2 Hari 7 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 7:1-20

1Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon: Bukas, sa ganito ring oras, magiging mura ang bilihin sa pamilihan7:1 pamilihan: sa Hebreo, pintuang bayan. Ganito rin sa talatang 18. ng Samaria. Isang pirasong pilak na lang ang halaga ng isang takal na harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal ng sebada.” 2Sinabi ng opisyal na katiwala ng hari, “Kahit na magpaulan pa ang Panginoon hindi magiging ganoon kadami ang ani.” Sumagot si Eliseo, “Makikita mo na mangyayari iyon, pero hindi ka makakakain ng kahit ano.”

Huminto ang mga Arameo sa Paglusob

3May apat na tao na may malubhang sakit sa balat7:3 sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ang tawag sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat. na nakaupo sa pintuan ng lungsod. Sinabi nila sa isaʼt isa, “Bakit kailangan nating umupo rito hanggang sa mamatay? 4Kung papasok tayo sa lungsod, mamamatay tayo sa gutom at kung mauupo lang tayo rito, mamamatay din tayo. Kaya pumunta na lang tayo sa kampo ng mga Arameo at sumuko. Nasa kanila na kung bubuhayin nila tayo o papatayin.”

5Kaya kinagabihan, pumunta sila sa kampo ng mga Arameo. Pero pagdating nila roon, walang tao. 6Ipinarinig ng Panginoon sa mga sundalo ng Aram ang ingay ng mga karwahe, kabayo at mga sundalo, kaya nasabi nila sa isaʼt isa, “Baka inupahan ng hari ng Israel ang hari ng Heteo at ang hari ng Egipto para lusubin tayo.” 7Kaya tumakas sila nang gabing iyon at iniwanan nila ang mga tolda, kabayo at mga asno nila. Iniwan din nila ang kampo nila at iniligtas ang mga sarili nila.

8Nang dumating sa kampo ang mga taong may malubhang sakit sa balat, isa-isa nilang pinasok ang mga tolda, kumain sila at uminom. Kinuha nila ang mga pilak, ginto at damit, at itinago ang mga ito. 9Sa bandang huli, sinabi nila sa isaʼt isa, “Hindi ito tama. Magandang balita ang nangyari sa araw na ito, kaya hindi natin dapat ilihim. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagsasabi nito, tiyak na parurusahan tayo. Pumunta tayo ngayon sa palasyo ng hari at ibalita ang nangyari.”

10Kaya bumalik sila sa lungsod ng Samaria at tinawag ang mga guwardya ng pintuan ng lungsod at sinabi, “Pumunta kami sa kampo ng mga Arameo at walang tao roon, maliban sa mga nakataling kabayo at asno. At naroon pa ang mga kagamitan sa tolda.”

11Kaya isinigaw ng mga tagapagbantay ang balitang ito sa mga tao hanggang sa nakarating ito sa palasyo. 12Bumangon ang hari nang madaling-araw at sinabi sa mga opisyal niya, “Sasabihin ko sa inyo kung ano ang plano ng mga Arameo. Alam nilang nagugutom tayo, kaya iniwan nila ang kampo nila at nagtago sa bukid. Iniisip nila: ‘Kapag umalis ang mga Israelita sa lungsod, huhulihin natin sila ng buhay, pagkatapos papasukin natin ang lungsod nila.’ 13Sumagot ang isa sa mga opisyal niya, ‘Mas mabuti po na magpadala tayo ng mga tao para alamin ang nangyari. Hayaan nating gamitin nila ang limang natirang kabayo. Kung may mangyayari po sa kanila, hindi ito malaking kawalan kaysa manatili sila rito at mamatay rin na kasama natin.’ ”

14Kaya naghanda sila ng dalawang karwahe na may mga kabayo at nagpadala ang hari ng mga tao para alamin kung ano talaga ang nangyari sa mga sundalo ng Aram. 15Nakaabot sila hanggang sa Ilog ng Jordan, at nakita nila sa daan ang mga damit at mga kagamitan na itinapon ng mga Arameo sa pagmamadaling makatakas. Bumalik ang mga inutusan at ibinalita ito sa hari. 16Pagkatapos, lumabas ang mga tao sa bayan at kinuha nila ang mga mahahalagang bagay na naiwan sa kampo ng mga Arameo. Nangyari ang sinabi ng Panginoon na magiging isang pirasong pilak lang ang halaga ng isang takal ng harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal na sebada.

