2 Hari 4 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 4:1-44

Dumami ang Langis ng Biyuda

1May isang biyuda na ang asawa ay kaanib noon sa grupo ng mga propeta. Isang araw, humingi siya ng tulong kay Eliseo. Sinabi niya, “Patay na po ang asawa ko na inyong lingkod at alam nʼyo kung gaano niya iginagalang ang Panginoon. Ngayon, ang tao po na pinagkakautangan niya ay dumating para kunin ang dalawa naming anak na lalaki upang gawing alipin bilang kabayaran sa utang.” 2Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Ano ang maitutulong ko sa iyo? Sabihin mo sa akin, ano ang mayroon sa bahay mo?” Sumagot ang babae, “Wala po, maliban lang sa kaunting langis sa lalagyan.” 3Sinabi ni Eliseo, “Puntahan mo ang lahat ng kapitbahay mo at manghiram ka ng maraming sisidlan. 4Pumasok kayo ng mga anak mo sa bahay nʼyo at isara nʼyo ang pinto. Ibuhos nʼyo ang langis sa lahat ng sisidlan. Itabi mo ang bawat sisidlan na mapupuno mo.”

5Kaya ginawa ng babae ang iniutos ni Eliseo sa kanya, at isinara nila ang pinto ng bahay nila. Pagkatapos, dinala sa kanya ng mga anak niya ang mga sisidlan, at nilagyan niya ito ng langis. 6Nang mapuno na ang lahat ng sisidlan, sinabi niya sa isa sa kanyang mga anak, “Bigyan mo pa ako ng sisidlan.” Sumagot ang anak niya, “Wala na pong sisidlan.” At tumigil na ang pag-agos ng langis.

7Pumunta ang babae kay Eliseo na lingkod ng Dios at sinabi niya ang nangyari sa kanya. Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Umalis ka at ipagbili ang langis, at bayaran mo ang utang mo. May matitira ka pang sapat na pera para mabuhay kayo ng mga anak mo.”

Si Eliseo at ang Babaeng Taga-Shunem

8Isang araw, pumunta si Eliseo sa Shunem. May mayamang babae roon na nag-imbita kay Eliseo na kumain. Simula noon, kapag dumaraan si Eliseo sa Shunem, dumadaan siya sa bahay ng babae at kumakain.

9Ngayon, nagsabi ang babae sa asawa niya, “Nalalaman ko na isang banal na lingkod ng Dios ang taong ito na palaging dumadaan dito sa atin. 10Igawa natin siya ng maliit na kwarto sa may bubungan, at lagyan natin ito ng higaan, mesa, upuan at ilawan, para kapag pupunta siya rito sa atin ay may matuluyan siya.”

11Isang araw, nang pumunta si Eliseo sa Shunem, umakyat siya sa kwarto at nagpahinga. 12Inutusan niya ang katulong niyang si Gehazi na tawagin ang babae. Kaya tinawag ni Gehazi ang babae. Pagdating ng babae, 13sinabi ni Eliseo sa katulong niya, “Dahil sa mabuting pag-aaruga niya sa atin, tanungin mo siya kung ano ang magagawa natin para sa kanya. Gusto ba niyang kausapin ko ang hari o ang kumander ng mga sundalo para sa kanya?” Sumagot ang babae, “Hindi na po kailangan, mabuti naman po ang kalagayan ko kasama ng aking mga kababayan.” 14Nagtanong si Eliseo kay Gehazi, “Ano kaya ang magagawa natin para sa kanya?” Sumagot si Gehazi, “Wala po siyang anak na lalaki at matanda na ang asawa niya.” 15Sinabi ni Eliseo, “Tawagin mo siya ulit.” Kaya tinawag siya ni Gehazi at tumayo ang babae sa pintuan. 16Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Sa susunod na taon, sa ganito ring panahon, may kinakalong ka nang anak na lalaki.” Sumagot ang babae, “Huwag naman po sana ninyo akong paasahin. Lingkod po kayo ng Dios.”

17At nagbuntis nga ang babae at nanganak ng lalaki sa ganoon ding panahon nang sumunod na taon, ayon sa sinabi ni Eliseo.

