1 Pedro 3 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

1 Pedro 3:1-22

Sa mga Mag-asawa

1Kayong mga babae, magpasakop kayo sa asawa ninyo, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Dios, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita. 2Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Dios at malinis ang pamumuhay ninyo. 3Kung gusto ninyong maging maganda, huwag sa panlabas lang tulad ng pag-aayos nʼyo ng buhok na nilalagyan ng mamahaling alahas, at pagsusuot ng mamahaling damit. 4Sa halip, pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag-uugali na hindi nagbabago. Maging mahinhin kayo at maging mabait. Ito ang mahalaga sa paningin ng Dios. 5At ito ang ginagawa ng mga babaeng banal noong unang panahon. Nagpapaganda sila sa pamamagitan ng pagpapasakop nila sa kanilang asawa. 6Katulad ni Sara, sinunod niya si Abraham at tinawag pa niyang “panginoon.” Mga anak na kayo ni Sara, kaya dapat matuwid ang ginagawa nʼyo, at huwag kayong matakot sa kahit anuman.

7Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Cristiano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Dios ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Dios ang mga panalangin ninyo.

Magmahalan Kayong Lahat

8Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa. 9Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo. Ang dapat ninyong gawin ay manalangin na kaawaan sila ng Dios, dahil pinili kayo ng Dios na gawin ito, at para kaawaan din niya kayo. 10Sapagkat sinasabi sa Kasulatan,

“Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan.

11Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti.

Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.

12Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila,

ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”3:12 Salmo 34:12-16.

13Sino ang gagawa ng masama sa inyo kung laging mabuti ang ginagawa nʼyo? 14Pero kung usigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa nʼyo, mapalad kayo. Huwag kayong matakot o mag-alala sa ano mang gawin nila sa inyo. 15Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo. 16At maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensya, para mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga tagasunod ni Cristo. 17Mas mabuti pang magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti, kung ito talaga ang kalooban ng Dios, kaysa sa magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng masama. 18Sapagkat si Cristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At minsan lang siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios. Pinatay siya sa laman pero binuhay siya sa espiritu. 19-20At sa kalagayan niyang espiritwal, nangaral siya kahit sa mga espiritu ng mga taong nakabilanggo, na hindi sumunod sa Dios noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ng Dios ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig. 21Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Dios na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya. 22Si Jesu-Cristo ay nasa langit na ngayon, sa kanan ng Dios,3:22 sa kanan ng Dios: Ang ibig sabihin, si Jesus ang pinakadakila at pinakamakapangyarihan sa lahat. at ipinasakop sa kanya ang lahat ng anghel at ang lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

彼得前書 3:1-22

夫妻之道

1-2照樣,作妻子的要順服丈夫。這樣,即使丈夫不信從真道,也會因為看見妻子貞潔和敬虔的品行而被無聲地感化。 3你們不要注重外表的妝飾,像編頭髮、戴金飾或穿華麗的衣服, 4要以溫柔、嫺靜這些永不褪色的內在美為妝飾,這是上帝所看重的。 5從前那些仰賴上帝的聖潔婦女,都是以這些來妝飾自己,並順服自己的丈夫, 6正如撒拉順服亞伯拉罕,稱他為主人。所以,如果你們做對的事,不怕恐嚇,就是撒拉的女兒。

7你們作丈夫的也一樣,要按情理3·7 按情理」希臘文是「按知識」。與妻子共同生活,因為她們比你們軟弱。要敬重她們,因為她們和你們一同承受上帝施恩賜下的生命。這樣,你們的禱告就可以暢通無阻了。

要為義受苦

8總而言之,你們要同心合意,互相關懷,彼此相愛,仁慈謙虛。 9不要以惡報惡,以辱駡還辱駡,反要祝福對方,這是你們蒙召的目的,好叫你們得到祝福。 10因為聖經上說:

「若有人熱愛生命,

渴望幸福,

就要舌頭不出惡言,

嘴唇不說詭詐的話。

11要棄惡行善,竭力追求和睦。

12因為主的眼睛看顧義人,

祂的耳朵垂聽他們的祈求。

但主必嚴懲作惡之人。」

13如果你們熱心行善,有誰會害你們呢? 14就算你們為義受苦,也是有福的。不要害怕別人的恐嚇3·14 不要害怕別人的恐嚇」或譯「不要怕別人所怕的」。,也不要驚慌, 15要心裡尊基督為主。如果有人問起你們心中的盼望,你們要隨時準備答覆, 16但態度要溫和恭敬,存無愧的良心。這樣,那些對你們因信基督而有的好品行妄加誣衊的人會自覺羞愧。 17如果上帝的旨意是要你們因行善而受苦,這也總比你們因作惡而受苦強。

18因為基督也曾一次為罪受苦,以無罪之身代替不義之人,為要領你們到上帝面前。祂的肉體雖被處死,但祂藉著聖靈復活了。 19祂還藉著聖靈向那些監獄中的靈魂傳道, 20他們就是從前在挪亞造方舟、上帝耐心等候人們悔改的時代中那些不肯信的人。當時進入方舟,從洪水中得救的人很少,只有八個人。 21這水代表的洗禮現在藉著耶穌基督的復活也拯救了你們。這洗禮要表明的不是除掉肉體的污穢,而是求在上帝面前有無愧的良心。 22基督已經升到天上,坐在上帝的右邊,眾天使、掌權的、有能力的都服從了祂。