1 Hari 4 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 4:1-34

Ang mga Pinuno ni Solomon

1Naghari si Solomon sa buong Israel. 2At ito ang kanyang matataas na pinuno:

Si Azaria ang punong pari mula sa angkan ni Zadok.

3Sina Elihoref at Ahia na mga anak ni Sisha, ang mga kalihim ng hari.

Si Jehoshafat na anak ni Ahilud, ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.

4Si Benaya na anak ni Jehoyada ang kumander ng mga sundalo.

Sina Zadok at Abiatar ang mga pari.

5Si Azaria na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel.

Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang personal na tagapayo ng hari.

6Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo.

At si Adoniram na anak ni Abda, ang namamahala sa mga aliping sapilitang pinagtatrabaho.

7Mayroon ding 12 gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon. 8Ito ang kanilang mga pangalan:

Si Ben Hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.

9Si Ben Deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet Shemesh at sa Elon Bet Hanan.

10Si Ben Hesed na namamahala sa Arubot, kasama na rito ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.

11Si Ben Abinadab na namamahala sa Nafat Dor. (Asawa siya ni Tafat na anak ni Solomon.)

12Si Baana na anak ni Ahilud, na namamahala sa Taanac, Megido, sa buong Bet Shan malapit sa Zaretan sa ibaba ng Jezreel at sa mga lugar na mula sa Bet Shan hanggang Abel Mehola at patawid sa Jokmeam.

13Si Ben Geber, na namamahala sa Ramot Gilead, kasama na rito ang mga bayan ni Jair na anak ni Manase, at sa mga distrito ng Argob sa Bashan, kasama na ang 60 malalaki at napapaderang bayan, na ang mga pintuan ay may tarangkahang tanso.

14Si Ahinadab na anak ni Iddo, na namamahala sa Mahanaim.

15Si Ahimaaz, na namamahala sa Naftali. (Asawa siya ni Basemat na anak ni Solomon.)

16Si Baana na anak ni Hushai, na namamahala sa Asher at sa Alot.

17Si Jehoshafat na anak ni Parua, na namamahala sa Isacar.

18Si Shimei na anak ni Ela, na namamahala sa Benjamin.

19Si Geber na anak ni Uri, na namamahala sa Gilead na sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ni Haring Og ng Bashan. Si Geber lang ang gobernador sa buong distritong ito.4:19 Si Geber lang … distritong ito: o, At may isang gobernador na pinagkatiwalaan sa buong lupain ng Juda. Itoʼy ayon sa ibang mga tekstong Griego.

Ang Kasaganaan at ang Karunungan ni Solomon

20Ang bilang ng mga tao sa Juda at Israel ay tulad ng buhangin sa dalampasigan na hindi mabilang. Sagana sila sa pagkain at inumin, at masaya sila. 21Si Solomon ang namamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, hanggang sa hangganan ng Egipto. Ang mga kahariang ito ay nagbabayad ng buwis kay Solomon at nagpapasakop sa kanya habang nabubuhay siya.

22Ito ang mga pagkaing kailangan ni Solomon sa kanyang palasyo bawat araw: 100 sako ng magandang klaseng harina, 200 sako ng ordinaryong harina, 23sampung pinatabang baka sa kulungan, 20 baka na galing sa pastulan, 100 tupa o kambing, hindi pa kasama ang ibaʼt ibang uri ng mga usa at magandang uri ng ibon at manok.

24Sakop ni Solomon ang buong lupain sa kanlurang Ilog ng Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza. At maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng bansa sa palibot niya. 25Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beersheba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.

