1 Samuel 14 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

1 Samuel 14:1-52

Sinalakay ni Jonatan ang mga Filisteo

1Isang araw, sinabi ni Jonatan sa binata na tagapagdala ng kanyang armas, “Halika, pumunta tayo sa kampo ng mga Filisteo.” Pero hindi niya ito sinabi sa kanyang ama.

2Si Saul naman noon ay nasa ilalim ng punong pomegranata sa Migron, na nasa labas ng Gibea, at kasama ang 600 niyang tauhan sa di-kalayuan. 3Naroon din ang paring si Ahia na nakasuot ng espesyal na damit14:3 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.” ng pari. Si Ahia ay anak ni Ahitub na kapatid ni Icabod. Si Ahitub ay anak ni Finehas na anak naman ni Eli na pari na naglingkod noon sa Shilo. Walang nakakaalam na umalis si Jonatan.

4May bangin sa magkabilang gilid ng dinadaanan ni Jonatan papunta sa kampo ng mga Filisteo; ang isaʼy tinatawag na Bozez at ang isaʼy tinatawag na Sene. 5Ang isaʼy nasa gawing hilaga at nakaharap sa Micmash, at ang isaʼy nasa gawing timog at nakaharap sa Gibea.

6Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala niya ng armas, “Puntahan natin ang kampo ng mga taong iyon na hindi kumikilala sa Dios.14:6 mga taong iyon na hindi kumikilala sa Dios: sa literal, mga hindi tuli. Baka sakaling tulungan tayo ng Panginoon, dahil walang makakapigil kung loloobin niyang magtagumpay tayo, kahit marami o kakaunti tayo.” 7Sinabi ng tagapagdala niya ng armas, “Gawin nʼyo po ang anumang iniisip ninyo. Kasama nʼyo ako kahit ano ang mangyari.”

8Sinabi ni Jonatan, “Tayo na, pupuntahan natin sila at magpapakita tayo sa kanila. 9Kung sasabihin nilang sila ang lalapit sa atin para makipaglaban, hindi na tayo aakyat pa sa kanila, hihintayin na lang natin sila. 10Pero kung sasabihin nilang tayo ang lumapit, aakyat tayo dahil iyon ang tanda na ipapatalo sila sa atin ng Panginoon.”

11Nang magpakita silang dalawa roon sa mga Filisteo, sumigaw ang mga Filisteo, “Tingnan ninyo ang mga Hebreo!14:11 Hebreo: o, Israelita. Naglalabasan na sila mula sa pinagtataguan nila.” 12At sinigawan nila sina Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas, “Lumapit kayo rito, nang maturuan namin kayo ng leksyon.” Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala niya ng armas, “Halika, sumunod ka sa akin dahil tutulungan tayo ng Panginoon na talunin sila ng Israel.”

13Kaya gumapang si Jonatan paakyat, kasunod ang tagapagdala niya ng armas. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo at ganoon din ang ginawa ng tagapagdala niya ng armas. 14Sa unang pagsalakay na ito, napatay nila ang 20 Filisteo at nagkalat ang mga bangkay ng mga ito sa kalahating ektaryang lupa roon. 15Natakot nang matindi ang mga Filisteong nasa kampo, nasa bukid, at pati na ang mga sundalo nilang sasalakay. At lumindol, kaya lalo pang tumindi ang takot nila.14:15 lalo pang tumindi … nila: o, niloob ng Dios na matakot sila.

16Doon sa Gibea, sa lupain ng Benjamin, nakita ng mga tagapagbantay ni Saul ang mga sundalong Filisteo na nagtatakbuhan papunta sa ibaʼt ibang direksyon. 17Sinabi ni Saul sa mga tauhan niya, “Tipunin ninyo ang mga sundalo at tingnan kung sino ang nawawala.” At nalaman nila na wala si Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas.

