2 Hari 21 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 21:1-26

Ang Paghahari ni Manase sa Juda

(2 Cro. 33:1-20)

1Si Manase ay 12 taong gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 55 taon. Ang ina niya ay si Hefziba. 2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita. 3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar21:3 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. na ipinagiba ng ama niyang si Hezekia. Ipinatayo rin niya ang mga altar para kay Baal at nagpagawa ng posteng simbolo ng diosang si Ashera, tulad ng ipinagawa ni Haring Ahab ng Israel. Sumamba siya sa lahat ng bagay na nasa langit. 4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang lugar na sinabi ng Panginoon na pararangalan siya. 5Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit. 6Inihandog pa niya ang sarili niyang anak sa apoy. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga mangkukulam at mga manghuhula, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng patay. Labis ang pagkakasala ni Manase na nakapagpagalit sa Panginoon. 7Ang ipinagawa niya na posteng simbolo ng diosang si Ashera ay inilagay niya sa templo, ang lugar kung saan sinabi ng Panginoon kay David at sa anak nitong si Solomon, “Pararangalan ako habang buhay sa templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na pinili ko sa lahat ng lahi ng Israel. 8Kung tutuparin lang ng mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ng lingkod kong si Moises, hindi ko papayagang palayasin sila sa lupaing ito na ibinigay ko sa mga ninuno nila.” 9Pero ayaw makinig ng mga tao. Inudyukan sila ni Manase sa paggawa ng masasama at ang ginawa nila ay mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

10Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta: 11“Gumawa si Haring Manase ng Juda ng mga kasuklam-suklam na gawain, na mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga Ammonitang nakatira sa lupaing ito bago dumating ang mga Israelita. Inudyukan niya ang mga taga-Juda sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan niya. 12Kaya ako, ang Panginoon na Dios ng Israel, ay magpapadala ng kapahamakan sa Jerusalem at sa Juda, at ang bawat isa na makakarinig nito ay matatakot. 13Hahatulan ko ang Jerusalem katulad nang paghatol ko sa Samaria at sa sambahayan ni Haring Ahab. Lilinisin ko ang Jerusalem tulad ng pinggan na pinunasan at itinaob. 14Itatakwil ko kahit pa ang natira sa aking mga mamamayan at ibibigay ko sila sa mga kaaway nila bilang bihag. 15Mangyayari ito sa kanila dahil masama ang ginawa nila sa paningin ko at ginalit nila ako, mula pa nang lumabas ang mga ninuno nila sa Egipto hanggang ngayon.”

16Maraming inosenteng tao ang pinatay ni Manase hanggang sa dumanak ang dugo sa mga daanan ng Jerusalem. Hindi pa kabilang dito ang kasalanan na ginawa niya na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda sa paningin ng Panginoon.

17Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manase, at lahat ng ginawa niya, pati ang mga kasalanan na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

18Nang mamatay si Manase, inilibing siya sa hardin ng kanyang palasyo, na tinatawag na Uza. At ang anak niyang si Ammon ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Ammon sa Juda

(2 Cro. 33:21-25)

19Si Ammon ay 22 taong gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng dalawang taon. Ang ina niya ay si Mesulemet na taga-Jotba at anak ni Haruz. 20Masama ang ginawa ni Ammon sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Manase na kanyang ama. 21Sinunod niya ang pamumuhay ng kanyang ama. Sinamba niya ang mga dios-diosan na sinasamba nito 22at itinakwil niya ang Panginoon, ang Dios ng mga ninuno niya. Hindi niya sinunod ang pamamaraan ng Panginoon. 23Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Ammon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya. 24Pero pinatay ng mamamayan ng Juda ang lahat ng pumatay kay Haring Ammon. At ang anak niyang si Josia ang ipinalit nila bilang hari.

25Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ammon, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 26Inilibing si Ammon sa libingan niya sa hardin na tinatawag na Uza. At ang anak niyang si Josia ang pumalit sa kanya bilang hari.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

4 Царств 21:1-26

Манасса – царь Иудеи

(2 Лет. 33:1-10, 18-20)

1Манассе было двенадцать лет, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме пятьдесят пять лет. Его мать звали Хефцибах. 2Он делал зло в глазах Вечного, следуя омерзительным обычаям народов, которых Вечный прогнал от исраильтян. 3Он отстроил капища на возвышенностях, которые разрушил его отец Езекия, воздвиг жертвенники Баалу и сделал столб Ашеры по примеру Ахава, царя Исраила. Он поклонялся всем звёздам на небе и служил им. 4Он построил жертвенники в храме Вечного, о котором Вечный сказал: «В Иерусалиме Я буду пребывать». 5В обоих дворах храма Вечного он построил жертвенники всем звёздам на небе. 6Он принёс сына в огненную жертву, гадал, и ворожил, и общался с вызывателями умерших и чародеями. Он сделал много зла в глазах Вечного, вызывая Его гнев.

7Он взял резного идола Ашеры, которого сделал, и поставил его в храме, о котором Вечный говорил Давуду и его сыну Сулейману: «В этом храме и в Иерусалиме, который Я избрал среди всех родов Исраила, Я буду пребывать вовеки. 8Я не дам впредь ногам исраильтян выйти из той земли, которую Я дал их предкам, если только они будут исполнять всё, что Я повелел им, и соблюдать Закон, который дал им Мой раб Муса».

9Но народ не послушал. Манасса сбил их с пути, и они стали делать больше зла, чем те народы, которых Вечный истребил перед исраильтянами. 10Вечный говорил через Своих рабов пророков:

11– Манасса, царь Иудеи, совершил омерзительные грехи. Он сделал больше зла, чем аморреи, которые были перед ним, и ввёл Иудею в грех своими идолами. 12Поэтому так говорит Вечный, Бог Исраила: «Я наведу на Иерусалим и Иудею такую беду, что у того, кто услышит о ней, зазвенит в ушах. 13Я накажу Иерусалим так же сурово, как Самарию и дом Ахава21:13 Букв.: «Я протяну над Иерусалимом мерную нить Самарии и свинцовый отвес дома Ахава». Мерная нить и свинцовый отвес, обычно используемые в строительстве, здесь становятся символами разрушения.. Я вытру Иерусалим, как вытирают блюдо, – вытирают и переворачивают. 14Я покину оставшихся от Моего наследия людей и отдам их в руки врагов. Все их враги будут обирать их и грабить, 15потому что они делали зло в Моих глазах и вызывали Мой гнев с того дня, как их предки вышли из Египта, по сегодняшний день».

16Манасса пролил столько безвинной крови, что наполнил Иерусалим от края до края, – и это не считая греха, к которому он склонил Иудею, чтобы они делали зло в глазах Вечного.

17Прочие события царствования Манассы и всё, что он сделал, и грех, который он совершил, записаны в «Книге летописей царей Иудеи». 18Манасса упокоился со своими предками и был похоронен в саду своего дворца, в саду Уззы. И царём вместо него стал его сын Амон.

Амон – царь Иудеи

(2 Лет. 33:21-25)

19Амону было двадцать два года, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме два года. Его мать звали Мешуллемет, она была дочерью Харуца, родом из Иотбы. 20Амон делал зло в глазах Вечного, как и его отец Манасса. 21Он ходил всеми путями отца, служил идолам, которым служил отец, и поклонялся им. 22Он оставил Вечного, Бога его предков, и не ходил путём Вечного.

23Приближённые Амона составили против него заговор и убили царя в его дворце. 24Но народ страны перебил всех, кто был в заговоре против царя Амона, и сделал царём вместо него его сына Иосию.

25Прочие события царствования Амона и то, что он сделал, записано в «Книге летописей царей Иудеи». 26Его похоронили в его гробнице в саду Уззы. И царём вместо него стал его сын Иосия.