2 Samuel 10 – TCB & CARST

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 10:1-19

Tinalo ni David ang mga Ammonita

(1 Cro. 19:1-19)

1Mga ilang panahon pa ang lumipas, namatay si Nahash, ang hari ng mga Ammonita. Pinalitan siya ng anak niyang si Hanun bilang hari. 2Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kabutihan kay Hanun dahil naging mabuti ang kanyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga opisyal para ipakita ang pakikiramay niya kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito.

Pero pagdating ng mga opisyal ni David sa lupain ng mga Ammonita, 3sinabi ng mga opisyal ng mga Ammonita kay Hanun na kanilang hari, “Sa tingin nʼyo ba pinahahalagahan ni David ang inyong ama sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan para makiramay sa kalungkutan nʼyo? Hindi! Ipinadala niya ang mga taong iyan para manmanan lang ang lungsod natin at wasakin.” 4Kaya ipinadakip ni Hanun ang mga opisyal ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at ginupit ang mga damit nila mula baywang pababa at pagkatapos ay pinauwi sila.

5Talagang hiyang-hiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang bumalik.

6Napag-isip-isip ng mga Ammonita na ginalit nila si David, kaya umupa sila ng 20,000 sundalong Arameo10:6 Arameo; o, Syrian. mula sa Bet Rehob at Zoba, 1,000 sundalo mula sa hari ng Maaca, at 12,000 sundalo mula sa Tob. 7Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang lahat ng sundalo niya sa pakikipaglaban. 8Pumwesto ang mga Ammonita sa bungad ng kanilang lungsod, habang ang mga Arameo naman na galing sa Rehob at Zoba at ang mga sundalong galing sa Tob at Maaca ay naroon sa kapatagan.

9Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo. 10Si Abishai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Ammonita. 11Sinabi ni Joab kay Abishai, “Kapag nakita mo na parang natatalo kami ng mga Arameo, tulungan nʼyo kami, pero kapag kayo ang parang natatalo ng mga Ammonita, tutulungan namin kayo. 12Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Dios. Gagawin ng Panginoon kung ano ang mabuti para sa kanya.” 13Sumalakay sina Joab at ang mga tauhan niya sa mga Arameo, at nagsitakas ang mga Arameo sa kanila. 14Nang makita ng mga Ammonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abishai at pumasok sa lungsod nila. Pagkatapos, umuwi sina Joab sa Jerusalem mula sa pakikipaglaban sa mga Ammonita.

15Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, muli silang nagtipon. 16Tinulungan sila ng ibang mga Arameo na ipinatawag ni Hadadezer mula sa kabila ng Ilog ng Eufrates. Pumunta sila sa Helam sa pamumuno ni Shobac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

17Nang malaman ito ni David, tinipon niya ang lahat ng sundalo ng Israel, tumawid sila sa Ilog ng Jordan at pumunta sa Helam. Naghanda ang mga Arameo para harapin si David, at nakipaglaban sila sa kanya. 18Pero muling tumakas ang mga Arameo sa mga Israelita. Napatay nina David ang 700 mangangarwahe at 40,000 mangangabayo.10:18 mangangabayo: Itoʼy batay sa Hebreo. Sa ibang kopyang Griego (at sa 1 Cro. 19:18), mga sundalong naglalakad. Napatay din nila si Shobac, ang kumander ng mga sundalo. 19Nang makita ng mga haring kaanib ng mga Arameo, na sakop ni Hadadezer, na natalo sila ng mga Israelita, nakipagkasundo sila sa mga Israelita at nagpasakop sa kanila. Kaya mula noon natakot nang tumulong ang mga Arameo sa mga Ammonita.

Священное Писание (Восточный перевод), версия для Таджикистана

2 Царств 10:1-19

Победа над аммонитянами и сирийцами

(1 Лет. 19:1-19)

1Некоторое время спустя царь аммонитян умер, и вместо него царём стал его сын Ханун. 2Довуд подумал: «Я окажу Хануну, сыну Нахаша, милость, как его отец оказал милость мне». И Довуд отправил к Хануну своих слуг, чтобы выразить соболезнования о его отце.

Когда люди Довуда пришли в землю аммонитян, 3аммонитские вожди сказали своему господину Хануну:

– Неужели ты думаешь, что Довуд прислал к тебе этих людей с соболезнованиями из уважения к твоему отцу? Разве не затем послал их к тебе Довуд, чтобы высмотреть город, разведать его и разрушить?

4И Ханун схватил людей Довуда, сбрил каждому из них половину бороды, обрезал их одежды наполовину, до ягодиц, и отослал их обратно. 5Когда об этом рассказали Довуду, он послал им навстречу людей, потому что они были сильно опозорены.

Царь сказал:

– Оставайтесь в Иерихоне, пока не отрастут ваши бороды, а потом возвращайтесь.

6Когда аммонитяне поняли, что они стали ненавистны Довуду, они наняли двадцать тысяч сирийских пеших воинов из Бет-Рехова и Цовы, а также царя Маахи с тысячью человек, и ещё двенадцать тысяч человек из земли Тов.

7Услышав об этом, Довуд послал Иоава со всем войском сразиться с ними. 8Аммонитяне вышли и расположились боевым порядком у входа в городские ворота, а сирийцы из Цовы и Рехова и люди из Това и Маахи стояли отдельно в открытом поле.

9Когда Иоав увидел, что сражаться придётся и впереди, и сзади, он выбрал некоторых из лучших воинов Исроила и выстроил их против сирийцев. 10Остальных людей он отдал под начало своего брата Авишая, и тот выстроил их против аммонитян.

11Иоав сказал:

– Если сирийцы станут одолевать меня, то ты придёшь ко мне на помощь, а если аммонитяне станут одолевать тебя, то я приду к тебе на помощь. 12Будь мужествен! Будем храбро сражаться за наш народ и города нашего Бога, и пусть Вечный сделает так, как Ему угодно!

13После этого Иоав со своими воинами вступил в сражение с сирийцами, и те побежали перед ним. 14Когда аммонитяне увидели, что сирийцы бегут, они тоже побежали от Авишая и отступили в город. А Иоав вернулся со сражения с сирийцами и пришёл в Иерусалим.

15Увидев, что они разбиты исроильтянами, сирийцы собрались вместе. 16Ададезер послал за сирийцами, жившими за рекой Евфрат. Те пришли в Хелам во главе с Шовахом, начальником войска Ададезера.

17Когда об этом доложили Довуду, он собрал весь Исроил, переправился через Иордан и пришёл к Хеламу. Сирийцы расположились боевым порядком, чтобы встретить Довуда и сразиться с ним. 18Но они побежали перед Исроилом, и Довуд перебил из них семьсот колесничих и сорок тысяч пеших воинов10:18 Или: «всадников».. Ещё он поразил Шоваха, начальника их войска, который и умер там. 19Увидев, что они разбиты Исроилом, все цари, которые были в подчинении у Ададезера, заключили с исроильтянами мир и покорились им.

И сирийцы боялись впредь помогать аммонитянам.