2 Hari 23 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 23:1-37

Mga Pagbabago na Ginawa ni Josia

(2 Cro. 34:3-7, 29-33)

1Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Josia ang lahat ng tagapamahala ng Juda at Jerusalem. 2Pumunta siya sa templo ng Panginoon kasama ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem, mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa. Sumama rin ang mga pari at mga propeta. Binasa sa kanila ni Josia ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kasunduan ng Dios na nakita sa templo ng Panginoon. 3Pagkatapos, tumayo si Josia sa gilid ng haligi. At gumawa siya ng kasunduan sa presensya ng Panginoon na susunod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang mga utos, katuruan, at tuntunin nang buong pusoʼt kaluluwa. Sa ganitong paraan matutupad ang mga ipinapatupad na kasunduan ng Dios na nasusulat sa aklat na ito. At nangako rin ang mga tao na tutupad sila sa kasunduan.

4Pagkatapos, inutusan ni Haring Josia ang punong pari na si Hilkia, ang mga paring pumapangalawa sa katungkulan ni Hilkia at ang mga paring nagbabantay sa pintuan ng templo, na alisin sa templo ng Panginoon ang lahat ng kagamitan na ginagamit sa pagsamba kina Baal, Ashera, at sa lahat ng bagay na nasa langit. Ipinasunog niya ito sa labas ng Jerusalem, sa bukid ng Lambak ng Kidron, at dinala ang abo sa Betel. 5Pinaalis niya sa tungkulin ang mga paring naglilingkod sa mga dios-diosan. Ang mga paring ito ay pinagkakatiwalaan ng mga hari ng Juda sa pagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar23:5 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. doon sa mga bayan ng Juda at sa paligid ng Jerusalem. Nagsunog sila ng mga insenso para kay Baal at sa mga nasa langit – sa araw, buwan at mga bituin. 6Pinaalis din ni Haring Josia ang posteng simbolo ng diosang si Ashera sa templo ng Panginoon at dinala sa labas ng Jerusalem, sa Lambak ng Kidron, at sinunog doon. Pagkatapos, ipinadurog niya ito nang pino at isinabog ang abo sa libingan ng mga tao. 7Ipinagiba rin niya ang mga bahay ng mga lalaki at babaeng bayaran na nasa templo ng Panginoon, kung saan nananahi ang mga babae ng mga damit na ginagamit sa pagsamba kay Ashera.23:7 mga damit … kay Ashera: o, pantakip para sa poste na simbolo ni Ashera.

8Pinabalik ni Josia sa Jerusalem ang lahat ng pari na nakatira sa ibang mga bayan ng Juda. Dinungisan niya23:8 Dinungisan niya upang hindi na ito pagsambahan ng mga tao, dahil hindi kalooban ng Dios na doon sila sumamba. ang mga sambahan sa matataas na lugar, mula sa Geba hanggang sa Beersheba kung saan nagsusunog ang mga pari ng mga insenso. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa Pintuan ni Josue, ang gobernador ng Jerusalem. Ang pintuang ito ay nasa kaliwang bahagi ng pintuan ng lungsod. 9Ang mga paring naglilingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar ay hindi pinayagang maglingkod sa altar ng Panginoon sa Jerusalem, pero pinayagan silang kumain ng tinapay na walang pampaalsa kasama ng ibang mga pari.

10Ipinagiba rin ni Josia ang altar ng Tofet, sa Lambak ng Ben Hinom, para walang sinumang maghahandog ng mga anak nila sa pamamagitan ng apoy para kay Molec. 11Kinuha rin niya sa pintuan ng templo ng Panginoon ang mga kabayo23:11 mga kabayo: Maaring ito ay estatwa. na inialay ng mga hari ng Juda para sa araw. Ang mga kabayong ito ay nasa bandang bakuran ng templo, malapit sa kwarto ng opisyal na si Natan Melec. Sinunog din ni Josia ang mga karwahe na inihahandog sa araw.

