2 Samuel 11 – TCB & NRT

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 11:1-27

Si David at si Batsheba

1Nang panahong pumupunta ang mga hari sa digmaan para makipaglaban, hindi sumama si David at nagpaiwan lang siya sa Jerusalem. Sina Joab, ang mga opisyal niya, at ang lahat ng sundalo ng Israel ang pinapunta niya. Tinalo nina Joab ang mga Ammonita at sinakop ang Rabba.

2Isang hapon, bumangon si David at naglakad-lakad sa patag na bubungan ng palasyo. Habang nakatingin siya sa ibaba, may nakita siyang isang magandang babaeng naliligo. 3Nag-utos si David na alamin kung sino ang babaeng iyon. Napag-alaman niyang ang babae ay si Batsheba na anak ni Eliam at asawa ni Uria na Heteo. 4Ipinasundo ni David si Batsheba at nang dumating ito, sinipingan siya ni David. (Katatapos pa lang noon ni Batsheba ng seremonya ng paglilinis dahil sa buwanan niyang dalaw.) Pagkatapos nilang magsiping, umuwi siya.

5Nabuntis siya, at ipinaalam niya ito kay David. 6Nagpadala si David ng mensahe kay Joab na papuntahin sa kanya si Uria na Heteo. Kaya pinapunta ni Joab si Uria kay David. 7Pagdating ni Uria, tinanong siya ni David kung ano na ang kalagayan ni Joab at ng mga sundalo sa kanilang pakikipaglaban. 8Pagkatapos, sinabi ni David sa kanya, “Umuwi ka muna at magpahinga.”11:8 magpahinga: o, sumiping sa asawa mo. Sa literal, hugasan mo ang paa mo. Kaya umalis si Uria sa palasyo, at pinadalhan siya ni David ng mga regalo sa bahay niya. 9Pero hindi umuwi si Uria sa kanila kundi roon siya natulog sa pintuan ng palasyo kasama ng mga lingkod ng kanyang amo na si David. 10Nang malaman ni David na hindi umuwi si Uria, ipinatawag niya ito, at tinanong, “Bakit hindi ka umuwi? Matagal kang nawala sa inyo.” 11Sinabi ni Uria, “Ang Kahon ng Kasunduan ng Dios at ang mga sundalo ng Israel at Juda ay naroon po sa mga kampo sa kapatagan, at nandoon din ang pinuno naming si Joab at ang mga opisyal niya. Maaatim ko po bang umuwi sa amin para kumain, uminom at sumiping sa asawa ko? Isinusumpa ko na hinding-hindi ko ito gagawin!” 12Sinabi sa kanya ni David, “Manatili ka pa rito ng isang gabi, at bukas pababalikin na kita sa kampo.” Kaya nanatili pa si Uria sa Jerusalem ng araw na iyon. Kinabukasan, 13inanyayahan siya ni David na kumain at uminom kasama niya. At nilasing siya ni David. Pero nang gabing iyon, hindi pa rin umuwi si Uria kundi roon ulit siya natulog kasama ng mga lingkod ng kanyang amo na si David.

14Kinaumagahan, sumulat si David kay Joab at ipinadala niya ito kay Uria. 15Ito ang isinulat niya: “Ilagay mo si Uria sa unahan ng labanan, kung saan matindi ang labanan. Pagkatapos, umatras kayo upang siya ay matamaan at mamatay.” 16Kaya habang pinaliligiran nila ang Rabba, inilagay ni Joab si Uria sa lugar kung saan alam niyang malalakas ang mga kalaban. 17Sinalakay ng mga kalaban sina Joab at napatay si Uria na Heteo kasama ng iba pang mga sundalo ni David. 18Nagpadala si Joab ng balita kay David tungkol sa lahat ng nangyari sa labanan. 19Sinabi niya sa mensahero, “Pagkatapos mong sabihin sa hari ang nangyari sa labanan, 20maaaring magalit siya at tanungin ka, ‘Bakit masyado kayong lumapit sa lungsod habang nakikipaglaban? Hindi nʼyo ba naiisip na maaari nila kayong mapana mula sa pader? 21Hindi ba ninyo naaalala kung paano namatay si Abimelec na anak ni Jerub Beshet11:21 Jerub Beshet: Ito ay isa sa pang tawag kay Gideon. sa Tebez? Hindi baʼt hinulugan siya ng isang babae ng gilingang bato mula sa itaas ng pader, at namatay siya? Bakit lumapit kayo sa pader?’ Kung magtatanong siya nang ganito, sabihin mo sa kanya, ‘Namatay din po ang lingkod ninyong si Uria na Heteo.’ ”

22Lumakad ang mensahero, at pagdating niya kay David sinabi niya rito ang lahat ng ipinapasabi ni Joab. 23Sinabi niya kay David, “Sinalakay po kami ng mga kalaban sa kapatagan, pero hinabol po namin sila pabalik sa pintuan ng lungsod nila. 24Pagkatapos, pinana po kami ng mga mamamana na nandoon sa pader at napatay po ang ilan sa mga sundalo nʼyo pati na ang lingkod ninyong si Uria na Heteo.”

