2 Samuel 16 – TCB & CARS

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 16:1-23

Si David at si Ziba

1Kalalampas pa lang nang kaunti ni David sa ibabaw ng bundok nang salubungin siya ni Ziba na katiwala ni Mefiboset. May dalawa itong asno na may kargang 200 tinapay, 100 kumpol ng ubas, 100 piraso ng hinog na prutas,16:1 prutas: Marahil igos o ibang prutas. at katas ng ubas na nakalagay sa balat na sisidlan. 2Tinanong ni David si Ziba, “Bakit nagdala ka ng mga iyan?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno po ay para sakyan ng sambahayan nʼyo, ang mga tinapay naman at prutas ay para kainin nʼyo at ng mga kasama ninyo, at ang katas ng ubas ay para naman inumin nʼyo kapag napagod kayo sa disyerto.” 3Nagtanong si David, “Nasaan na si Mefiboset, ang apo ng amo mong si Saul?” Sumagot si Ziba, “Nagpaiwan po siya sa Jerusalem, dahil iniisip niyang gagawin siyang hari ngayon ng mga Israelita sa kaharian ng lolo niyang si Saul.” 4Sinabi ni David, “Kung ganoon, ibinibigay ko na sa iyo ngayon ang lahat ng ari-arian ni Mefiboset.” Sinabi ni Ziba, “Mahal na Hari, handa po akong sumunod sa inyo. Malugod sana kayo sa akin.”

Sinumpa ni Shimei si David

5Nang papalapit na si Haring David sa Bahurim, may taong lumabas sa bayang iyon at isinumpa si David. Ang taong ito ay si Shimei na anak ni Gera at kamag-anak ni Saul. 6Binato niya si David at ang mga opisyal nito kahit na napapaligiran si David ng mga tauhan at mga personal niyang tagapagbantay. 7Ito ang sinabi niya kay David: “Huwag kang papasok sa bayan namin, mamamatay-tao at masamang tao ka! 8Ginagantihan ka ng Panginoon sa pagpatay mo kay Saul at sa sambahayan niya. Kinuha mo ang kanyang trono, pero ngayon, ibinigay ito ng Panginoon sa anak mong si Absalom. Bumagsak ka dahil mamamatay-tao ka!”

9Sinabi ni Abishai na anak ni Zeruya sa hari, “Mahal na Hari, bakit nʼyo po pinapabayaang sumpain kayo ng taong iyan na tulad lang ng patay na aso? Payagan nʼyo po akong pugutan siya ng ulo.” 10Pero sinabi ng hari, “Kayong mga anak ni Zeruya, wala kayong pakialam dito! Kung inutusan siya ng Panginoong sumpain ako, sino ako para pigilan siya?” 11Sinabi ni David kay Abishai at sa lahat ng opisyal niya, “Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul?16:11 kamag-anak ni Saul: sa Hebreo, Benjaminita. Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya. 12Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon.” 13Kaya nagpatuloy sa paglakad sina David at ang mga tauhan niya. Sinusundan din sila ni Shimei, pero sa gilid ng burol lang siya dumadaan. Habang naglalakad siya, isinusumpa niya si David at hinahagisan ng bato at lupa. 14Napagod sina David at ang mga tauhan niya kaya nagpahinga sila pagdating nila sa Ilog ng Jordan.16:14 sa Ilog ng Jordan: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa tekstong Griego.

Nakipagkita si Hushai kay Absalom

15Samantala, dumating sa Jerusalem sina Absalom, Ahitofel at ang iba pang mga Israelita. 16Dumating din doon si Hushai na Arkeo, na kaibigan ni David. Pumunta siya kay Absalom at sinabi, “Mabuhay ang hari! Mabuhay ang hari!” 17Tinanong ni Absalom si Hushai, “Nasaan na ang katapatan mo sa kaibigan mo na si David? Bakit hindi ka sumama sa kanya?” 18Sumagot si Hushai, “Hindi! Sa inyo po ako sasama dahil kayo ang pinili ng Panginoon at ng buong mamamayan ng Israel na maging hari. 19Bukod pa riyan, sino pa ba ang pagsisilbihan ko, kundi kayo na anak ni David. Naglingkod ako noon sa ama nʼyo, ngayon, kayo naman ang paglilingkuran ko.”