17Pinili ng hari ang pinagkakatiwalaan niyang opisyal para magbantay sa pintuan ng lungsod. Nang magtakbuhan ang mga tao, natumba ang opisyal at natapak-tapakan siya ng mga tao roon sa pintuan, at namatay siya ayon sa sinabi ni Eliseo na lingkod ng Dios nang pumunta ang hari sa kanya. 18Nangyari rin ang sinabi ng lingkod ng Dios sa hari, “Bukas, sa ganito ring oras, magiging mura ang bilihin sa pamilihan ng Samaria. Isang pirasong pilak na lang ang halaga ng isang takal ng harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal ng sebada.” 19Sumagot noon ang opisyal ng hari, “Kahit na magpaulan pa ang Panginoon hindi magiging ganoon kadami ang ani.” Sumagot si Eliseo, “Makikita mo na mangyayari iyon, pero hindi ka makakakain nito.” 20Iyon nga ang nangyari sa opisyal, dahil natapak-tapakan siya ng mga tao na nagsiksikan sa pintuan ng lungsod hanggang sa mamatay siya.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

4 Царств 7:1-20

1Но Елисей сказал:

– Слушай слово Вечного. Так говорит Вечный: «Завтра к этому времени у ворот Самарии пять килограммов лучшей муки и десять килограммов ячменя будут продаваться всего лишь за двенадцать граммов серебра»7:1 Букв.: «одна сата… две саты… за один шекель». Также в ст. 16 и 18..

2Ближайший к царю сановник сказал пророку:

– Послушай, этого не может быть, даже если Вечный откроет небесные окна!

– Ты увидишь это своими глазами, – ответил Елисей, – но есть не будешь!

Конец осады

3У входа в городские ворота сидели четверо прокажённых7:3 См. сноску на 5:1.. Они сказали друг другу:

– Чего нам сидеть тут и ждать смерти? 4Если мы решим пойти в город, то там голод, и мы умрём. И если мы останемся здесь, то всё равно умрём. Давайте же пойдём в лагерь к сирийцам и сдадимся. Если они пощадят нас, останемся в живых, а если нет, то умрём.

5В вечерних сумерках они встали и пошли в лагерь сирийцев. Когда они добрались до края лагеря, там никого не было, 6потому что Владыка сделал так, что сирийцы услышали шум колесниц, коней и огромного войска, и они сказали друг другу:

– Это царь Исраила нанял хеттейских и египетских царей, чтобы напасть на нас!

7Они встали и в сумерках бежали, бросив шатры, лошадей и ослов. Они бросили лагерь, как он был, и спасались бегством. 8Прокажённые добрались до края лагеря и вошли в один из шатров. Они наелись, напились и унесли оттуда серебро, золото и одежды, ушли и спрятали их. Потом они вернулись и вошли в другой шатёр и, взяв кое-что и из него, ушли и спрятали это тоже. 9Затем они сказали друг другу:

– Мы поступаем неправильно. Это день хороших вестей, а мы держим их при себе. Если мы будем ждать рассвета, нас постигнет кара. Пойдём сейчас же и доложим об этом в царском дворце.

10Они пошли, позвали городских привратников и сказали им:

– Мы ходили в лагерь сирийцев, но там никого не видно и не слышно. Только привязанные кони, ослы и шатры, как они были.

11Привратники разгласили весть, и об этом было доложено во дворце. 12Царь встал ночью и сказал своим приближённым:

– Я скажу вам, что сделали сирийцы. Они знают, что мы голодаем, и покинули лагерь, чтобы спрятаться в поле, думая: «Они непременно выйдут, мы возьмём их живыми и войдём в город».

13Один из его приближённых сказал:

– Пусть возьмут пять из оставшихся лошадей и узнают, что произошло. Ведь те, кто уцелел, здесь всё равно разделят судьбу всего множества исраильтян, которое уже погибло.

14Они взяли две колесницы с конями, и царь послал их за сирийским войском. Он приказал колесничим:

– Пойдите и узнайте, что произошло.

15Они ехали по следам сирийского войска до самого Иордана и видели, что вся дорога усеяна одеждами и снаряжением сирийцев, которые те бросали во время стремительного бегства. Посланцы вернулись и доложили об увиденном царю. 16Народ вышел и разграбил лагерь сирийцев. Пять килограммов лучшей муки и десять килограммов ячменя стали продавать всего лишь за двенадцать граммов серебра, как и сказал Вечный. 17А царь поставил своего ближайшего сановника следить за порядком в городских воротах, и там его растоптала толпа. Он умер, как и предсказывал пророк, когда царь приходил к нему домой. 18(Когда пророк говорил царю: «Завтра к этому времени у ворот Самарии пять килограммов лучшей муки и десять килограммов ячменя будут продавать всего лишь за двенадцать граммов серебра», 19тот сановник сказал пророку: «Послушай, этого не может быть, даже если Вечный откроет небесные окна!» Тогда пророк ответил: «Ты увидишь это своими глазами, но есть не будешь!») 20Так с ним и произошло: толпа растоптала его в воротах, и он умер.