2 Cronica 19 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 19:1-11

1Bumalik si Jehoshafat sa palasyo niya sa Jerusalem na ligtas, 2sinalubong siya ni propeta Jehu na anak ni Hanani at sinabi, “Bakit tinulungan mo ang masama at inibig ang napopoot sa Panginoon? Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa iyo. 3Pero mayroon ding mabuti sa iyo. Inalis mo sa Juda ang posteng simbolo ng diosang si Ashera at hinangad mo ang sumunod sa Dios.”

Pumili si Jehoshafat ng mga Hukom

4Nakatira si Jehoshafat sa Jerusalem, pero pinupuntahan niya ang mga tao mula sa Beersheba hanggang sa bulubundukin ng Efraim para hikayatin silang manumbalik sa Panginoon, ang Dios ng kanilang ninuno. 5Naglagay siya ng mga hukom sa bawat napapaderang lungsod ng Juda. 6Sinabi niya sa kanila, “Mag-isip muna kayo ng mabuti bago kayo humatol dahil hindi kayo hahatol para sa tao kundi para sa Panginoon, na siyang sumasainyo sa tuwing magbibigay kayo ng hatol. 7Gumalang kayo sa Panginoon, at humatol kayo nang mabuti dahil hindi pinapayagan ng Panginoon na ating Dios ang kawalan ng katarungan, ang paghatol nang may kinikilingan, at ang pagtanggap ng suhol.”

8Naglagay din sa Jerusalem si Jehoshafat ng mga Levita, mga pari, at mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita sa pagdinig ng mga kaso na may kinalaman sa kautusan ng Panginoon at mga alitan. At silaʼy tumira sa Jerusalem. 9Ito ang utos niya sa kanila: “Kailangang maglingkod kayo nang tapat at buong puso, na may paggalang sa Panginoon. 10Kung may kaso na dumating sa inyo mula sa mga kababayan ninyo sa kahit saang lungsod na may kinalaman sa pagpatay o paglabag sa mga utos at mga tuntunin, balaan nʼyo sila na huwag magkasala sa Panginoon dahil kung hindi, ipapataw niya ang kanyang galit sa inyo at sa kanila. Gawin nʼyo ito para hindi kayo magkasala. 11Kung may mga kaso tungkol sa Panginoon na hindi nʼyo maayos, si Amaria na punong pari ang siyang mag-aayos nito. At kung may kaso tungkol sa gobyerno na hindi nʼyo maayos, si Zebadia na anak ni Ishmael, na pinuno ng lahi ni Juda, ang siyang mag-aayos nito. Ang mga Levita ay tutulong sa inyo para matiyak na mapapairal ang hustisya. Magpakatapang kayo sa paggawa ng inyong mga tungkulin. Nawaʼy samahan ng Dios ang mga taong gumagawa ng matuwid.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志下 19:1-11

先知责备约沙法

1犹大约沙法平安地回到耶路撒冷的宫中。 2哈拿尼先见的儿子耶户出来迎接约沙法王,对他说:“你怎能帮助恶人,爱那憎恨耶和华的人呢?你这样做已经惹怒耶和华了。 3然而你还有善行,因为你铲除境内的亚舍拉神像,立志寻求上帝。”

约沙法的改革

4约沙法耶路撒冷住了一段时间后,就出巡民间,从别示巴一直走到以法莲山区,引导民众归向他们祖先的上帝耶和华。 5他又在犹大各坚城委任审判官, 6对他们说:“你们办事必须谨慎,因为你们不是为人而是为耶和华断案,你们断案的时候,耶和华必与你们同在。 7现在你们应当敬畏耶和华,谨慎办事,因为我们的上帝耶和华毫无不义,不偏待人,不受贿赂。”

8约沙法还在耶路撒冷委任一些利未人、祭司和以色列族长替耶和华断案,审理诉讼。他们就住在耶路撒冷9约沙法训导他们说:“你们要怀着敬畏耶和华的心,全心全意地办事。 10各城中的同胞若把案件带到你们面前,无论是杀人流血,还是有关律法、诫命、律例和典章的案件,你们都要警告他们不要得罪耶和华,免得耶和华的烈怒临到你们和你们的同胞。你们这样行,就没有罪了。 11凡有关耶和华的事,由亚玛利雅大祭司监督你们;凡有关君王的事,由犹大支派的族长以实玛利的儿子西巴第雅监督你们。利未人做官长协助你们。你们要行事勇敢,愿耶和华与正直的人同在!”