12Ipinagiba niya ang mga altar na ipinatayo ng mga hari ng Juda sa bubong ng kwarto ni Ahaz, pati ang mga altar na ipinagawa ni Manase sa bakuran ng templo ng Panginoon. Ipinadurog niya ito ng pino at isinabog ang abo sa Lambak ng Kidron. 13Dinungisan din niya ang mga sambahan sa matataas na lugar sa silangan ng Jerusalem at sa timog ng Bundok ng Kasamaan. Ang mga sambahang ito ay ipinatayo ni Haring Solomon ng Israel para kay Ashtoret, ang kasuklam-suklam na diosa mga Sidoneo, para kay Kemosh, ang kasuklam-suklam na dios-diosan ng mga Moabita, at para rin kay Molec, ang kasuklam-suklam dios-diosan ng mga Ammonita. 14Ipinadurog ni Josia ang mga alaalang bato at pinagpuputol ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. Pagkatapos, dinungisan niya ang mga lugar na iyon sa pamamagitan ng pagkalat ng mga buto ng tao. 15Ipinagiba din ni Josia kahit ang altar sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Betel. Ang sambahang ito ay ipinagawa ni Jeroboam na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Dinurog ito ni Josia ng pino at sinunog pati ang posteng simbolo ng diosang si Ashera. 16At habang nakatitig siya sa paligid, nakita niya ang mga libingan sa gilid ng kabundukan. Ipinakuha niya ang mga buto sa mga libingan at sinunog niya roon sa altar sa Betel para dungisan ito. Nangyari ito ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niya na nagpropesiya tungkol sa mga bagay na ito. 17Nagtanong si Haring Josia, “Kaninong libingan iyan?” Sumagot ang mga mamamayan ng lungsod, “Libingan po ito ng lingkod ng Dios na taga-Juda. Siya ang nagpropesiya tungkol sa mga ginawa ninyo ngayon sa altar sa Betel.” 18Sinabi ng hari, “Pabayaan lang ninyo ang libingan niya. Huwag ninyong kunin ang mga buto niya.” Kaya hindi nila kinuha ang mga buto nito pati ang buto ng mga propeta na taga-Samaria.

19Pagkatapos, giniba ni Josia ang mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria, tulad ng ginawa niya sa Betel. Ito ang mga sambahan na ipinagawa ng mga hari ng Israel na nakapagpagalit sa Panginoon. 20Pinatay ni Josia ang lahat ng pari roon mismo sa mga altar ng mga sambahan na iyon. At sinunog niya ang buto ng mga tao sa mga altar na iyon para dungisan ito. Pagkatapos, bumalik siya sa Jerusalem.

Ipinagdiwang ni Josia ang Pista ng Paglampas ng Anghel

(2 Cro. 35:1-19)

21Inutusan ni Josia ang lahat ng tao, “Ipagdiwang natin ang Pista ng Paglampas ng Anghel para parangalan ang Panginoon na ating Dios, ayon sa nakasulat dito sa Aklat ng Kasunduan ng Dios.” 22Walang naging katulad ang pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel mula pa nang panahon ng mga pinuno na namahala sa Israel at nang panahon ng mga hari ng Israel at Juda. 23Ipinagdiwang nila ang pista sa Jerusalem para parangalan ang Panginoon nang ika-18 taong paghahari ni Josia.

24Pinalayas din ni Josia sa Jerusalem at sa buong Juda ang mga espiritista na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, ang mga dios ng mga tahanan, ang iba pang mga dios-diosan at ang lahat ng kasuklam-suklam na sinasamba ng mga tao. Ginawa ito ni Josia para tuparin ang mga utos na nakasulat sa aklat na nakita ng paring si Hilkia sa templo ng Panginoon. 25Wala pang naging hari na katulad ni Josia na sumunod sa Panginoon nang buong puso, buong kaluluwa at nang buong lakas. Tinupad niya ang lahat ng Kautusan ni Moises, at wala ni isa man ang katulad niyang manungkulan kahit ang mga sumunod sa kanya.