18At lumaki na ang bata. Isang araw pumunta siya sa kanyang ama na nagtatrabaho sa bukid kasama ng mga gumagapas. 19Sinabi niya sa kanyang ama, “Masakit po ang ulo ko! Masakit po ang ulo ko!” Sinabi ng kanyang ama sa utusan, “Dalhin mo siya sa kanyang ina!” 20Dinala nga ng utusan ang bata sa kanyang ina. Kinalong ng ina ang bata hanggang tanghali at itoʼy namatay. 21Iniakyat ng ina ang bangkay ng kanyang anak sa kwarto ni Eliseo at inilagay sa higaan nito. Pagkatapos, lumabas siya sa kwarto at isinara ang pinto.

22Tinawag ng babae ang asawa niya at sinabi, “Padalhan mo ako ng isang utusan at isang asno para mabilis akong makapunta sa lingkod ng Panginoon at makabalik agad.” 23Nagtanong ang asawa niya, “Bakit ngayon ka pupunta? Hindi naman Pista ng Pagsisimula ng Buwan4:23 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. o Araw ng Pamamahinga?” Sumagot ang babae, “Ayos lang iyon.” 24Kaya nilagyan niya ng upuan ang asno at sinabi sa utusan niya, “Bilisan mo! Huwag kang titigil hanggaʼt hindi ko sinasabi.”

25Kaya umalis sila, at nakarating sa Bundok ng Carmel kung saan naroon ang lingkod ng Dios. Nang makita ni Eliseo sa malayo na paparating ang babae, sinabi niya sa katulong niyang si Gehazi, “Tingnan mo, nandiyan ang babae na taga-Shunem! 26Tumakbo ka at salubungin siya. Kamustahin mo siya, ang kanyang asawa, at ang anak niya.” Sinabi ng babae kay Gehazi, “Mabuti naman ang lahat.”

27Pero pagdating niya kay Eliseo sa bundok, lumuhod siya at hinawakan ang paa ni Eliseo. Lumapit si Gehazi para hilahin ang babae palayo. Pero sinabi ni Eliseo, “Hayaan mo siya! May dinaramdam siya, pero hindi sinabi sa akin ng Panginoon kung bakit.” 28Sinabi ng babae, “Ginoo, hindi ako humingi sa inyo ng anak na lalaki, kayo mismo ang nagsabing magkakaanak ako. Sinabi ko pa nga sa inyo na huwag ninyo akong paasahin.”

29Nang napagtanto ni Eliseo na may nangyari sa bata, sinabi niya kay Gehazi, “Maghanda ka sa pagpunta sa bahay niya. Dalhin mo ang tungkod ko at magmadali ka. Kung may makasalubong ka, huwag mong pansinin. Kung may babati sa iyo huwag mo nang sagutin. Pagdating mo, ilagay mo agad ang tungkod ko sa mukha ng bata.” 30Pero sinabi ng ina ng bata kay Eliseo, “Sumusumpa ako sa buhay na Panginoon at sa inyo na hindi po ako uuwi kung hindi ko kayo kasama.” Kaya sumama sa kanya si Eliseo.

31Nauna si Gehazi at inilagay niya ang tungkod sa mukha ng bata, pero hindi nagsalita o gumalaw ang bata. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi, “Hindi po nabuhay ang bata.”

32Nang dumating si Eliseo sa bahay, nakita niya ang bata na nakahiga sa higaan niya. 33Pumasok siya, isinara ang pintuan at nanalangin sa Panginoon. 34Pagkatapos, dumapa siya sa bata, at inilapat ang bibig niya sa bibig ng bata, ang mata niya sa mata ng bata at ang kamay niya sa kamay nito. Habang nakadapa siya, unti-unting umiinit ang katawan ng bata. 35Tumayo si Eliseo at nagpabalik-balik sa loob ng silid. Muli siyang dumapa sa bata. Sa pagkakataong iyon, bumahing ang bata ng pitong beses at dumilat.

36Tinawag ni Eliseo si Gehazi at sinabi, “Tawagin mo ang kanyang ina.” Kaya tinawag nga niya ito. Nang dumating ang babae, sinabi ni Eliseo, “Kunin mo ang iyong anak.” 37Nagpatirapa ang babae sa paanan ni Eliseo bilang pagpapasalamat4:37 pagpapasalamat: o, pagpaparangal. sa kanya. Kinuha niya ang anak niya at dinala sa ibaba.

