1 Timoteo 4 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Timoteo 4:1-16

Mga Huwad at Sinungaling na Guro

1Malinaw ang sinasabi ng Banal na Espiritu na sa mga huling araw tatalikod ang iba sa pananampalataya nila sa Dios. Susunod sila sa mga mapanlinlang na mga espiritu at itinuturo ng mga demonyo. 2Ang mga aral na itoʼy itinuturo ng mga taong mandaraya, sinungaling at walang konsensya. 3Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, kahit na ginawa ng Dios ang mga pagkaing ito para tanggapin nang may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaalam sa katotohanan. 4Lahat ng nilikha ng Dios ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat, 5dahil nilinis ito ng salita ng Dios at ng panalangin.

Ang Mabuting Lingkod ni Cristo Jesus

6Magiging mabuti kang lingkod ni Cristo Jesus kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito. At sa pagtuturo mo sa kanila, lalago ka rin sa pamamagitan ng mga katotohanan ng pananampalataya natin at sa tunay na aral na sinusunod mo. 7Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kabuluhang alamat na sabi-sabi lang ng matatanda. Sa halip, sanayin mo sa kabanalan ang sarili mo. 8Sapagkat kung may mabuting naidudulot ang pagsasanay natin sa katawan, may mas mabuting maidudulot ang pagsasanay sa kabanalan sa lahat ng bagay, hindi lang sa buhay na ito kundi maging sa buhay na darating. 9Totoo ang kasabihang ito, at dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat. 10At ito ang dahilan kung bakit nagsisikap at nagtitiyaga tayo sa pagtuturo sa mga tao, dahil umaasa tayo sa Dios na buhay na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga mananampalataya. 11Ituro at ipatupad mo ang mga bagay na ito.

12Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga mananampalataya sa iyong pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay. 13Habang wala pa ako riyan, gamitin mo ang panahon mo sa pagbabasa ng Kasulatan sa mga tao, sa pangangaral at pagtuturo. 14Huwag mong pababayaan ang kaloob sa iyo ng Banal na Espiritu ayon sa inihayag ng mga namumuno sa iglesya nang ipatong nila ang kamay nila sa iyo. 15Gawin mo ang mga tungkuling ito at lubos mong italaga ang sarili mo sa mga ito para makita ng lahat ang paglago mo. 16Maging maingat ka sa pamumuhay at pagtuturo mo. Patuloy mong gawin ang mga bagay na ito para maligtas ka at ang mga nakikinig sa iyo.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

提摩太前书 4:1-16

谨防伪君子

1圣灵明确地说,日后必有人离弃真道,去追随那些迷惑人的邪灵和鬼魔的学说。 2这些学说是出自假冒伪善的骗子,他们良心丧尽,麻木不仁4:2 良心丧尽,麻木不仁”希腊文是“良心被烙铁烫过”。3禁止人结婚和吃某些食物。其实那些食物是上帝创造的,为了让相信并且明白真理的人存感谢的心领受。 4上帝所造的一切都是美好的,若以感恩的心去领受,就无需任何禁忌, 5因为上帝的道和人的祷告可以使食物圣洁。

6你要提醒弟兄姊妹这些事,这样你就是基督耶稣的好仆人,会不断地从你所信的真道和所遵行的美好教导上得到造就。

做信徒的榜样

7但你要弃绝世俗、荒诞的传说,要训练自己做个敬虔的人。 8锻炼体魄益处还少,敬虔生活受益无穷,拥有今生和永世的应许。 9这话真实可信,值得完全接受。 10我们努力奋斗正是为了这个目的,因为我们的盼望在于永活的上帝。祂是全人类的救主,更是信徒的救主。 11你要吩咐和教导这些事。

12不要因为年轻而叫人小看你,总要在言语、行为、爱心、信心和纯洁各方面做信徒的榜样。 13在我来之前,你要专心宣读圣经,勉励会众,教导真理。 14不要忽略你的恩赐,那是借着预言在众长老把手按在你身上时赐给你的。 15你要全心全意地做这些事,让大家都看到你的长进。 16你要注意自己的言行和教导,要持之以恒。这样,你不但能救自己,也能救那些听你教导的人。