2 Cronica 20 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 20:1-37

Tinalo ni Jehoshafat ang Moab at Ammon

1Pagkatapos, nakipaglaban ang mga Moabita at mga Ammonita, kasama ng ibang mga Meuneo,20:1 Meuneo: Ito ay sa ibang teksto sa Griego. Sa Hebreo, Ammonita. kay Jehoshafat. 2May mga taong pumunta kay Jehoshafat at nagsabi, “Napakarami pong sundalo ang papalapit upang lusubin kayo. Silaʼy galing sa Edom,20:2 Edom: Ito ay makikita sa isa sa mga tekstong Hebreo. Karamihan, Aram. sa kabilang bahagi ng Dagat na Patay. Naroon sila sa Hazazon Tamar” (na tinatawag ding En Gedi). 3Natakot si Jehoshafat at dumulog siya sa Panginoon. At nag-utos siya na mag-ayuno ang lahat ng taga-Juda. 4Kaya nagtipon ang mga tao mula sa lahat ng bayan ng Juda upang humingi ng tulong sa Panginoon. 5Tumayo si Jehoshafat sa harapan ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem doon sa harap ng templo ng Panginoon, sa harapan ng bagong bakuran nito, 6at nagsabi, “O Panginoon, Dios ng aming mga ninuno, kayo po ang Dios na nasa langit. Kayo ang namamahala sa lahat ng kaharian sa mundo. Makapangyarihan po kayo dahil walang makakalaban sa inyo. 7O Dios namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, para maging kanila magpakailanman? 8Nakatira po sila rito at pinatayuan ng templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila, 9‘Kung may sakunang darating sa amin gaya ng labanan, kasamaan, o taggutom, tatayo kami sa inyong presensya sa harap ng templong ito kung saan pinararangalan kayo. Hihingi kami ng tulong sa inyo sa aming kahirapan, at pakikinggan nʼyo kami at ililigtas.’

10“Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Ammon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Egipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol. 11Pero ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami para itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana. 12O Dios namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”

13Habang nakatayo roon ang lahat ng lalaking taga-Juda, kasama ang kanilang mga asawaʼt anak, at kanilang mga sanggol, 14pinatnubayan ng Espiritu ng Panginoon si Jahaziel na nakatayo roon kasama nila. Si Jahaziel ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Benaya. Si Benaya ay anak ni Jeyel. At si Jeyel ay anak ni Matania na Levita at mula sa angkan ni Asaf.

15Sinabi ni Jahaziel, “Makinig po kayo, Haring Jehoshafat, at lahat kayong nakatira sa Juda at Jerusalem! Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa napakaraming sundalong ito, dahil ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo kundi sa Dios. 16Bukas, puntahan nʼyo sila. Makikita nʼyo sila na aahon sa ahunan ng Ziz, sa dulo ng kapatagan na papuntang disyerto ng Jeruel. 17Hindi na kailangan na makipaglaban pa kayo. Maghanda lang kayo at magpakatatag, at masdan nʼyo ang katagumpayan na gagawin ng Panginoon para sa inyo. Kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, huwag kayong matakot o manghina. Harapin nʼyo sila bukas at ang Panginoon ay sasama sa inyo.’ ” 18Lumuhod si Jehoshafat at ang lahat ng taga-Juda at taga-Jerusalem sa pagsamba sa Panginoon. 19Pagkatapos, tumayo ang ibang mga Levita mula sa mga pamilya nina Kohat at Kora at nagpuri sa Panginoon, ang Dios ng Israel, sa napakalakas na tinig.

20Kinabukasan nang maagang-maaga pa, pumunta sina Jehoshafat sa disyerto ng Tekoa. Habang naglalakad sila, huminto si Jehoshafat at nagsabi, “Pakinggan nʼyo ako, kayong taga-Juda at taga-Jerusalem! Maniwala kayo sa Panginoon na inyong Dios, at maging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang propeta, at magtatagumpay kayo.” 21Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit para mauna sa kanila at umawit sa Panginoon upang papurihan siya sa kanyang banal na presensya. Ito ang kanilang inaawit: “Pasalamatan ang Panginoon dahil ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.” 22At nang nagsimula silang umawit ng mga papuri, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Moabita, Ammonita at mga taga-Bundok ng Seir. 23Nilusob ng mga Ammonita at Moabita ang mga sundalo ng mga taga-Bundok ng Seir at nilipol silang lahat. Pagkatapos nilang pumatay, sila naman ang nagpatayan. 24Pagdating ng mga sundalo ng Juda sa mataas na bahagi ng disyerto, nakita nila ang mga bangkay ng mga kalaban nila na nakahandusay sa lupa. Wala kahit isang buhay. 25Kaya pinuntahan ito ni Jehoshafat at ng mga tauhan niya, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian. Marami ang kanilang nasamsam na mga gamit, mga damit,20:25 mga damit: Ito ay sa ibang tekstong Hebreo. Pero karamihan sa ibang kopya, bangkay. at iba pang mahahalagang bagay na halos hindi na nila madala. Inabot sila ng tatlong araw sa pagsamsam dahil sa sobrang dami ng mga ari-arian. 26Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa Lambak ng Beraca kung saan nagpuri sila sa Panginoon. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong Lambak ng Beraca20:26 Beraca: Ang ibig sabihin, pagpuri. hanggang ngayon.

27Pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem na pinangunahan ni Jehoshafat. Masaya sila dahil pinagtagumpay sila ng Panginoon sa kanilang mga kalaban. 28Pagdating nila sa Jerusalem, dumiretso sila sa templo ng Panginoon, na tumutugtog ng mga alpa, lira at mga trumpeta.

29Nang marinig ng lahat ng kaharian kung paano nakipaglaban ang Panginoon sa mga kalaban ng Israel, natakot sila. 30Kaya may kapayapaan ang kaharian ni Jehoshafat dahil binigyan siya ng kanyang Dios ng kapayapaan sa kanyang paligid.

Ang Katapusan ng Paghahari ni Jehoshafat

(1 Hari 22:41-50)

31Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy 35 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 25 taon. Ang ina niya ay si Azuba na anak ni Silhi. 32Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang kanyang ginawa sa paningin ng Panginoon. 33Pero hindi niya inalis ang mga sambahan sa matataas na lugar,20:33 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Dios ng kanilang ninuno.

34Ang iba pang salaysay sa paghahari ni Jehoshafat, mula simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Mga Aklat ni Jehu na anak ni Hanani, na kasama sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

35Pero sa mga huling bahagi ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, nakipag-alyansa siya kay Haring Ahazia ng Israel, na isang masamang tao. 36Nagkasundo sila na magpagawa ng mga barko na pang-negosyo.20:36 mga barko na pang-negosyo: sa Hebreo, mga barko na papuntang Tarshish. Ipinagawa nila ito sa piyer ng Ezion Geber. 37Sinabi ni Eliezer na anak ni Dodavahu na taga-Maresha kay Jehoshafat, “Dahil kumampi ka kay Ahazia, gigibain ko ang ipinagawa ninyo.” Kaya nagiba ang barko at hindi ito nakapaglakbay.

Persian Contemporary Bible

دوم تواريخ 20:1-37

يهوشافاط موآبی‌ها و عمونی‌ها را شكست می‌دهد

1پس از چندی، قشون موآب و عمون به اتفاق معونی‌ها برای جنگ با يهوشافاط، پادشاه يهودا بسيج شدند. 2به يهوشافاط خبر رسيد كه سپاهی بزرگ از آن سوس دريای مرده، از ادوم به جنگ او می‌آيند و به حصون‌تامار رسيده‌اند. (حصون‌تامار همان «عين جدی» است.) 3يهوشافاط از اين خبر بسيار ترسيد و از خداوند كمک خواست. سپس دستور داد تمام مردم يهودا روزه بگيرند. 4مردم از سراسر يهودا به اورشليم آمدند تا دعا كرده، از خداوند كمک بخواهند. 5وقتی همه در حياط تازهٔ خانهٔ خداوند جمع شدند، يهوشافاط در ميان آنها ايستاد و چنين دعا كرد:

6«ای خداوند، خدای اجداد ما، يگانه خدای آسمانها، فرمانروای تمام ممالک دنيا، تو قدرتمند و عظيم هستی. كيست كه بتواند در برابر تو بايستد؟ 7تو خدای ما هستی. هنگام ورود قوم اسرائيل به اين سرزمين، تو اقوام بت‌پرست را از اينجا بيرون راندی و اين سرزمين را تا به ابد به فرزندان دوست خود ابراهيم بخشيدی. 8قوم تو در اينجا ساكن شدند و اين عبادتگاه را برای تو ساختند 9تا در چنين مواقعی كه بلای جنگ و مرض و قحطی دامنگير آنان می‌شود، در اين خانه در حضورت بايستند (زيرا كه تو در اينجا حضور داری)، و برای نجات خود به درگاه تو دعا كنند و تو دعای ايشان را اجابت فرموده، آنان را نجات دهی.

10«حال ملاحظه فرما كه سپاهيان عمون و موآب و ادوم چه می‌كنند! تو به اجداد ما كه از مصر بيرون آمدند، اجازه ندادی به اين ممالک حمله كنند. پس سرزمينشان را دور زدند و آنها را از بين نبردند. 11ببين اكنون پاداش ما را چگونه می‌دهند! آمده‌اند تا ما را از سرزمينی كه تو آن را به ما بخشيده‌ای، بيرون كنند. 12ای خدای ما، آيا تو آنها را مجازات نخواهی كرد؟ ما برای مقابله با اين سپاه بزرگ قدرتی نداريم. كاری از دست ما برنمی‌آيد، جز اينكه منتظر كمک تو باشيم.»

13تمام مردان يهودا با زنان و فرزندان خود آمده، در حضور خداوند ايستاده بودند. 14آنگاه روح خداوند بر يكی از مردانی كه در آنجا ايستاده بود، نازل شد. نام اين مرد يحزئيل بود. (يحزئيل پسر زكريا، زكريا پسر بنايا، بنايا پسر يعی‌ئيل و يعی‌ئيل پسر متنيای لاوی از طايفهٔ آساف بود.)