18Sinabi ni Saul kay Ahia, “Dalhin dito ang Kahon ng Dios.”14:18 Kahon ng Dios: Ang Kahon ng Kasunduan. (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ay nasa mga Israelita.)14:18 Dalhin … Israelita: Ito ang nasa Hebreo; sa ibang tekstong Septuagint, “Dalhin dito ang espesyal na damit ng pari.” (Nang panahong iyon, si Ahia ang nagsusuot ng damit na ito sa harap ng mga Israelita.) 19Habang nakikipag-usap si Saul sa pari, lalo pang lumakas ang sigawan at kaguluhan sa kampo ng mga Filisteo kaya sinabi ni Saul kay Ahia, “Hayaan mo na. Itigil mo na iyan.” 20Agad na tinipon ni Saul ang mga tauhan niya at sumugod sa digmaan. Nakita nila ang mga Filisteo na nagkakagulo at sila-sila ang nagpapatayan. 21Pati na ang mga Hebreong dating kakampi ng mga Filisteo ay pumunta sa kampo ng mga Israelita at kumampi kina Saul at Jonatan. 22Nang makita ng lahat ng mga Israelitang nagtatago sa kaburulan ng Efraim na nagsisitakas ang mga Filisteo, sumama na rin sila sa paghabol. 23Nang araw na iyon, iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita at umabot pa ang digmaan hanggang sa Bet Aven.

Ang Sumpa ni Saul

24Nang araw na iyon, nanghina ang mga Israelita sa gutom dahil pinanumpa sila ni Saul, na sinabi, “Sumpain ang sinumang kakain ng pagkain bago gumabi, hanggaʼt hindi pa ako nakakapaghiganti sa aking mga kalaban.” Kaya walang kumain kahit isa sa kanila. 25Pumunta ang lahat ng sundalo sa kagubatan, kung saan may mga pulot na tumutulo sa lupa. 26Hindi nila ito tinikman man lang dahil natatakot sila sa sumpa.

27Pero hindi narinig ni Jonatan na pinanumpa ng kanyang ama ang mga tao, kaya isinawsaw niya ang dulo ng isang patpat sa pulot at kinain ito. Pagkakain niya, bumuti ang pakiramdam niya. 28Nakita siya ng isa sa mga tauhan at sinabi sa kanya, “Pinanumpa ng inyong ama ang buong hukbo na huwag kumain ngayong araw na ito kaya hinang-hina na kami.” 29Sinabi ni Jonatan, “Hindi tama ang ginagawa niya sa bayan natin. Tingnan mo kung paano bumuti ang pakiramdam ko nang tumikim ako ng kaunting pulot. 30Ano pa kaya kung pinayagan silang kumain ng mga masasamsam natin sa ating mga kalaban, siguro mas marami pa tayong napatay na mga Filisteo.”

31Nang araw na iyon, matapos talunin ng mga Israelita ang mga Filisteo mula sa Micmash hanggang sa Ayalon, napagod at nagutom sila nang husto. 32Kaya, nagmamadali silang humuli ng mga tupa at baka na kanilang nasamsam, at doon mismo ay kinatay nila ang mga ito at kinain nang hindi inalisan ng dugo. 33May nagsabi kay Saul, “Tingnan nʼyo, nagkakasala sa Panginoon ang mga tauhan ninyo dahil kumain sila ng karneng may dugo pa.” Sinabi ni Saul, “Isang malaking pagtataksil ito! Humanap kayo ng isang malaking bato at pagulungin nʼyo rito. 34At puntahan nʼyo ang mga tauhan ko at sabihan silang dalhin dito ang mga baka at tupa. Dito nila katayin at kainin ang mga ito. Sabihin nʼyo rin sa kanila na huwag silang magkasala sa Panginoon dahil sa pagkain ng karneng may dugo pa.” Kaya nang gabing iyon, dinala ng mga tauhan ni Saul ang kanilang mga baka at tupa sa kanya at doon kinatay. 35Gumawa naman si Saul ng altar para sa Panginoon. Ito ang unang altar na ginawa niya.

