2 Cronica 8 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 8:1-18

Ang Iba Pang Naipatayo ni Solomon

(1 Hari 9:10-28)

1Pagkatapos ng 20 taong pagpapatayo ni Solomon ng templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo, 2muli niyang ipinatayo ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Hiram8:2 Hiram: o, Huram. at pinatirhan sa mga Israelita. 3Ito rin ang panahong nilusob ni Solomon at inagaw ang Hamat Zoba. 4Ipinatayo rin niyang muli ang Tadmor na nasa disyerto at ang mga lungsod sa Hamat na pinaglalagyan ng kanyang mga pangangailangan. 5Pinatibay niya ang itaas at ilalim na bahagi ng Bet Horon. Pinaligiran niya ito ng mga pader at pinalagyan ng pintuan na may mga kandado. 6Ganito rin ang ginawa niya sa Baalat at sa iba pang mga lungsod na lagayan ng kanyang mga pangangailangan, mga karwahe at mga kabayo. Ipinatayo niya ang lahat ng gusto niyang ipatayo sa Jerusalem, Lebanon at sa lahat ng lupaing sakop niya.

7-8May mga tao pang naiwan sa Israel na hindi mga Israelita. Sila ang mga lahi ng mga Heteo, Amoreo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo, na hindi nalipol ng mga Israelita nang agawin nila ang lupain ng Canaan. Ginawa silang alipin ni Solomon at pinilit na gumawa, at nanatili silang alipin hanggang ngayon. 9Pero hindi ginawang alipin ni Solomon ang sinumang Israelita. Sa halip, ginawa niya itong kanyang mga sundalo, mga kapitan ng kanyang mga sundalo at mga kumander ng kanyang mga mangangarwahe at mga mangangabayo. 10Ang 250 sa kanilaʼy ginawa ni Solomon na mga opisyal na namamahala ng mga gumagawa sa kanyang mga proyekto.

11Nang matapos na ang palasyo na ipinagawa ni Solomon para sa kanyang asawa na anak ng Faraon,8:11 Faraon: o hari ng Egipto. inilipat niya ang kanyang asawa roon mula sa Lungsod ni David. Sapagkat sinabi niya, “Hindi pwedeng tumira ang asawa ko sa palasyo ni Haring David, dahil banal ang lugar na iyon dahil naroon dati ang Kahon ng Panginoon.”

12Pagkatapos, naghandog si Solomon ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon sa altar na kanyang ipinatayo sa harapan ng balkonahe ng templo. 13Tinupad niya ang utos ni Moises na maghandog ayon sa nararapat na ihandog araw-araw at sa panahon ng Araw ng Pamamahinga, Pista ng Pagsisimula ng Buwan,8:13 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at ng tatlong pista na ipinagdiriwang taun-taon: ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng Pag-aani, at Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. 14At ayon sa tuntunin ng ama niyang si David, pinagbukod-bukod niya ang mga pari at mga Levita para sa kanilang mga gawain. Ang mga Levita ang nangunguna sa mga tao sa pagpupuri sa Dios at sila ang tumutulong sa mga pari sa kanilang gawain sa templo araw-araw. Ibinukod din niya ang mga guwardya ng bawat pintuan sa templo, dahil ito ang utos ni David na lingkod ng Dios. 15Sinunod ni Solomon ang lahat ng utos ni Haring David tungkol sa mga pari at mga Levita at sa mga bodega.

16Natapos ang lahat ng ipinagawa ni Solomon sa templo, mula sa paglalagay ng pundasyon nito hanggang sa matapos ito.

17Pagkatapos, pumunta si Solomon sa Ezion Geber at Elat, sa baybayin ng Dagat na Pula, sa lupain ng Edom. 18Pinadalhan siya ni Hiram ng mga barko na pinamahalaan ng sarili niyang mga opisyal na mahuhusay na mandaragat. Naglakbay sila kasama ng mga tauhan ni Solomon papuntang Ofir. At sa pagbalik nila, may dala silang mga 16 na toneladang ginto, at dinala nila ito kay Haring Solomon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志下 8:1-18

所罗门的功绩

1所罗门用二十年的时间兴建了耶和华的殿和他自己的王宫。 2他重修希兰送给他的城邑,让以色列人居住。

3所罗门去攻打哈马琐巴,并攻取了此城。 4他兴建旷野里的达莫以及哈马境内所有的储货城, 5把上伯·和仑与下伯·和仑建成有墙、有门、有闩的坚城, 6还建造巴拉、所有的储货城、屯车城、养马城和他想在耶路撒冷黎巴嫩及其统治的全境兴建的城邑。 7当时国中有人、亚摩利人、比利洗人、希未人和耶布斯人的后裔, 8以色列人没有灭绝他们。所罗门让他们服劳役,至今如此。 9所罗门王没有让以色列人服劳役,而是让他们做战士、将领、战车长和骑兵长。 10他还任命二百五十名监工负责监管工人。

11所罗门带法老的女儿离开大卫城,来到为她建造的宫中,因为所罗门说:“我的妻子不可住在以色列大卫的宫里,因为约柜所到之处都是圣洁的。”

12所罗门在门廊前他所筑的耶和华的坛上向耶和华献燔祭, 13并照摩西的规定,在安息日、朔日和每年特定的三个节期,即除酵节、七七节和住棚节献上当献的祭。

14所罗门照着他父亲大卫的吩咐,指派祭司分班供职,让利未人负责颂赞、辅助祭司尽每天的职责,还指派殿门守卫分班守门。这些都是上帝的仆人大卫规定的。 15他们没有违背大卫王就库房等工作对祭司和利未人的吩咐。

16从耶和华的殿奠基直到完工,所罗门所有的计划都已顺利完成。这样,耶和华的殿落成了。

17之后,所罗门前往以东地区靠海的以旬·迦别以禄18希兰派懂得航海的仆人乘船只与所罗门的仆人一同到俄斐,从那里为所罗门王运回十五吨黄金。