Ang Himala sa Panahon ng Taggutom

38Mayroong taggutom sa Gilgal nang bumalik si Eliseo roon. Isang araw, habang nakikipag-usap ang grupo ng mga propeta sa kanya, sinabi niya sa katulong niya, “Isalang mo ang malaking palayok at magluto ka ng pagkain para sa mga taong ito.” 39Pumunta sa bukid para kumuha ng mga gulay ang isa sa mga propeta. Nakakita siya roon ng gulay na gumagapang, at kumuha siya ng mga bunga nito hanggang mapuno ang damit niya. Pagkauwi, hiniwa-hiwa niya ito at inilagay sa palayok, pero hindi niya alam kung anong klaseng pananim ito. 40Pagkaluto ng pagkain, ipinamahagi niya ito sa mga tao. Pero habang kumakain, sumigaw sila, “Lingkod ng Dios, napakasama ng lasa nito!”4:40 napakasama ng lasa: o, nakakalason ito. Kaya hindi na nila ito kinain. 41Sinabi ni Eliseo, “Kumuha ka ng harina.” Ibinuhos niya ang harina sa palayok at sinabi sa katulong, “Ipamahagi mo na ito sa kanila para kainin.” Hindi na masama ang lasa nito.

42Isang araw, may isang lalaking galing sa Baal Shalisha na nagdala kay Eliseo ng isang sako na may lamang 20 tinapay na gawa sa unang ani ng sebada at mga bagong aning butil. Sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo iyan sa grupo ng mga propeta4:42 sa grupo ng mga propeta: sa Hebreo, sa mga tao. para kainin.” 43Sinabi ng katulong niya, “Paano ko po ito mapagkakasya sa 100 tao?” Sumagot si Eliseo, “Ibigay mo ito sa kanila para kainin. Ito ang sinasabi ng Panginoon: Makakakain sila at may matitira pa.” 44Kaya ibinigay niya ito sa kanila, at kumain sila at may natira pa, ayon sa sinabi ng Panginoon.

New International Reader’s Version

2 Kings 4:1-44

Elisha Provides Olive Oil for a Widow

1The wife of a man from the group of the prophets cried out to Elisha. She said, “My husband is dead. You know how much respect he had for the Lord. But he owed money to someone. And now that person is coming to take my two boys away. They will become his slaves.”

2Elisha replied to her, “How can I help you? Tell me. What do you have in your house?”

“I don’t have anything there at all,” she said. “All I have is a small jar of olive oil.”

3Elisha said, “Go around to all your neighbors. Ask them for empty jars. Get as many as you can. 4Then go inside your house. Shut the door behind you and your sons. Pour oil into all the jars. As each jar is filled, put it over to one side.”

5The woman left him. Then she shut the door behind her and her sons. They brought the jars to her. And she kept pouring. 6When all the jars were full, she spoke to one of her sons. She said, “Bring me another jar.”

But he replied, “There aren’t any more left.” Then the oil stopped flowing.

7She went and told the man of God about it. He said, “Go and sell the oil. Pay what you owe. You and your sons can live on what is left.”

The Son of a Woman From Shunem Is Brought Back to Life

8One day Elisha went to the town of Shunem. A rich woman lived there. She begged him to stay and have a meal. So every time he came by, he stopped there to eat. 9The woman said to her husband, “That man often comes by here. I know that he is a holy man of God. 10Let’s make a small room for him on the roof. We’ll put a bed and a table in it. We’ll also put a chair and a lamp in it. Then he can stay there when he comes to visit us.”

11One day Elisha came. He went up to his room and lay down there. 12He said to his servant Gehazi, “Go and get the woman from Shunem.” So he did. She stood in front of Elisha. 13He said to Gehazi, “Tell her, ‘You have gone to a lot of trouble for us. Now what can we do for you? Can we speak to the king for you? Or can we speak to the commander of the army for you?’ ”

She replied, “I live among my own people. I have everything I need here.”

14After she left, Elisha asked Gehazi, “What can we do for her?”

Gehazi said, “She doesn’t have a son. And her husband is old.”

15Then Elisha said, “Bring her here again.” So he did. She stood in the doorway. 16“You will hold a son in your arms,” Elisha said. “It will be about this time next year.”

