2 Cronica 36 – TCB & CARS

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 36:1-23

Ang Paghahari ni Jehoahaz sa Juda

(2 Hari 23:30-35)

1Ang anak ni Josia na si Jehoahaz ang ipinalit ng mga tao na hari sa Jerusalem. 2Si Jehoahaz ay 23 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng tatlong buwan. 3Tinanggal siya sa kanyang trono ni Haring Neco ng Egipto, at pinagbayad ni Neco ang mga taga-Juda ng buwis na 3,500 kilong pilak at 35 kilong ginto. 4Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Egipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoyakim.

Ang Paghahari ni Jehoyakim sa Juda

(2 Hari 23:36–24:7)

5Si Jehoyakim ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 11 taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Dios. 6Nilusob siya ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at kinadenahan, at dinala sa Babilonia. 7Dinala rin ni Nebucadnezar sa Babilonia ang ibang mga kagamitan ng templo ng Panginoon at inilagay sa kanyang palasyo.36:7 palasyo: o, templo.

8Ang ibang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoyakim at ang mga kasuklam-suklam at masasamang bagay na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. At ang anak niyang si Jehoyakin ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Jehoyakin sa Juda

(2 Hari 24:8-17)

9Si Jehoyakin ay 18 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng tatlong buwan at sampung araw. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. 10Sa pagsisimula ng taon, binihag ni Haring Nebucadnezar si Jehoyakin sa Babilonia. Pinagkukuha niya ang mga mamahaling ari-arian sa templo ng Panginoon, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang tiyuhin ni Jehoyakin na si Zedekia.

Ang Paghahari ni Zedekia sa Juda

(2 Hari 24:18-20; Jer. 52:1-3)

11Si Zedekia ay 21 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 11 taon. 12Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Dios at hindi siya nagpakumbaba kay Jeremias na propeta ng Panginoon. 13Nagrebelde rin siya kay Haring Nebucadnezar, kahit pinanumpa siya nito sa pangalan ng Dios na hindi siya maghihimagsik sa kanya. Naging matigas ang puso ni Zedekia, at ayaw niyang manumbalik sa Panginoon, ang Dios ng Israel. 14Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay hindi naging tapat sa Dios. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang templo ng Panginoon, na itinalagang banal sa Jerusalem.

Ang Pagkawasak ng Jerusalem

(2 Hari 24:20b–25:21; Jer. 52:3b-11)

15Laging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang templo. 16Pero hinamak nila ang mga propeta ng Dios, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya. 17Ipinalusob niya ang mga taga-Babilonia sa kanila. Pinatay ng mga taga-Babilonia ang kanilang mga kabataang lalaki kahit sa templo. Wala silang awa kahit kaninuman, lalaki man o babae, bata man o matanda, sakitin man o hindi. Ipinaubaya ng Dios ang lahat niyang mamamayan kay Nebucadnezar. 18Dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia ang lahat ng kagamitan sa templo ng Dios, maliliit at malalaki, at ang lahat ng kayamanan ng templo, ng hari, at ng kanyang mga opisyal. 19Pagkatapos, sinunog nila ang templo ng Dios at tinibag ang pader ng Jerusalem. Sinunog din nila ang lahat ng matitibay na bahagi ng lungsod, at giniba ang lahat ng mamahaling bagay. 20Dinalang bihag ni Nebucadnezar sa Babilonia ang mga Israelita na hindi namatay, at ang mga ito ay naging alipin niya at ng kanyang mga anak hanggang sa naging makapangyarihan ang kaharian ng Persia. 21Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias, na magiging mapanglaw ang lupain at makakapagpahinga ito sa loob ng 70 taon.

Pinabalik ni Cyrus ang mga Israelita sa Kanilang Lupain

(Ezra 1:1-4)

22Noong unang taon ng paghahari ni Cyrus sa Persia, tinupad ng Panginoon ang sinabi niya sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Cyrus para gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa kanyang buong kaharian. 23Ito ang mensahe ni Haring Cyrus ng Persia:

“Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Dios ng kalangitan, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at pinagkatiwalaan niya ako sa pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. Kayong lahat ng mamamayan ng Dios, bumalik na kayo sa inyong lupain. At nawaʼy samahan kayo ng Panginoon.”

Священное Писание

2 Летопись 36:1-23

1Народ страны взял сына Иосии Иоахаза и сделал его царём в Иерусалиме вместо его отца.

