1 Samuel 22 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Samuel 22:1-23

Si David sa Adulam at Mizpa

1Umalis si David sa Gat, at tumakas papunta sa kweba ng Adulam. Nang mabalitaan ito ng mga kapatid at kapamilya ni David, pinuntahan nila ito para samahan siya. 2Sumama na rin kay David ang mga taong nababahala, lubog sa utang, at hindi kontento sa buhay. Umabot sa 400 ang kanilang bilang at si David ang naging pinuno nila. 3Mula rito, pumunta si David sa Mizpa na sakop ng Moab at sinabi niya sa hari ng Moab, “Nakikiusap ako na payagan ninyo na dito muna manirahan ang aking mga magulang hanggaʼt hindi ko pa natitiyak kung ano ang kalooban ng Dios sa akin.” 4Pumayag ang hari, kaya iniwan niya ang kanyang mga magulang sa hari ng Moab habang nandoon siya sa matatag na kublihan.

5Isang araw, sinabi ni propeta Gad kay David, “Umalis ka na rito sa pinagtataguan mo at pumunta ka sa Juda.” Umalis nga si David at pumunta sa kagubatan ng Heret.

Ang Pagpatay sa mga Pari ng Nob

6Nabalitaan ni Saul na nahanap na sina David at ang kanyang mga tauhan. Nakaupo noon si Saul sa ilalim ng puno ng tamarisko, doon sa burol ng Gibea. May hawak siyang sibat at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga opisyal. 7Sinabi ni Saul sa kanila, “Makinig kayo, mga taga-Benjamin! Pinangakuan ba kayo ni David na bibigyan kayo ng bukid at ubasan? Pinangakuan ba niya kayong gagawin kayong kumander ng mga sundalo? 8Iyan ba ang dahilan kung bakit nakipagsabwatan kayo sa kanya laban sa akin? Wala ni isa man sa inyo ang nagsabi sa akin na gumawa ng kasunduan kay David ang anak kong si Jonatan. Hindi man lang kayo nag-alala para sa akin, dahil hindi ninyo sinabi sa akin na inudyukan ng aking anak ang lingkod kong si David na patayin ako gaya ng plano niya ngayon.”

9Isa sa mga nakatayo kasama ng mga opisyal ni Saul ay si Doeg na taga-Edom. Sinabi niya kay Saul, “Noong naroon po ako sa Nob, nakita ko si David na pumunta kay Ahimelec na anak ni Ahitub. 10Tinanong ni Ahimelec sa Panginoon kung ano ang dapat gawin ni David, at binigyan pa po niya ito ng makakain at ibinigay din po ang espada ng Filisteong si Goliat.”

11Ipinatawag ni Saul ang paring si Ahimelec na anak ni Ahitub, at ang buo niyang pamilya na mga pari sa Nob. 12Pagdating nila ay sinabi ni Saul, “Makinig ka sa akin, anak ni Ahitub.” “Nakikinig po ako, Mahal na Hari,” sagot ni Ahimelec. 13Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nakipagsabwatan kay David laban sa akin? Bakit binigyan mo pa siya ng pagkain at espada? Bakit nagtanong ka pa sa Dios para sa kanya? Hindi mo ba alam na nagrerebelde siya sa akin at binabalak niya akong patayin?” 14Sumagot si Ahimelec, “Hindi po baʼt si David ay manugang ninyo at pinakamatapat ninyong lingkod? Bukod pa roon, siya po ang kapitan ng mga guwardya ninyo at iginagalang siya sa inyong sambahayan. 15Opo, nagtanong ako sa Dios para sa kanya, pero matagal ko na itong ginagawa sa kanya noon pa. Nakikiusap po ako, huwag ninyo akong akusahan pati na ang sambahayan ko sa bagay na ito, dahil wala akong nalalaman sa mga plano niya laban sa inyo.” 16Pero sinabi ng hari, “Siguradong mamamatay ka, Ahimelec, kasama ang buo mong pamilya.”