“No, my master!” she objected. “You are a man of God. So please don’t lie to me!”

17But the woman became pregnant. She had a baby boy. It happened the next year about that same time. That’s exactly what Elisha had told her would happen.

18The child grew. One day he went out to get his father. His father was with the people who were gathering the crops. 19The boy said to his father, “My head hurts! It really hurts!”

His father told a servant, “Carry him to his mother.” 20The servant lifted up the boy. He carried him to his mother. The boy sat on her lap until noon. Then he died. 21She went up to the room on the roof. There she laid him on the bed of the man of God. Then she shut the door and went out.

22She sent for her husband. She said, “Please send me one of the servants and a donkey. Then I can go quickly to the man of God and return.”

23“Why do you want to go to him today?” he asked. “It isn’t the time for the New Moon feast. It isn’t the Sabbath day.”

“Don’t let that bother you,” she said.

24She put a saddle on her donkey. She said to her servant, “Let’s go. Don’t slow down for me unless I tell you to.” 25So she started out. She came to Mount Carmel. That’s where the man of God was.

When she was still a long way off, he saw her coming. He said to his servant Gehazi, “Look! There’s the woman from Shunem! 26Run out there to meet her. Ask her, ‘Are you all right? Is your husband all right? Is your child all right?’ ”

“Everything is all right,” she said.

27She came to the man of God at the mountain. Then she took hold of his feet. Gehazi came over to push her away. But the man of God said, “Leave her alone! She is suffering terribly. But the Lord hasn’t told me the reason for it. He has hidden it from me.”

28“My master, did I ask you for a son?” she said. “Didn’t I tell you, ‘Don’t make me hope for something that won’t happen’?”

29Elisha said to Gehazi, “Tuck your coat into your belt. Take my walking stick and run to Shunem. Don’t say hello to anyone you see. If anyone says hello to you, don’t answer. Lay my walking stick on the boy’s face.”

30But the child’s mother said, “I won’t leave you. And that’s just as sure as the Lord and you are alive.” So Elisha got up and followed her.

31Gehazi went on ahead. He laid Elisha’s walking stick on the boy’s face. But there wasn’t any sound. The boy didn’t move at all. So Gehazi went back to Elisha. He told him, “The boy hasn’t awakened.”

32Elisha arrived at the house. The boy was dead. He was lying on Elisha’s bed. 33Elisha went into the room. He shut the door. He was alone with the boy. He prayed to the Lord. 34Then Elisha got on the bed. He lay down on the boy. His mouth touched the boy’s mouth. His eyes touched the boy’s eyes. And his hands touched the boy’s hands. As Elisha lay on the boy, the boy’s body grew warm. 35Elisha turned away. He walked back and forth in the room. Then he got on the bed again. He lay down on the boy once more. The boy sneezed seven times. After that, he opened his eyes.

36Elisha sent for Gehazi. He said to him, “Go and get the woman from Shunem.” So he did. When she came, Elisha said, “Take your son.” 37She came in and fell at Elisha’s feet. She bowed down with her face toward the ground. Then she took her son and went out.

Deadly Food in a Pot

38Elisha returned to Gilgal. There wasn’t enough food to eat in that area. The group of the prophets was meeting with Elisha. So he said to his servant, “Put the large pot over the fire. Cook some stew for these prophets.”

39One of them went out into the fields to gather herbs. He found a wild vine and picked some of its gourds. He picked as many as he could fit in his coat. Then he cut them up and put them into the pot of stew. But no one knew what they were. 40The stew was poured out for the men. They began to eat it. But then they cried out, “Man of God, the food in that pot will kill us!” They couldn’t eat it.

41Elisha said, “Get some flour.” He put it in the pot. He said, “Serve it to the men to eat.” Then there wasn’t anything in the pot that could harm them.

Elisha Feeds 100 People

42A man came from Baal Shalishah. He brought the man of God 20 loaves of barley bread. They had been baked from the first grain that had ripened. The man also brought some heads of new grain. “Give this food to the people to eat,” Elisha said.

43“How can I put this in front of 100 men?” his servant asked.

But Elisha answered, “Give it to the people to eat. Do it because the Lord says, ‘They will eat and have some left over.’ ” 44Then the servant put the food in front of them. They ate it and had some left over. It happened just as the Lord had said it would.