23:30 또는 ‘후래’힛대,

31아르바 사람 아비-알븐, 바후림 사람 아스마Ÿ‡,

32사알본 사람 엘리아바, 야센의 아들들, 요나단,

33하랄 사람 삼마, 하랄 사람 사랄의 아들 아히암,

34마아가 사람 아하스배의 아들 엘리벨렛, 길로 사람 아히도벨의 아들 엘리암,

35갈멜 사람 헤스로, 아랍 사람 바아래,

36소바 사람 나단의 아들 이갈, 갓 사람 바니,

37암몬 사람 셀렉, 스루야의 아들인 요압의 경호병 브에롯 사람 나하래,

38이델 사람 이라와 가렙,

39그리고 헷 사람 우리아였다. 이상과 같이 이스라엘의 용장들은 모두 37명이었다.