Tagalog Contemporary Bible

1 Tesalonica 1:1-10

1Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo.

Mahal kong mga kapatid sa iglesya1:1 iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. diyan sa Tesalonica na nasa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

2Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyong lahat, at lagi namin kayong binabanggit sa mga panalangin namin. 3Nagpapasalamat kami kapag inaalaala namin ang mabubuti ninyong gawa na bunga ng inyong pananampalataya. Inaalaala rin namin ang pagsisikap na bunga ng pag-ibig ninyo, at ang katatagan na bunga ng matibay ninyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ginagawa nʼyo ang lahat ng ito sa paningin ng Dios na ating Ama. 4Mga kapatid na minamahal ng Dios, nagpapasalamat din kami dahil alam naming pinili niya kayo para sa kanya, 5dahil tinanggap nʼyo ang Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo. Dumating ito sa inyo hindi lang sa salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, at may katiyakan na totoo ang ipinangaral namin sa inyo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong nasa inyo kami – ginawa namin ito para sa kabutihan ninyo. 6Tinularan nʼyo ang pamumuhay namin at ng Panginoon, dahil tinanggap nʼyo ang salita ng Dios kahit dumanas kayo ng hirap. Ganoon pa man, tinanggap nʼyo ito nang may kagalakan na galing sa Banal na Espiritu. 7Dahil dito, naging halimbawa kayo sa lahat ng mga mananampalatayang nasa Macedonia at Acaya. 8Sapagkat mula sa inyo, lumaganap ang mensahe ng Panginoon. Hindi lang sa Macedonia at Acaya nabalitaan ang pananampalataya nʼyo sa Dios, kundi sa lahat ng lugar. Kaya hindi na namin kailangang banggitin pa sa mga tao ang tungkol sa pananampalataya ninyo. 9Sapagkat sila mismo ang nagbabalita kung paano nʼyo kami tinanggap, at kung paano nʼyo tinalikuran ang pagsamba sa mga dios-diosan para maglingkod sa tunay at buhay na Dios. 10At sila na rin ang nagsasabi tungkol sa paghihintay nʼyo sa pagbabalik ng Anak ng Dios mula sa langit, na walang iba kundi si Jesus na muli niyang binuhay. Siya ang magliligtas sa atin sa darating na kaparusahan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

帖撒罗尼迦前书 1:1-10

1保罗西拉提摩太写信给帖撒罗尼迦属于父上帝和主耶稣基督的教会。

愿恩典和平安归给你们!

信徒的榜样

2我们常常为你们众人感谢上帝,为你们祷告, 3在我们的父上帝面前不断地想到你们因信我们主耶稣基督而做的工作、因爱祂而受的劳苦和因祂所赐的盼望而激发的忍耐。

4上帝所爱的弟兄姊妹,我们知道上帝拣选了你们, 5因为我们传福音给你们不只是靠言语,也靠上帝的能力、圣灵的同在和充分的确据。你们也知道,我们为了你们的缘故怎样在你们中间行事为人。 6你们效法了我们和我们的主,尽管深受苦难,仍然怀着圣灵所赐的喜乐领受真道, 7成了马其顿亚该亚所有信徒的榜样。 8主的道从你们那里不仅传到了马其顿亚该亚,还传到了其他各地,你们对上帝的信心也广为人知,我们无须再多说什么。 9因为人们都在传讲你们如何接待我们,如何离弃偶像归向上帝,事奉又真又活的上帝, 10等候祂的儿子从天降临,就是祂使之从死里复活、救我们脱离将来可怕审判1:10 可怕审判”希腊文是“烈怒”。的耶稣。