15يحزئيل گفت: «ای مردم يهودا و اورشليم، ای يهوشافاط پادشاه، به من گوش دهيد! خداوند می‌فرمايد: نترسيد! از اين سپاه نيرومند دشمن وحشت نكنيد! زيرا شما نمی‌جنگيد، بلكه من به جای شما با آنها می‌جنگم. 16فردا برای مقابله با آنها برويد. شما آنها را خواهيد ديد كه از دامنه‌های صيص، در انتهای دره‌ای در بيابان يروئيل بالا می‌آيند. 17اما ای مردم يهودا و اورشليم لازم نيست شما با آنها بجنگيد. فقط بايستيد و منتظر باشيد؛ آنگاه خواهيد ديد خداوند چگونه شما را نجات می‌دهد. نترسيد و روحيهٔ خود را نبازيد. به مقابله با دشمن برويد، زيرا خداوند با شماست.»

18يهوشافاط پادشاه و تمام مردم يهودا و اورشليم كه در آنجا ايستاده بودند در حضور خداوند به خاک افتادند و او را سجده كردند. 19سپس لاویان طوايف قهات و قورح بلند شدند و با صدای بلند در وصف خداوند، خدای اسرائيل سرود خواندند.

20صبح زود روز بعد، سپاه يهودا به بيابان تقوع رهسپار شد. در اين ضمن يهوشافاط ايستاد و گفت: «ای مردم يهودا و اورشليم گوش كنيد: به خداوند، خدای خود ايمان داشته باشيد تا پيروز شويد. سخنان انبيای او را باور كنيد تا موفق شويد.»

21يهوشافاط بعد از مشورت با سران قوم، دستور داد كه دستهٔ سرايندگانی آراسته به جامه‌های مقدس تشكيل گردد و پيشاپيش سپاه برود و در وصف خداوند بسرايد و بگويد: «خداوند را حمد و ستايش كنيد، زيرا محبت او ابدی است.» 22همين كه ايشان مشغول سراييدن و حمد گفتن شدند، خداوند سپاهيان موآب و عمون و ادوم را به جان هم انداخت. 23سپاهيان عمون و موآب بر ضد سپاه ادوم برخاستند و همه را كشتند. بعد از آن عمونی‌ها و موآبی‌ها به جان هم افتادند. 24وقتی سربازان يهودا به برج دیدبانی بيابان رسيدند، ديدند اجساد دشمنان تا جايی كه چشم كار می‌كرد بر زمين افتاده و همه از بين رفته بودند. 25يهوشافاط و سربازانش به سراغ جنازه‌ها رفتند و پول و لباس و جواهرات فراوان يافتند. غنيمت به قدری زياد بود كه جمع‌آوری آن سه روز طول كشيد. 26روز چهارم در «درهٔ بركت» (كه همان روز اين اسم را بر آن دره گذاشتند و تا به امروز هم به همان نام معروف است)، جمع شدند و خداوند را برای بركاتش ستايش كردند.

27سپس سپاهيان يهودا با خوشحالی تمام از اينكه خداوند ايشان را از چنگ دشمن نجات داده بود به دنبال يهوشافاط پيروزمندانه به اورشليم بازگشتند. 28آنها با صدای عود و بربط و شيپور به اورشليم آمدند و به خانهٔ خداوند رفتند. 29وقتی قومهای همسايه شنيدند كه خداوند با دشمنان اسرائيل جنگيده است، ترس خدا آنها را فرا گرفت. 30در سرزمين يهوشافاط صلح برقرار شد، زيرا خدايش به او آسايش بخشيده بود.

تاريخچهٔ زندگی يهوشافاط

(اول پادشاهان 22‏:41‏-50)

31يهوشافاط در سن سی و پنج سالگی پادشاه يهودا شد و بيست و پنج سال در اورشليم سلطنت كرد. مادرش عزوبه نام داشت و دختر شلحی بود. 32او مثل پدرش آسا، مطابق ميل خداوند عمل می‌كرد. 33ولی با اين همه، بتخانه‌ها را كه بر بالای تپه‌ها بود، خراب نكرد و قوم هنوز با تمام دل و جان به سوی خدای اجداد خود بازگشت نكرده بودند.

34شرح بقيهٔ رويدادهای دوران سلطنت يهوشافاط، از اول تا آخر، در كتاب «تاريخ ييهو پسر حنانی» كه جزو «كتاب تاريخ پادشاهان اسرائيل» است، يافت می‌شود.

35يهوشافاط، پادشاه يهودا در روزهای آخر عمرش با اخزيا، پادشاه اسرائيل كه بسيار شرور بود پيمان بست. 36آنها در عصيون جابر كشتی‌های بزرگ تجاری ساختند. 37آنگاه العازار (پسر دوداواهوی مريشاتی) بر ضد يهوشافاط پيشگويی كرد و گفت: «چون تو با اخزيای پادشاه متحد شدی، خداوند زحمات تو را بر باد خواهد داد.» پس آن كشتی‌ها شكسته شدند و هرگز به سفر تجاری نرفتند.