36Sinabi ni Saul, “Sasalakayin natin ngayong gabi ang mga Filisteo at tatalunin natin sila hanggang sa umaga, sasamsamin natin ang mga ari-arian nila at papatayin silang lahat. Wala tayong ititirang buhay.” Sumagot ang mga tao, “Gawin nʼyo po kung ano sa tingin nʼyo ang mabuti.” Pero sinabi ng pari, “Tanungin muna natin ang Dios tungkol sa bagay na ito.” 37Kaya nagtanong si Saul sa Dios, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Ipapatalo nʼyo ba sila sa amin?” Pero hindi sumagot ang Dios nang araw na iyon. 38Kaya sinabi ni Saul sa mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel, “Magtipon kayong lahat dito, kailangang malaman natin ang nagawa nating kasalanan sa araw na ito. 39Isinusumpa ko sa ngalan ng buhay na Panginoon na nagligtas sa mga Israelita, mamamatay ang nagkasala kahit na siya ay ang anak kong si Jonatan.” Pero wala ni isa mang nagsalita sa mga Israelita.

40Sinabi pa niya sa lahat ng mga Israelita, “Tumayo kayo riyan at tatayo rin kami ng anak kong si Jonatan.” Pumayag naman ang mga tao. 41Pagkatapos, nanalangin si Saul, “Panginoon, Dios ng Israel, ipaalam nʼyo po sa amin kung sino ang nagkasala.” Sa pamamagitan ng palabunutan, sina Saul at Jonatan ang napiling nagkasala at hindi ang mga tao. 42Sinabi ni Saul, “Magpalabunutan naman tayo ngayon para malaman kung sino sa aming dalawa ni Jonatan ang nagkasala. At si Jonatan ang nabunot.” 43Tinanong ni Saul si Jonatan, “Ano ang ginawa mo?” Sumagot si Jonatan, “Isinawsaw ko po ang dulo ng patpat ko sa pulot at kumain ako ng kaunti. Karapat-dapat po ba akong mamatay?” 44Sinabi ni Saul, “Oo, dapat kang mamatay. Lubos sana akong parusahan ng Dios kung hindi kita ipapatay.” 45Pero sinabi ng mga tao kay Saul, “Si Jonatan po ang nagpanalo sa atin, at ngayon, papatayin natin siya? Hindi po maaari! Sumusumpa kami sa buhay na Panginoon na wala ni isa sa buhok niya ang mahuhulog sa lupa,14:45 wala … lupa: Ang ibig sabihin, hindi siya mapapahamak. dahil ang Dios po ang tumulong sa kanya sa ginawa niya sa araw na ito.” At hindi nga pinatay si Jonatan dahil iniligtas siya ng mga Israelita. 46Ipinatigil na ni Saul ang paghabol sa mga Filisteo at bumalik na ang mga Filisteo sa kanilang lugar.

47Nang maghari si Saul sa Israel, nakipaglaban siya sa mga kalaban nila sa paligid. Ang mga kalaban niya ay ang mga Moabita, Ammonita, Edomita, hari ng mga Zobita at mga Filisteo. Natatalo niya ang sinumang makalaban niya. 48Buong tapang siyang nakipaglaban at natalo niya ang mga Amalekita. Sa pamamagitan nito, iniligtas niya ang mga Israelita sa kamay ng mga sumasalakay sa kanila at sumamsam ng kanilang mga ari-arian.

Ang Sambahayan ni Saul

49Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Ishvi, at Malki Shua; si Merab naman ang kanyang panganay na babae, at si Mical ang bunsong babae. 50Ang asawa ni Saul ay si Ahinoam na anak ni Ahimaaz. Ang pinuno ng kanyang hukbo ay ang pinsan niyang si Abner, anak ng tiyuhin niyang si Ner. 51Ang ama ni Saul na si Kish at ang ama ni Abner na si Ner ay magkapatid, silaʼy mga anak ni Abiel.

52Sa buong panahon ng paghahari ni Saul, naging matindi ang labanan sa pagitan ng mga Israelita at mga Filisteo. Kapag may nakikita si Saul na malakas at magiting na lalaki, ginagawa niya itong sundalo niya.