26Pero kahit tinupad pa niya itong lahat, hindi pa rin nawala ang galit ng Panginoon sa Juda, dahil sa lahat ng ginawa ni Manase na nakapagpagalit sa kanya. 27Kaya sinabi ng Panginoon, “Palalayasin ko sa aking harapan ang Juda katulad ng ginawa ko sa Israel at itatakwil ko ang Jerusalem, ang lungsod na aking pinili at ang templong ito na sinabi kong dito ako pararangalan.”

Ang Katapusan ng Paghahari ni Josia

(2 Cro. 35:20–36:1)

28Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Josia, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

29Nang naghahari pa si Josia, si Faraon Neco na hari ng Egipto ay pumunta sa Ilog ng Eufrates para tulungan ang hari ng Asiria. Umalis si Haring Josia at ang mga sundalo niya para makipaglaban kay Neco, pero pinatay siya ni Neco nang magkita sila sa Megido. 30Isinakay ng kanyang lingkod ang bangkay niya sa karwahe at dinala pabalik sa Jerusalem at inilibing sa sarili niyang libingan. At ang anak niyang si Jehoahaz ang ipinalit na hari ng mga mamamayan ng Juda sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis.

Ang Paghahari ni Jehoahaz sa Juda

(2 Cro. 36:2-4)

31Si Jehoahaz ay 23 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng tatlong buwan. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias. 32Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng mga ninuno niya. 33Ibinilanggo siya ni Faraon Neco sa Ribla na sakop ng lupain ng Hamat, para hindi siya maghari sa Jerusalem. Pinagbayad ni Neco ang Juda ng 3,500 kilong pilak at 35 kilong ginto bilang buwis. 34Si Eliakim na isa pang anak ni Josia ang ipinalit na hari ni Neco. Pinalitan ni Neco ang pangalan ni Eliakim na Jehoyakim. Si Jehoahaz naman ay dinala ni Neco sa Egipto at doon ito namatay. 35Pinagbayad ng buwis ni Haring Jehoyakim ang mga taga-Juda ayon sa kayamanan nila, para ipambayad sa buwis na hinihingi ni Faraon Neco.

Ang Paghahari ni Jehoyakim sa Juda

(2 Cro. 36:5-8)

36Si Jehoyakim ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 11 taon. Ang ina niya ay si Zebida na taga-Ruma at anak ni Pedaya. 37Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng mga ninuno niya.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪下 23:1-37

约西亚的改革

1于是,王召集犹大耶路撒冷的所有长老, 2与祭司、先知、犹大人、耶路撒冷的居民等全体民众,不论贵贱,一同上到耶和华的殿。王把在殿中发现的约书念给他们听。 3王站在柱旁,在耶和华面前立约,要全心全意地跟随耶和华,遵从祂的一切诫命、法度和律例,履行约书上的规定。民众都答应守约。

4王吩咐大祭司希勒迦及其副手和殿门守卫清除耶和华殿里用来祭拜巴力亚舍拉及天上万象的一切器具,将其搬到耶路撒冷城外汲沦溪旁的田野烧掉,又把灰烬带到伯特利5从前,犹大各王任命祭司在犹大各城和耶路撒冷周围的丘坛烧香。现在,约西亚除掉那些祭司,又除掉向巴力、日、月、星辰及天上万象烧香的祭司。 6他将亚舍拉神像从耶和华的殿里搬到耶路撒冷城外汲沦溪旁烧掉,磨成灰撒在平民的坟墓上。 7他又拆毁耶和华的殿内男庙妓的房屋,就是妇女为亚舍拉编织帐幔的地方。 8他召集犹大各城中的祭司,污渎从迦巴别示巴的各丘坛,那些祭司曾在那里烧香。他拆毁耶路撒冷城门左边、约书亚总督门前的丘坛。 9但在丘坛烧香的祭司不能在耶路撒冷耶和华的祭坛那里事奉,只可以和其他祭司一起吃无酵饼。 10他污渎欣嫩子谷中的陀斐特,使人们不能焚烧自己的儿女献给摩洛11他从耶和华的殿门口除掉犹大各王献给太阳神的马匹,这些马匹在太监拿单·米勒房子旁边的院子里。他烧掉了那些献给太阳神的战车。 12他推倒犹大各王在亚哈斯楼顶上建造的祭坛,摧毁玛拿西在耶和华殿的两个院子里所筑的祭坛,把它们打碎,把灰丢进汲沦溪。 13他污渎耶路撒冷东面、败坏山南面的丘坛。这些丘坛都是以色列所罗门西顿人可憎的神明亚斯她录摩押人可憎的神明基抹亚扪人可憎的神明米勒公建造的。 14他砸碎神柱,砍倒亚舍拉神像,用死人骨头填满那些地方。