17Inutusan ni Saul ang mga guwardya sa kanyang tabi, “Patayin ninyo ang mga paring ito ng Panginoon dahil nakipagsabwatan sila kay David. Alam nilang tumakas si David mula sa akin pero hindi nila sinabi sa akin.” Pero hindi ginalaw ng mga opisyal ng hari ang mga pari ng Panginoon. 18Kaya si Doeg na lang ang inutusan ng hari na pumatay sa mga pari, at pinatay naman sila ni Doeg. Nang araw na iyon 85 pari22:18 pari: sa literal, ang mga nakasuot ng espesyal na damit. ang pinatay ni Doeg. 19Ipinapatay din ni Saul ang lahat ng nakatira sa Nob, ang bayan ng mga pari: ang mga lalaki, babae, kabataan, sanggol, baka, asno, at mga tupa. 20Pero nakatakas si Abiatar na anak ni Ahimelec, at sumama kay David. 21Sinabi niya kay David na ipinapatay ni Saul ang mga pari ng Panginoon. 22Sinabi ni David kay Abiatar, “Nang makita ko noon si Doeg nang pumunta ako kay Ahimelec, alam ko nang magsusumbong siya kay Saul. Kaya pananagutan ko ang pagkamatay ng buong sambahayan mo. 23Sumama ka na lang sa akin, dahil iisa lang ang gustong pumatay sa iyo at sa akin. Huwag kang matakot. Hindi ka mapapahamak kapag kasama mo ako.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

撒母耳记上 22:1-23

扫罗残杀祭司

1大卫离开迦特,逃到亚杜兰洞。他的兄弟和亲属知道后,都来到他那里, 2所有受压迫的、负债的和心怀不满的人都纷纷来投奔他。大卫就做了他们的首领,跟随他的有四百多人。 3后来,大卫摩押米斯巴去,请求摩押王收留他的父母,直到他明白上帝给他的安排为止。 4大卫把父母留在了摩押王那里。在大卫住堡垒期间,他的父母一直住在摩押5迦得先知吩咐大卫离开堡垒回犹大去,大卫就动身前往哈列的树林。

6当时,扫罗正在基比亚拉玛,坐在垂丝柳下,手中拿着矛,臣仆侍立在左右。他得知大卫一行人的行踪后, 7就对左右的臣仆说:“便雅悯人啊,你们听着!难道耶西的儿子会给你们田地和葡萄园吗?他能立你们做千夫长和百夫长吗? 8为什么你们一同谋害我?我的儿子跟耶西的儿子立约,没有人告诉我。就是今天我的儿子鼓动我的臣仆来谋害我,也没有人关心我,告诉我。” 9以东多益正站在扫罗的臣仆中,他说:“我在挪伯亲眼看见耶西的儿子到了亚希突的儿子亚希米勒那里。 10亚希米勒为他求问耶和华,给他食物,还把非利士歌利亚的刀给了他。”

11于是,扫罗派人把挪伯的祭司——亚希突的儿子亚希米勒及其家人都召来。他们都来到王面前。 12扫罗说:“亚希突的儿子,听着!”亚希米勒答道:“我主啊,我在这里。” 13扫罗说:“你为什么和耶西的儿子一同谋害我?你为什么把食物和刀给他,又为他求问耶和华,使他像今天这样背叛我,伺机害我呢?” 14亚希米勒答道:“王的臣仆中有谁像大卫那样忠心呢?他是王的女婿,又是王的护卫长,在王室中受尊重。 15那也不是我第一次为他求问耶和华,求王不要因这事加罪于我或我的家人,因为我根本不知道谋反的事。” 16王却说:“亚希米勒啊,你和你全家都必死无疑!” 17他就命令身旁的护卫,说:“把这些耶和华的祭司杀掉,因为他们跟大卫同谋,明知道大卫在潜逃,却不来告诉我。”扫罗的臣仆不愿意下手杀害耶和华的祭司。 18扫罗就对多益说:“你去把祭司杀掉!”以东多益就杀了他们。那天,他下手杀了八十五个穿细麻布以弗得的祭司。 19他又把祭司城挪伯的男女老少、牛羊和驴全部杀掉。

20只有亚希米勒的一个儿子亚比亚他逃出去,投奔了大卫21亚比亚他扫罗屠杀耶和华祭司的事告诉了大卫22大卫说:“那天我见以东多益在那里,就知道他一定会告诉扫罗。是我连累了你父亲一家。 23你就放心留在我这里,不要害怕,谁想杀你,就是想杀我。你在我这里很安全。”