New International Reader’s Version

1 Samuel 14:1-52

1One day Jonathan, the son of Saul, spoke to the young man carrying his armor. “Come on,” he said. “Let’s go over to the Philistine army camp on the other side of the pass.” But he didn’t tell his father about it.

2Saul was staying just outside Gibeah. He was under a pomegranate tree in Migron. He had about 600 men with him. 3Ahijah was one of them. He was wearing a sacred linen apron. He was a son of Ichabod’s brother Ahitub. Ahitub was the son of Eli’s son Phinehas. Eli had been the Lord’s priest in Shiloh. No one was aware that Jonathan had left.

4Jonathan planned to go across the pass to reach the Philistine camp. But there was a cliff on each side of the pass. One cliff was called Bozez. The other was called Seneh. 5One cliff stood on the north side of the pass toward Mikmash. The other stood on the south side toward Geba.

6Jonathan spoke to the young man carrying his armor. He said, “Come on. Let’s go over to the camp of those fellows who aren’t circumcised. Perhaps the Lord will help us. If he does, it won’t matter how many or how few of us there are. That won’t keep the Lord from saving us.”

7“Go ahead,” the young man said. “Do everything you have in mind. I’m with you all the way.”

8Jonathan said, “Come on, then. We’ll go across the pass toward the Philistines and let them see us. 9Suppose they say to us, ‘Wait there until we come to you.’ Then we’ll stay where we are. We won’t go up to them. 10But suppose they say, ‘Come up to us.’ Then we’ll climb up. That will show us that the Lord has handed them over to us.”

11So Jonathan and the young man let the soldiers in the Philistine camp see them. “Look!” said the Philistines. “Some of the Hebrews are crawling out of the holes they were hiding in.” 12The men in the Philistine camp shouted to Jonathan and the young man carrying his armor. They said, “Come on up here. We’ll teach you a thing or two.”

So Jonathan said to the young man, “Climb up after me. The Lord has handed them over to Israel.”

13Using his hands and feet, Jonathan climbed up. The young man was right behind him. Jonathan struck down the Philistines. The young man followed him and killed those who were still alive. 14In that first attack, Jonathan and the young man killed about 20 men. They did it in an area of about half an acre.

Israel Chases the Philistines Away

15Then panic struck the whole Philistine army. It struck those who were in the camp and those in the field. It struck those who were at the edge of the camp. It also struck those who were in the groups that had been sent out to attack Israel. The ground shook. It was a panic that God had sent.

16Saul’s lookouts at Gibeah in the land of Benjamin saw what was happening. They saw the Philistine army melting away in all directions. 17Then Saul spoke to the men with him. He said, “Bring the troops together. See who has left our camp.” When they did, they discovered that Jonathan and the young man carrying his armor weren’t there.

18Saul said to Ahijah the priest, “Bring the ark of God.” At that time it was with the Israelites. 19While Saul was talking to the priest, the noise in the Philistine camp got louder and louder. So Saul said to the priest, “Stop what you are doing.”

20Then Saul and all his men gathered together. They went to the battle. They saw that the Philistines were in total disorder. They were striking one another with their swords. 21At an earlier time some of the Hebrews had been on the side of the Philistines. They had gone up with them to their camp. But now they changed sides. They joined the Israelites who were with Saul and Jonathan. 22Some of the Israelites had hidden in the hill country of Ephraim. They heard that the Philistines were running away. They quickly joined the battle and chased after them. 23So on that day the Lord saved Israel. And the fighting continued on past Beth Aven.

Jonathan Eats Honey

24The Israelites became very hungry that day. That’s because Saul had forced the army to make a promise. He had said, “None of you must eat any food before evening comes. You must not eat until I’ve paid my enemies back for what they did. If you do, may you be under a curse!” So none of the troops ate any food at all.