Ang Payo ni Ahitofel kay Absalom

20Sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ngayon, ano ang maipapayo mong gawin natin?” 21Sumagot si Ahitofel, “Sipingan nʼyo ang mga asawang alipin ng inyong ama na kanyang iniwan para asikasuhin ang palasyo. At malalaman ng buong Israel na ginalit nʼyo nang labis ang inyong ama at lalakas pa lalo ang suporta ng mga tauhan nʼyo sa inyo.” 22Kaya nagpatayo sila ng tolda sa bubungan ng palasyo para kay Absalom, at nakikita ng buong Israel na pumapasok siya roon para sumiping sa mga asawa ng kanyang ama.

23Nang mga panahong iyon, sinusunod ni Absalom ang mga payo ni Ahitofel, gaya ng ginawa ni David. Dahil ipinapalagay nilang galing sa Dios ang bawat payong ibinibigay ni Ahitofel.

Священное Писание

2 Царств 16:1-23

Обман Цивы

1Когда Давуд немного спустился с вершины горы, ему неожиданно встретился Цива, слуга Мефи-Бошета. У него была пара осёдланных ослов, навьюченных двумястами лепёшками, сотней связок изюма, сотней связок инжира и бурдюком вина.

2Царь спросил Циву:

– Для чего это у тебя?

Цива ответил:

– Ослы для того, чтобы на них ездила семья царя, лепёшки и плоды – в пищу юношам, а вино – чтобы подкрепить тех, кто ослабеет в пустыне.

3Тогда царь спросил:

– А где же внук твоего господина?

Цива ответил ему:

– Он сейчас в Иерусалиме, потому что думает: «Сегодня народ Исраила вернёт мне царство моего деда».

4Тогда царь сказал Циве:

– Всё, что ранее принадлежало Мефи-Бошету, теперь твоё.

– Низко кланяюсь тебе, господин мой царь, – сказал Цива. – Да найду я расположение в твоих глазах.

Шимей проклинает Давуда

5Когда Давуд приблизился к Бахуриму, оттуда вышел человек, который был из того же клана, что и семья Шаула. Его звали Шимей, он был сыном Геры. Он шёл и проклинал. 6Он бросал в Давуда и его приближённых камнями, несмотря на то что и справа, и слева от Давуда были его воины и стража. 7И, проклиная, Шимей говорил:

– Прочь! Прочь! Убийца! Негодяй! 8Вечный воздал тебе за всю кровь, пролитую тобой в доме Шаула, вместо которого ты воцарился. Вечный отдал царство твоему сыну Авессалому. А ты попал в беду, потому что ты убийца!

9Авишай, сын Церуи, сказал царю:

– Почему этот мёртвый пёс проклинает господина моего царя? Позволь мне пойти и снести ему голову.

10Но царь сказал:

– Какое ваше дело, сыновья Церуи? Если он проклинает, потому что Вечный сказал ему: «Прокляни Давуда», то кто может сказать: «Зачем ты это делаешь?»

11И Давуд сказал Авишаю и всем своим приближённым:

– Мой сын, который рождён от моей плоти, пытается отнять у меня жизнь. Что же тогда говорить об этом вениамитянине! Оставьте его. Пусть проклинает, потому что так сказал ему Вечный. 12Может быть, Вечный увидит моё горе и воздаст мне добром за проклятия, которые я слышу сегодня.

13И Давуд со своими людьми снова тронулся в путь, а Шимей шёл по склону горы напротив него, проклиная на ходу и бросая в него камни и пыль. 14Царь и все люди, которые были с ним, добрались до Иордана утомлёнными и остановились там на отдых.

Авессалом в Иерусалиме

15А тем временем Авессалом и все исраильтяне вошли в Иерусалим, и Ахитофел был с ними. 16И когда аркитянин Хушай, друг Давуда, пришёл к Авессалому, он сказал ему:

– Да здравствует царь! Да здравствует царь!

17Авессалом спросил Хушая:

– Такова-то твоя верность своему другу? Почему ты не пошёл с ним?

18Хушай сказал Авессалому:

– Нет, я на стороне того, кого избрал Вечный, этот народ и все исраильтяне, и с ним останусь. 19Да и кому я буду служить? Разве не его сыну? Точно так же, как я служил твоему отцу, я буду служить тебе.

20Авессалом сказал Ахитофелу:

– Дай нам совет. Что нам делать?

21Ахитофел ответил:

– Спи с наложницами своего отца, которых он оставил присматривать за дворцом. Тогда весь Исраил услышит, что ты сделался ненавистным отцу, и руки всех, кто на твоей стороне, укрепятся.

22Авессалому разбили шатёр на крыше дворца, и он спал с наложницами своего отца на глазах у всего Исраила.

23А в те дни совет, который давал Ахитофел, считался, как если бы кто спрашивал наставления у Всевышнего. Таков был всякий совет Ахитофела и для Давуда, и для Авессалома.