Tagalog Contemporary Bible

2 Juan 1:1-13

1Mula sa namumuno sa iglesya.

Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay,1:1 kayong tunay: o, kayo sa katotohanan. at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan. 2Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman.

3Manatili sana sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.

Ang Katotohanan at Ang Pag-ibig

4Labis ang kagalakan ko nang malaman ko na ang ilan sa mga anak mo ay sumusunod sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Dios Ama. 5Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon na magmahalan tayong lahat. Hindi ito isang panibagong utos kundi ito rin ang utos na ibinigay sa atin noong una tayong sumampalataya. 6Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Dios. At ang utos niya na narinig ninyo mula nang sumampalataya kayo ay ito: mamuhay tayo nang may pag-ibig.

7Mahalaga ito, dahil marami nang nagkalat na manlilinlang sa mundo. Ito ang mga taong hindi kumikilala na si Jesu-Cristo ay naging tao. Silaʼy mga manlilinlang at anti-Cristo. 8Mag-ingat kayo at nang hindi mawala ang inyong pinaghirapan, sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala.

9Ang sinumang hindi sumusunod sa aral ni Cristo o nagtuturo pa ng labis dito ay hindi pinananahanan ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa aral ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak. 10Kung may dumating man sa inyo na iba ang ipinangangaral tungkol kay Cristo, huwag nʼyo siyang tanggapin sa inyong tahanan, ni huwag nʼyo siyang batiin nang may pagpapala. 11Sapagkat ang sinumang bumati sa kanya ng ganoon ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain.

12Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na lang isusulat. Sapagkat umaasa akong makakadalaw ako riyan at makakausap kayo nang personal, upang malubos ang ating kagalakan.

13Kinukumusta ka ng mga anak ng kapatid mong babae, na tulad moʼy isa rin sa mga pinili ng Dios.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約翰二書 1:1-13

1我這作長老的寫信給蒙揀選的女士1·1 學者一般認為「蒙揀選的女士」是指教會。和你的兒女,就是我本著真理所愛的。你們不單是我所愛的,也是一切認識真理的人所愛的。 2我們愛你們,因為真理在我們裡面,並且永遠與我們同在。

3從父上帝和祂兒子耶穌基督而來的恩典、憐憫和平安也必在真理和愛中與我們同在!

彼此相愛

4你的兒女當中有人按照我們從父領受的命令遵行真理,我知道後非常欣慰。 5女士啊,我現在勸你,我們大家要彼此相愛。這不是新命令,而是我們從起初就已經領受的命令。 6愛就是遵行上帝的命令,這是你們從起初就聽過又當遵行的命令。

提防騙子

7因為現在世上有許多騙子出來迷惑人,他們否認耶穌基督曾降世為人。這樣的人是騙子,是敵基督者。 8你們要謹慎,好得到完滿的賞賜,免得我們前功盡棄。 9誰偏離基督的教導,誰心中就沒有上帝;誰遵守基督的教導,誰就有父和子與他同在。 10若有人到你們那裡不傳基督的教導,不要請他到家裡,也不要問候他, 11因為問候他就是與他同流合污。

結語

12我還有許多事要告訴你們,但不想藉助紙墨,而是希望有機會到你們那裡與你們當面暢談,使我們充滿喜樂。

13你那蒙揀選之姊妹的兒女問候你。