2 Corinto 8 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

2 Corinto 8:1-24

Ang Pagtutulungan ng mga Cristiano

1Ngayon mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang ginawa ng mga iglesya sa Macedonia dahil sa biyaya ng Dios sa kanila. 2Kahit na dumaranas sila ng maraming pagsubok, masayang-masaya pa rin sila. Kaya nga naging lubos silang mapagbigay sa kabila ng kanilang matinding kahirapan. 3Makapagpapatotoo ako sa inyo na kusang-loob silang nagbigay at higit pa nga sa kanilang makakaya. 4Sapagkat sila na mismo ang paulit-ulit na nakiusap sa amin na bigyan sila ng pagkakataong makatulong sa mahihirap na mga mananampalataya.8:4 mga mananampalataya: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. 5At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Dios. 6Dahil sa kanilang ginawa ay pinakiusapan namin si Tito na bumalik sa inyo, at tapusin ang inumpisahan niyang pangongolekta ng inyong tulong para sa mga kapatid sa Judea. 7Kayong mga nasa Corinto ay nangunguna sa lahat ng bagay – malakas ang inyong pananampalataya, magaling kayong magturo, marami kayong alam, masipag sa paglilingkod sa Dios, at malaki ang inyong pag-ibig sa amin. Kaya gusto namin na manguna rin kayo sa pagbibigay. 8Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba para maipakita rin ninyo sa amin na tunay ang inyong pagmamahal. 9Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman siya doon sa langit ay nagpakadukha siya dito sa mundo alang-alang sa atin, para sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

10Kaya ito ang maipapayo ko sa inyo: Makabubuti kung ipagpapatuloy ninyo ang inumpisahan ninyong pagbibigay noong nakaraang taon. Kayo ang unang nakaisip nito, at kayo rin ang unang nagsagawa. 11Kaya ituloy ninyo ito! Pagsikapan ninyong tapusin ang gawain na masigasig ninyong inumpisahan, at magbigay kayo sa abot ng inyong makakaya. 12Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Dios ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya. 13Hindi ko sinasabi na magbigay kayo para guminhawa ang iba at kayo naman ang maghirap, kundi para magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa ating kalagayan. 14Sa ngayon ay masagana kayo, kaya nararapat lamang na tulungan ninyo ang nangangailangan. Sa panahon na kayo naman ang mangailangan, at sila ang masagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa ganoon, magkakapantay-pantay ang kalagayan ng isaʼt isa. 15Ayon nga sa Kasulatan,

“Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra,

at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang.”

16Nagpapasalamat kami sa Dios na ipinadama niya sa puso ni Tito ang pagmamalasakit sa inyo na tulad ng pagmamalasakit namin sa inyo. 17Sapagkat hindi lang siya sumang-ayon sa aming pakiusap, kundi siya na rin mismo ang may gustong pumunta riyan. 18Pasasamahin namin sa kanya ang isa sa mga kapatid natin na kilala sa lahat ng iglesya dahil sa paglilingkod niya para sa Magandang Balita. 19Hindi lang iyan, siya rin ang pinili ng mga iglesya na sumama sa amin para magdala ng tulong sa mga nangangailangan, nang sa ganoon ay maparangalan ang Panginoon at maipakita namin na talagang gusto naming makatulong. 20Isinusugo namin siya kasama si Tito dahil nais naming maiwasang may masabi ang iba tungkol sa pangangasiwa namin sa malaking tulong na ito. 21Sapagkat sinisikap naming gawin ang tama, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi maging sa paningin ng tao.

22Kasama nila sa pagpunta riyan ang isa pang kapatid sa pananampalataya, na subok na namin sa maraming bagay at nakita namin ang kanyang sigasig sa pagtulong. At higit pa nga ang kanyang sigasig ngayon, dahil malaki ang kanyang tiwala sa inyo. 23Tungkol naman kay Tito, siya ang kasama at katulong ko sa aking mga gawain diyan sa inyo. Tungkol naman sa mga kapatid na kasama niya, sila ang mga kinatawan ng mga iglesya. Ang kanilang pamumuhay ay isang karangalan para kay Cristo. 24Kaya ipakita ninyo sa kanila ang inyong pagmamahal para mapatunayan nila na talagang totoo ang pagmamalaki namin sa inyo, at malaman din ito ng ibang iglesya sa pamamagitan nila.

New International Reader’s Version

2 Corinthians 8:1-24

Giving Freely to the Lord’s People

1Brothers and sisters, we want you to know about the grace that God has given to the churches in Macedonia. 2They have suffered a great deal. But in their suffering, their joy was more than full. Even though they were very poor, they gave very freely. 3I tell you that they gave as much as they could. In fact, they gave even more than they could. Completely on their own, 4they begged us for the chance to share in serving the Lord’s people in that way. 5They did more than we expected. First they gave themselves to the Lord. Then they gave themselves to us because that was what God wanted. 6Titus had already started collecting money from you. So we asked him to help you finish making your kind gift. 7You do well in everything else. You do well in faith and in speaking. You do well in knowledge and in complete commitment. And you do well in the love we have helped to start in you. So make sure that you also do well in the grace of giving to others.

8I am not commanding you to do it. But I want to test you. I want to find out if you really love God. I want to compare your love with that of others. 9You know the grace shown by our Lord Jesus Christ. Even though he was rich, he became poor to help you. Because he became poor, you can become rich.

10Here is my opinion about what is best for you in that matter. Last year you were the first to give. You were also the first to want to give. 11So finish the work. Then your desire to do it will be matched by your finishing it. Give on the basis of what you have. 12Do you really want to give? Then the gift is measured by what someone has. It is not measured by what they don’t have.

13We don’t want others to have it easy at your expense. We want things to be equal. 14Right now you have plenty in order to take care of what they need. Then they will have plenty to take care of what you need. The goal is to even things out. 15It is written, “The one who gathered a lot didn’t have too much. And the one who gathered a little had enough.” (Exodus 16:18)

Paul Sends Titus to Corinth to Receive the Offering

16God put into the heart of Titus the same concern I have for you. Thanks should be given to God for this. 17Titus welcomed our appeal. He is also excited about coming to you. It was his own idea. 18Along with Titus, we are sending another brother. All the churches praise him for his service in telling the good news. 19He was also chosen by the churches to go with us as we bring the offering. We are in charge of it. We want to honor the Lord himself. We want to show how ready we are to help. 20We want to keep anyone from blaming us for how we take care of that large gift. 21We are trying hard to do what both the Lord and people think is right.

22We are also sending another one of our brothers with them. He has often proved to us in many ways that he is very committed. He is now even more committed because he has great faith in you. 23Titus is my helper. He and I work together among you. Our brothers are messengers from the churches. They honor Christ. 24So show them that you really love them. Show them why we are proud of you. Then the churches can see it.