Иоахаз – царь Иудеи

(4 Цар. 23:31-35)

2Иоахазу было двадцать три года, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме три месяца. 3Царь Египта низложил его в Иерусалиме и обложил Иудею данью в три тысячи шестьсот килограммов серебра и тридцать шесть килограммов36:3 Букв.: «сто талантов… один талант». золота. 4Царь Египта сделал царём Иудеи и Иерусалима брата Иоахаза Элиакима и дал ему новое имя – Иоаким. А его брата, Иоахаза, Нехо увёл в Египет.

Иоаким – царь Иудеи

(4 Цар. 23:36–24:6)

5Иоакиму было двадцать пять лет, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме одиннадцать лет. Он делал зло в глазах Вечного, своего Бога. 6Навуходоносор36:6 Навуходоносор II, самый великий царь Нововавилонской империи, правил с 605 по 562 гг. до н. э., царь Вавилона, напал на него, заковал его в бронзовые кандалы и увёл в Вавилон. 7Ещё Навуходоносор забрал в Вавилон часть утвари из храма Вечного и положил её там в своём храме36:7 Или: «дворце»..

8Прочие события царствования Иоакима, мерзости, которые он делал, и всё, в чём он был виноват, записаны в «Книге царей Исраила и Иудеи». И царём вместо него стал его сын Иехония.

Иехония – царь Иудеи

(4 Цар. 24:8-17)

9Иехонии было восемнадцать лет, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме три месяца и десять дней. Он делал зло в глазах Вечного. 10Весной царь Навуходоносор послал за ним, и его доставили в Вавилон, а заодно забрали дорогую утварь из храма Вечного. А царём Иудеи и Иерусалима вместо него он сделал дядю Иехонии Цедекию.

Цедекия – царь Иудеи

(4 Цар. 24:18-20; Иер. 52:1-3)

11Цедекии был двадцать один год, когда он стал царём, и правил он в Иерусалиме одиннадцать лет. 12Он делал зло в глазах Вечного, своего Бога, и не смирил себя перед пророком Иеремией, который возвещал слово Вечного. 13Ещё он восстал против царя Навуходоносора, который взял с него клятву именем Всевышнего. Он стал таким упрямым и своевольным, что не обращался к Вечному, Богу Исраила. 14Да и все вожди священнослужителей и народ всё больше и больше уклонялись от верности, следуя отвратительным обычаям других народов и оскверняя храм Вечного, который Он освятил в Иерусалиме.

Падение Иерусалима

(4 Цар. 25:1-21; Иер. 39:1-10; 52:4-27)

15Вечный, Бог их предков, снова и снова предупреждал их через своих посланников, потому что жалел Свой народ и Своё жилище. 16Но они издевались над посланниками Всевышнего, презирали Его слова и глумились над Его пророками, пока гнев Вечного не вспыхнул на Его народ так, что уже не было ему спасения. 17Он навёл на них царя вавилонян, который перебил их юношей мечом в святилище и не пожалел ни юноши, ни девушки, ни старца, ни пожилого. Всевышний отдал их всех во власть Навуходоносора, 18который унёс в Вавилон все вещи из храма Всевышнего, и большие, и маленькие, вместе с сокровищами храма Вечного и сокровищами царя и его приближённых. 19Храм Всевышнего был сожжён, а стены Иерусалима разрушены. Все его дворцы были сожжены, и всё ценное в городе уничтожено.

20Навуходоносор угнал в плен в Вавилон всех, кто избежал меча, и они служили ему и его сыновьям, пока не набрало мощь Персидское царство. 21А страна наслаждалась субботним покоем36:21 Закон говорил, что каждый седьмой год земля не должна обрабатываться (см. Лев. 25:1-7).. Она хранила субботу всё время своего запустения, пока не исполнились семьдесят лет, предречённые словом Вечного, которое возвестил пророк Иеремия.

Кир позволяет пленникам вернуться

(Узайр 1:1-3)

22В первый год правления Кира36:22 Кир II Великий, основатель Персидского государства Ахменидов, правил с 558 по 530 гг. до н. э. В 539 г. покорил Вавилон и Месопотамию. Кир погиб во время похода в Центральную Азию от руки сакской царицы Томирис., царя Персии (в 538 г. до н. э.), чтобы исполнилось слово Вечного, которое возвестил Иеремия, Вечный побудил Кира, царя Персии, объявить по всему своему царству и записать такой указ:

23«Так говорит Кир, царь Персии: Вечный, Бог небес, отдал мне все царства земли и поручил мне построить Ему храм в Иерусалиме, в Иудее. Всякий из вас, кто принадлежит к Его народу, – да будет с ним его Бог! – может отправляться в путь».