15他拆掉伯特利高岗上的祭坛,即尼八的儿子耶罗波安诱使以色列人犯罪时建造的祭坛,把祭坛烧毁,捣碎成灰,又焚烧亚舍拉神像。 16约西亚转身看见山上的坟墓,就派人取出墓中的尸骨,放在那祭坛上焚烧,污渎了那祭坛,应验了耶和华借祂的仆人所说的预言。 17约西亚问:“我看到的那墓碑是谁的?”那城里的人告诉他:“是上帝仆人的,他曾从犹大来预言你对伯特利祭坛所做的这些事。” 18他说:“不要动他,不要动他的尸骨。”于是,他们没有动那位先知和撒玛利亚来的先知的尸骨。 19他拆毁以色列各王从前建在撒玛利亚各城高岗上、惹耶和华发怒的丘坛,就像他在伯特利所做的一样。 20他在祭坛上杀死那些丘坛的祭司,又在坛上焚烧死人骨头。之后,他返回耶路撒冷

约西亚守逾越节

21约西亚王吩咐民众:“你们应当依照约书的记载庆祝逾越节,以尊崇你们的上帝耶和华。” 22-23约西亚执政第十八年,他们在耶路撒冷庆祝逾越节,以尊崇耶和华。自士师治理以色列起,至以色列犹大列王统治期间,都没有这样庆祝过逾越节。

24为了遵守祭司希勒迦在耶和华殿里找到的律法书上的话,约西亚彻底清除了耶路撒冷犹大境内的灵媒、巫师、家庭神像及其他一切可憎之物。 25约西亚全心、全意、全力归向耶和华,遵行摩西的一切律法,在犹大列王中空前绝后。

26然而,玛拿西所行的一切惹怒耶和华,耶和华对犹大仍盛怒未息。 27耶和华说:“我要像驱逐以色列人一样将犹大人从我面前赶走。我要撇弃我所拣选的耶路撒冷和我名常在的殿。”

28约西亚其他的事及作为都记在犹大的列王史上。 29约西亚执政期间,埃及尼哥前往幼发拉底河援助亚述王,约西亚出兵迎战尼哥,在米吉多被杀。 30他的臣仆用车把他的尸体从米吉多运回耶路撒冷,安葬在他的墓穴里。民众膏立他儿子约哈斯做王。

约哈斯做犹大王

31约哈斯二十三岁登基,在耶路撒冷执政三个月。他母亲叫哈慕她,是立拿耶利米的女儿。 32约哈斯像他祖先一样做耶和华视为恶的事。 33埃及尼哥约哈斯囚禁在哈马利比拉,不准他在耶路撒冷做王,又罚犹大国三点四吨银子和三十四公斤金子。

约雅敬做犹大王

34埃及尼哥约西亚的另一个儿子以利亚敬为王,给他改名为约雅敬约哈斯尼哥带到埃及,并死在那里。 35为了缴纳法老索要的金银,约雅敬向全国征税,按照民众家产的多少征收金银。 36约雅敬二十五岁登基,在耶路撒冷执政十一年。他母亲叫西布妲,是鲁玛毗大雅的女儿。 37他像他祖先一样做耶和华视为恶的事。