25The whole army entered the woods. There was honey on the ground. 26When they went into the woods, they saw the honey dripping out of a honeycomb. No one put any of the honey in his mouth. They were afraid of the curse that would come if they broke their promise. 27But Jonathan hadn’t heard that his father had forced the army to make a promise. Jonathan had a long stick in his hand. He reached out and dipped the end of it into the honeycomb. He put some honey in his mouth. It gave him new life. 28Then one of the soldiers told him, “Your father forced the army to make a promise that everyone must obey. He said, ‘None of you must eat any food today. If you do, may you be under a curse!’ That’s why the men are weak and ready to faint.”

29Jonathan said, “My father has made trouble for the country. See how I gained new life after I tasted a little of this honey. 30Our soldiers took food from their enemies today. Suppose they had eaten some of it. How much better off they would have been! Even more Philistines would have been killed.”

31That day the Israelites struck down the Philistines. They killed them from Mikmash to Aijalon. By that time they were tired and worn out. 32They grabbed what they had taken from their enemies. They killed some of the sheep, cattle and calves right there on the ground. They ate the meat while the blood was still in it. 33Then someone said to Saul, “Look! The men are sinning against the Lord. They’re eating meat that still has blood in it.”

Saul said to them, “You have broken your promise. Roll a large stone over here at once.” 34He continued, “Go out among the men. Tell them, ‘Each of you bring me your cattle and sheep. Kill them here and eat them. Don’t sin against the Lord by eating meat that still has blood in it.’ ”

So that night everyone brought the ox he had taken and killed it there. 35Then Saul built an altar to honor the Lord. It was the first time he had done that.

36Saul said, “Let’s go down and chase after the Philistines tonight. Let’s not leave even one of them alive. Let’s take everything they have before morning.”

“Do what you think is best,” they replied.

But the priest said, “Let’s ask God for advice first.”

37So Saul asked God, “Should I go down and chase after the Philistines? Will you hand them over to Israel?” But God didn’t answer him that day.

38Saul said to the leaders of the army, “Come here. Let’s find out what sin has been committed today. 39The Lord is the one who rescues Israel. You can be sure that the Lord lives. And you can be just as sure that the sinner must die. He must die even if he’s my son Jonathan.” But no one said anything.

40Then Saul said to all the Israelites, “You stand over there. I and my son Jonathan will stand over here.”

“Do what you think is best,” they replied.

41Then Saul prayed to the Lord, the God of Israel. He said, “Why haven’t you answered your servant today? If I or my son Jonathan is to blame, answer with Urim. But if the Israelites are to blame, answer with Thummim.” Jonathan and Saul were chosen by casting lots. The other men were cleared of blame. 42Saul said, “Cast the lot to find out whether I or my son Jonathan is to blame.” And Jonathan was chosen.

43Then Saul said to Jonathan, “Tell me what you have done.”

So Jonathan told him, “I used the end of my stick to get a little honey and taste it. And now do I have to die?”

44Saul said, “Jonathan, I must certainly put you to death. If I don’t, may God punish me greatly.”

45But the men said to Saul, “Should Jonathan be put to death? Never! He has saved Israel in a wonderful way. He did it today with God’s help. You can be sure that the Lord lives. And you can be just as sure that not even one hair on Jonathan’s head will fall to the ground.” So the men rescued Jonathan. He wasn’t put to death.

46Then Saul stopped chasing the Philistines. They went back to their own land.

47After Saul became the king of Israel, he fought against Israel’s enemies who were all around them. He went to war against Moab, Ammon and Edom. He fought against the kings of Zobah and the Philistines. No matter where he went, he punished his enemies. 48He fought bravely. He won the battle over the Amalekites. He saved Israel from the power of those who had carried off what belonged to Israel.

Saul’s Family

49Saul’s sons were Jonathan, Ishvi and Malki-Shua. Saul’s older daughter was named Merab. His younger daughter was named Michal. 50Saul’s wife was named Ahinoam. She was the daughter of Ahimaaz. The commander of Saul’s army was named Abner. He was the son of Ner. Ner was Saul’s uncle. 51Saul’s father Kish and Abner’s father Ner were sons of Abiel.

52As long as Saul was king, he had to fight hard against the Philistines. So every time Saul saw a strong or brave man, he took him into his army.