25Sinabi ni David sa mensahero, “Sabihin mo kay Joab na huwag ikalungkot ang nangyari, dahil hindi natin masasabi kung sino ang mamamatay sa labanan. Sabihin mo sa kanya na lakasan niya ang loob niya, at pagbutihin pa niya ang pagsalakay sa lungsod hanggang sa maibagsak ito.”

26Nang malaman ni Batsheba na napatay ang asawa niyang si Uria, nagluksa siya. 27Pagkatapos ng pagluluksa, ipinasundo siya ni David at dinala sa palasyo. Naging asawa siya ni David at hindi nagtagal, nanganak siya ng isang lalaki. Pero ang ginawa ni David ay masama sa paningin ng Panginoon.

New Russian Translation

2 Царств 11:1-27

Давид и Вирсавия

1Весной, когда цари идут на войну, Давид послал Иоава со своими приближенными и всем израильским войском, и они нанесли поражение аммонитянам и осадили их главный город Равву. Давид же оставался в Иерусалиме.

2Однажды вечером, поднявшись с постели, Давид прогуливался по крыше своего дворца. С крыши он увидел купающуюся женщину. Женщина была очень красива, 3и Давид послал разузнать о ней. Посланный сказал:

– Это Вирсавия11:3 Евр.: «Бат-Шева»., дочь Элиама и жена хетта Урии.

4Тогда Давид послал людей, чтобы привести ее. Она пришла к нему, и он лег с ней. (Она только что очистилась от своей ежемесячной нечистоты.) Затем она вернулась домой11:4 Или: «Затем она очистилась от своей нечистоты и вернулась домой». Нечистота – см. Лев. 15:18-30.. 5Эта женщина забеременела и послала сказать Давиду:

– Я беременна.

6Тогда Давид отправил Иоаву приказ:

– Пришли ко мне хетта Урию.

Иоав послал его к Давиду. 7Когда Урия пришел к нему, Давид расспросил его об Иоаве, о воинах и о ходе войны. 8Затем Давид сказал Урии:

– Ступай домой и омой ноги.

Урия вышел из царского дворца, а вслед за ним понесли царский подарок. 9Но Урия лег спать у входа во дворец со всеми слугами своего господина и не пошел к себе домой. 10Когда Давиду сказали: «Урия не пошел домой», он спросил его:

– Разве ты не после дороги? Почему ты не пошел домой?

11Урия сказал Давиду:

– Ковчег, Израиль и Иуда находятся в шатрах, и мой господин Иоав и все люди моего господина находятся в открытом поле. Как же я могу пойти домой, чтобы есть, пить и спать со своей женой? Верно, как и то, что ты жив, я не сделаю подобного!

12Тогда Давид сказал ему:

– Оставайся здесь и сегодня, а завтра я отправлю тебя обратно.

Урия остался в Иерусалиме в тот день и на следующий день. 13По приглашению Давида он ел и пил с ним, и Давид напоил его допьяна. Но вечером Урия вышел, чтобы лечь спать на своей циновке со слугами своего господина; он не пошел домой.

14Поутру Давид написал Иоаву письмо и отправил его с Урией. 15В письме было сказано: «Поставьте Урию там, где будет самое яростное сражение, и отступите от него, чтобы он погиб».

16Когда Иоав осаждал город, он поставил Урию там, где, как он знал, были самые сильные защитники. 17Когда горожане вышли из города и сразились с Иоавом, некоторые воины из войска Давида пали; хетт Урия тоже был убит. 18Иоав послал Давиду подробные известия о битве. 19Он научил вестника:

– Когда ты закончишь рассказывать царю эти известия о битве, 20царь может разгневаться и спросить тебя: «Зачем вы так близко подходили к городу сражаться? Разве вы не знали, что они станут стрелять со стены стрелами? 21Кто убил Авимелеха, сына Еруббаала?11:21 Так в некоторых древних переводах (ср. Суд. 7:1); в еврейском тексте: «Иеруб-Бешета». Разве не женщина бросила в него со стены обломок жернова, и он умер в Тевеце?11:21 См. Суд. 9:50-54. Зачем вы так близко подходили к стене?» Если спросит у тебя это, скажи ему: «А еще твой слуга хетт Урия погиб».

22Вестник пустился в путь и, когда прибыл, передал Давиду все, с чем послал его Иоав. 23Вестник сказал Давиду:

– Те люди наступали на нас и вышли против нас в открытое поле, но мы отогнали их обратно к городским воротам. 24Лучники стреляли в твоих слуг со стены, и некоторые из царских слуг погибли. Твой слуга хетт Урия тоже погиб.

25Давид сказал вестнику:

– Скажи Иоаву так: «Пусть это тебя не огорчает; меч поражает то одного, то другого. Соберись с силами против города и разрушь его». Скажи так, чтобы ободрить Иоава.

26Когда жена Урии услышала, что ее муж погиб, она оплакивала его. 27После того как время траура миновало, Давид привел ее в свой дом, она стала его женой и родила ему сына. Но то, что сделал Давид, не было угодно Господу.