Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 1:1-27

Nalaman ni David ang Pagkamatay ni Saul

1Bumalik sina David sa Ziklag pagkatapos nilang matalo ang mga Amalekita. Patay na noon si Saul. Nanatili sila ng dalawang araw sa Ziklag. 2Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo bilang pagluluksa. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang sa kanya. 3Tinanong siya ni David, “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya, “Nakatakas po ako mula sa kampo ng mga Israelita.” 4Nagtanong si David, “Bakit, ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin.” Sinabi niya, “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan.” 5Nagtanong si David sa binata, “Paano mo nalamang patay na sina Saul at Jonatan?” 6Ikinuwento ng binata ang nangyari, “Nagkataon na nandoon po ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo. 7Nang lumingon siya, nakita niya ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, ‘Ano po ang maitutulong ko?’ 8Tinanong niya kung sino ako. Sumagot ako na isa akong Amalekita. 9Pagkatapos, nakiusap siya sa akin, ‘Lumapit ka rito at patayin mo ako, tapusin mo na ang paghihirap ko. Gusto ko nang mamatay dahil hirap na ako sa kalagayan ko.’ 10Kaya nilapitan ko siya at pinatay dahil alam kong hindi na rin siya mabubuhay sa grabeng sugat na natamo niya. Pagkatapos, kinuha ko po ang korona sa ulo niya at pulseras sa kamay niya, at dinala ko po rito sa inyo.”

11Nang marinig ito ni David at ng mga tauhan niya, pinunit nila ang kanilang mga damit bilang pagluluksa. 12Umiyak at nag-ayuno sila hanggang gabi para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, at para sa mga mamamayan ng Panginoon, ang bayan ng Israel, dahil marami ang namatay sa digmaan. 13Tinanong pa ni David ang binatang nagbalita sa kanya, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Isa po akong dayuhang Amalekita na nakatira sa lupain ninyo.” 14Nagtanong si David, “Bakit hindi ka man lang natakot na patayin ang piniling hari ng Panginoon?” 15Pagkatapos, tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at inutusan, “Patayin mo ang taong ito!” Pinatay nga ng tauhan niya ang tao. 16Sinabi ni David, “Ikaw ang dapat sisihin sa kamatayan mo. Ikaw na mismo ang tumestigo laban sa sarili mo nang sabihin mong pinatay mo ang piniling hari ng Panginoon.”

Ang Awit ng Kalungkutan ni David para kina Saul at Jonatan

17Gumawa si David ng isang awit para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, 18at iniutos niyang ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Tinawag itong Awit Tungkol sa Pana at nakasulat ito sa Aklat ni Jashar. Ito ang panaghoy niya:

19“O Israel, ang mga dakilang mandirigma moʼy namatay sa kabundukan mismo ng Israel.

Napatay din ang mga magigiting mong sundalo.

20Huwag itong ipaalam sa Gat, o sa mga lansangan ng Ashkelon,

baka ikagalak ito ng mga babaeng Filisteo na hindi nakakakilala sa Dios.

21O Bundok ng Gilboa, wala sanang ulan o hamog na dumating sa iyo.

Wala sanang tumubong pananim sa iyong bukirin upang ihandog sa Dios.1:21 upang ihandog sa Dios: o, sa sambahan sa matataas na lugar.

Sapagkat diyan nadungisan ng mga kaaway ang pananggalang ng magiting na si Haring Saul.

At wala nang magpapahid dito ng langis upang itoʼy linisin at pakintabin.

22Sa pamamagitan ng espada ni Saul at pana ni Jonatan, maraming magigiting na kalaban ang kanilang napatay.

23Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan.

Magkasama sila sa buhay at kamatayan.

Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.

24Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul.

Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.

25Ang magigiting na sundalo ng Israel ay napatay sa labanan.

Pinatay din si Jonatan sa inyong kabundukan.

26Nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko!

Mahal na mahal kita; ang pagmamahal mo sa akin ay mas higit pa sa pagmamahal ng mga babae.

27Nangabuwal ang magigiting na sundalo ng Israel.

Ang kanilang mga sandataʼy nangawala.”

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

撒母耳記下 1:1-27

大衛得知掃羅的死訊

1大衛戰勝了亞瑪力人之後便回到洗革拉,在那裡住了兩天。那時掃羅已經死了。 2第三天,有一個衣服撕裂、頭蒙灰塵的人從掃羅軍營中跑到大衛面前,俯伏下拜。 3大衛問他:「你從哪裡來?」那人答道:「我是從以色列軍營逃出來的。」 4大衛說:「請告訴我那邊的情況。」他說:「以色列軍潰逃,傷亡慘重,掃羅和他兒子約拿單都死了!」 5大衛又問報信的青年:「你怎麼知道掃羅和他兒子約拿單死了?」 6青年說:「我偶然到基利波山,看見掃羅在那裡扶槍而立,敵人的戰車騎兵緊緊追來。 7他回頭看到我,便呼喚我。我說,『我在這裡。』 8他問我是什麼人。我告訴他我是亞瑪力人。 9掃羅說他痛苦難當,卻又死不掉,要我殺了他。 10我知道他身受重傷,必死無疑,就把他殺了,並取下他頭上的王冠和臂上的鐲子帶來獻給我主。」

11大衛就撕裂衣服,他的隨從也撕裂衣服。 12他們因掃羅、他的兒子約拿單和耶和華的子民——以色列同胞陣亡而悲哀痛哭,禁食直到黃昏。 13大衛又問報信的青年:「你是哪裡的人?」他答道:「我是寄居在以色列亞瑪力人。」 14大衛說:「你怎麼敢下手殺耶和華所膏立的王? 15-16你是咎由自取!因為你親口承認自己殺了耶和華所膏立的王。」大衛隨即命令一個年輕的隨從殺死他,隨從便殺死了他。

大衛的哀歌

17大衛作了一首輓歌哀悼掃羅和他兒子約拿單18並吩咐人教導猶大人唱這首弓歌。這首歌記在《雅煞珥書》上,歌詞說:

19以色列啊,

你榮耀的王伏屍山上,

偉大的勇士竟然倒下!

20不要在迦特宣告,

不要在亞實基倫的街上傳揚,

免得非利士的婦女幸災樂禍,

免得未受割禮之人的女子歡喜雀躍。

21基利波山啊,願你沒有雨露,

你的田地不長獻祭用的五穀,

因為在那裡勇士的盾牌污跡斑斑,

掃羅的盾牌沒有抹油。

22約拿單的弓射敵無數,

掃羅的劍不殺強敵不收回。

23掃羅約拿單深受愛戴,

生死不分離。

他們比鷹更敏捷,

比獅子還強壯。

24以色列的女子啊,

掃羅哀哭吧!

他曾使你們衣服華美,

穿金戴銀。

25「勇士竟戰死沙場!

約拿單竟伏屍山上!

26我的兄弟約拿單啊,

我為你悲傷,

你對我情深義重,

你對我的愛勝過女人的戀情。

27「偉大的勇士竟然倒下!

兵器竟然長埋!」