Ang Paghahari ni Ahaz sa Juda
(2 Hari 16:1-4)
1Si Ahaz ay 20 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon. Gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David. 2Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, at gumawa ng metal na mga imahen ni Baal. 3Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben Hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita. 4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar,28:4 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. sa ibabaw ng bundok at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.
5Kaya ibinigay siya ng Panginoon na kanyang Dios sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at marami sa kanyang mamamayan ang binihag sa Damascus. Ibinigay din siya sa hari ng Israel, na pumatay ng marami sa kanyang mamamayan. 6Sa isang araw lang 120,000 sundalo ng Juda ang pinatay ni Haring Peka ng Israel, na anak ni Remalia. Nangyari ito sa mga taga-Juda dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno. 7Pinatay ni Zicri, na isang matapang na sundalo ng Israel,28:7 Israel: sa Hebreo, Efraim. Isa sa mga lahi sa Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Ganito rin sa talatang 12. sina Maaseya na anak ni Haring Ahaz, Azrikam na tagapamahala ng palasyo, at Elkana na pangalawa sa hari. 8Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda – 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.
9Pero nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Dios ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Pero labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit. 10At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at sa iba pang lungsod ng Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Dios? 11Makinig kayo sa akin! Galit na galit ang Panginoon sa inyo. Kaya pabalikin nʼyo ang inyong mga kadugo na inyong binihag.”
12Ganito rin ang sinabi ng ibang mga pinuno ng Israel sa mga sundalo na dumating galing sa labanan. Ang mga pinuno ay sina Azaria na anak ni Jehohanan, Berekia na anak ni Meshilemot, Jehizkia na anak ni Shalum, at Amasa na anak ni Hadlai. 13Ito ang sinabi nila sa mga sundalo: “Huwag nʼyong dalhin dito ang mga bihag na iyan, dahil pananagutan natin ito sa Panginoon. Dadagdagan nʼyo pa ba ang kasalanan natin? Marami na tayong kasalanan, at galit na galit na ang Panginoon sa Israel.”
14Kaya pinakawalan ng mga sundalo ang mga bihag at isinauli ang kanilang ari-arian sa harapan ng mga pinuno at mga mamamayan. 15Pagkatapos, lumapit sa mga bihag ang apat na pinuno na nabanggit, at tinulungan ang mga bihag. Kumuha sila ng mga damit mula sa mga kagamitang nasamsam ng mga sundalo, at ipinasuot ito sa mga hubad na bihag. Binigyan nila ang mga bihag ng mga damit, sandalyas, inumin, at gamot. Ipinasakay nila sa mga asno ang mga mahina, at dinala nila pabalik ang lahat ng bihag sa kani-kanilang mga kababayan. Doon nila sila iniwan sa Jerico, sa Bayan ng mga Palma. Pagkatapos, umuwi sila sa Samaria.
Humingi ng Tulong si Ahaz sa Asiria
(2 Hari 16:7-9)
16Nang panahong iyon, humingi ng tulong si Haring Ahaz sa hari ng Asiria. 17Sapagkat muling nilusob ng mga taga-Edom ang Juda at binihag ang ibang mga naninirahan dito. 18Bukod pa rito, nilusob din ng mga Filisteo ang mga bayan ng Juda na nasa kaburulan sa kanluran at nasa Negev. Naagaw nila ang Bet Shemesh, Ayalon, Gederot, Soco, Timnah at Gimzo, pati ang mga baryo sa paligid nito; at doon na sila nanirahan. 19Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon. 20Kaya pagdating ni Haring Tiglat Pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan. 21Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Pero hindi ito nakatulong kay Ahaz.
22Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon. 23Nag-alay siya ng mga handog sa mga dios ng mga taga-Damascus na tumalo sa kanya. Sapagkat sinabi niya, “Ang mga hari ng Aram ay tinulungan ng kanilang mga dios. Kaya maghahandog din ako sa mga dios na ito para tulungan din nila ako.” Pero ang mga ito ang nagpahamak sa kanya at sa mga taga-Israel.
24Kinuha ni Ahaz ang mga kagamitan sa templo ng Dios at ipinadurog ito. Ipinasara niya ang pintuan ng templo, at nagpatayo siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem. 25Nagpatayo rin siya ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan sa Juda, para makapaghandog sa ibang mga dios. At labis itong nakapagpagalit sa Panginoon, ang Dios ng kanyang mga ninuno.
26Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahaz at sa kanyang pag-uugali, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel. 27Nang mamatay si Ahaz, inilibing siya sa lungsod ng Jerusalem, pero hindi sa libingan ng mga hari ng Israel. At ang anak niyang si Hezekia ang pumalit sa kanya bilang hari.
犹大王亚哈斯
1亚哈斯二十岁登基,在耶路撒冷执政十六年。他没有效法他祖先大卫做耶和华视为正的事, 2反而步以色列诸王的后尘,又铸造巴力神像。 3他不但在欣嫩子谷烧香,还效法耶和华在以色列人面前赶走的外族人的可憎行径,焚烧自己的儿子作祭物。 4他还在丘坛、山冈和绿树下献祭烧香。
与亚兰和以色列交战
5因此,他的上帝耶和华把他交在亚兰王手中,亚兰王就打败他,把他的许多人民掳到大马士革。他也被交在以色列王手中,损失惨重。 6利玛利的儿子比加一天之内杀了犹大十二万勇士,因为他们背弃了他们祖先的上帝耶和华。 7以法莲的勇士细基利杀了王子玛西雅、宫廷总管押斯利甘和宰相以利加拿。 8以色列军队从他们的犹大同胞中掳走了二十万妇孺,同时也将大量战利品带回撒玛利亚。
俄德先知
9撒玛利亚有一位耶和华的先知名叫俄德,他出城去迎接班师回来的军队,说:“看啊,你们祖先的上帝耶和华向犹大发怒,才将他们交在你们手中。你们竟怒气冲天,对他们大加杀戮。 10现在你们竟还想让犹大和耶路撒冷的男女做你们的仆俾。你们岂不也得罪你们的上帝耶和华吗? 11你们还是听我的忠告,释放你们掳来的同胞,让他们回去吧!因为耶和华的烈怒已经临到你们了。”
12约哈难的儿子亚撒利雅、米实利末的儿子比利迦、沙龙的儿子耶希西迦和哈得莱的儿子亚玛撒四位以法莲族长起来阻挡从战场回来的军队, 13说:“你们不可把这些俘虏带进来,我们的罪已经够重了,耶和华的烈怒已经临到以色列人,不要再得罪耶和华,加重我们的罪恶了。” 14于是,士兵们便把俘虏和战利品交给众首领和民众。 15那些以法莲族长就上前照顾俘虏,从战利品中拿出衣服和鞋子给那些赤身露体的俘虏穿上,供应他们吃喝,又给他们的伤口抹上油,让软弱的骑驴。他们把所有的俘虏送到棕树城耶利哥他们的亲族那里,随后返回撒玛利亚。
亚哈斯向亚述王求援
16那时,亚哈斯王派人到亚述王那里求援。 17原来以东人又来攻打犹大,掳掠民众。 18非利士人也入侵丘陵和犹大南方的城镇,攻占了伯·示麦、亚雅仑、基低罗,以及梭哥、亭拿、瑾锁和三城周围的村庄,并住在那里。 19耶和华使犹大衰微,因为以色列王28:19 “以色列王”这里可能指统治犹大的王,而非统治北国以色列的王。亚哈斯在犹大肆无忌惮,悖逆耶和华。 20亚述王提革拉·毗列色来到犹大后,不但不救他,反而压迫他。 21亚哈斯从耶和华的殿里、王宫和官员家中取财宝送给亚述王,但无济于事。
亚哈斯的恶行
22亚哈斯在患难时越发悖逆耶和华, 23竟去祭拜打败他的大马士革人的神明,说:“既然亚兰王的神明帮助了亚兰人,我要向这些神明献祭,以便它们帮助我。”但那些神明导致了他和全体以色列人的灭亡。 24亚哈斯将耶和华上帝殿里的器皿收集起来打碎,封锁殿门,并在耶路撒冷的每个角落为自己设立祭坛。 25他还在犹大各城建立丘坛,向其他神明烧香,惹他祖先的上帝耶和华发怒。 26亚哈斯其他的事及所作所为自始至终都记在犹大和以色列的列王史上。 27亚哈斯与祖先同眠后,葬在耶路撒冷城中,但没有葬在以色列的王陵。他儿子希西迦继位。