26May 40,0004:26 40,000: Sa ibang mga tekstong Septuagint, 4,000. Tingnan din ang 2 Cro. 9:25. kwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayong pangkarwahe at may 12,000 siyang mangangabayo.4:26 siyang mangangabayo: o, mga kabayo. 27Ang mga gobernador sa mga distrito ang nagbibigay ng pangangailangan ni Haring Solomon at ng lahat ng nasa palasyo. Ang bawat isa sa kanila ay may responsibilidad sa pagbibigay bawat buwan. Tinitiyak nilang maibibigay ang mga pangangailangan ni Solomon. 28Nagbibigay din sila ng sebada at dayami para sa mga kabayo. Dinadala nila ito sa lugar na dapat nitong pagdalhan sa oras na kailangan ito.

29Binigyan ng Dios si Solomon ng di-pangkaraniwang karunungan at pang-unawa, at kaalaman na hindi masukat. 30Ang kaalaman niya ay higit pa sa kaalaman ng lahat ng matatalino sa silangan at sa Egipto. 31Siya ang pinakamatalino sa lahat. Mas matalino pa siya kaysa kay Etan na Ezrano at sa mga anak ni Mahol na sina Heman, Calcol at Darda. At naging tanyag siya sa mga nakapaligid na bansa. 32Gumawa siya ng 3,000 kawikaan at 1,005 awit. 33Makapagsasabi siya ng tungkol sa lahat ng uri ng pananim, mula sa malalaking punongkahoy hanggang sa maliliit na pananim.4:33 mula sa malalaking … pananim: sa literal, mula sa sentro ng Lebanon hanggang sa isopo na tumutubo sa dingding. Makapagsasabi rin siya tungkol sa lahat ng uri ng hayop na lumalakad, gumagapang, lumilipad, at lumalangoy. 34Nabalitaan ng lahat ng hari sa mundo ang karunungan ni Solomon, kaya nagpadala sila ng mga tao para makinig sa kanyang karunungan.

Persian Contemporary Bible

اول پادشاهان 4:1‏-34

مقامات دربار سليمان

1‏-6سليمان پادشاه بر تمام اسرائيل حكومت می‌كرد و مقامات دربار او عبارت بودند از:

عزريا (پسر صادوق)، رئيس كاهنان؛

اليحورف و اخيا (پسران شيشه)، کاتب؛

یهوشافاط (پسر اخيلود)، وقايع‌نگار؛

بنايا (پسر يهوياداع)، فرماندهٔ سپاه؛

صادوق و ابياتار، كاهن؛

عزريا (پسر ناتان)، سرپرست حاكمان؛

زابود (پسر ناتان)، كاهن و مشاور پادشاه؛

اخيشار، سرپرست امور دربار؛

ادونيرام (پسر عبدا) سرپرست كارهای اجباری.

7سليمان در تمام اسرائيل دوازده حاكم گماشته بود و آنها وظيفه داشتند خوراک دربار را تهيه كنند. هر يک از ايشان، يک ماه در سال مسئول تداركات دربار بودند.

8‏-19اين است اسامی دوازده حاكم و حوزه‌های فعاليت آنها:

بن هور، در كوهستان افرايم؛

بن دقر، در ماقص، شعلبيم، بيت‌شمس، ايلون و بيت حانان؛

بن حسد، در اربوت، سوكوه و تمامی قلمرو حافر؛

بن ابيناداب، (كه با تافَت دختر سليمان ازدواج كرده بود) در تمام منطقهٔ دُر؛

بعنا (پسر اخيلود)، در تعنک، مجدو، تمام سرزمين نزديک بيت‌شان و صرتان، جنوب شهر يزرعيل، و تا شهر آبل مهوله و شهر يقمعام.

بن جابر، در راموت جلعاد كه شامل دهكده‌های ياعير (پسر منسی) در جلعاد و ناحيه ارجوب در باشان می‌شد با شصت شهر حصاردار ديگر كه دروازه‌هايشان پشت‌بندهای مفرغی داشت؛

اخيناداب (پسر عدو)، در محنايم؛

اخيمعص (كه با باسمت دختر ديگر سليمان ازدواج كرده بود)، در نفتالی؛

بعنا (پسر حوشای)، در اشير و بعلوت؛

يهوشافاط (پسر فاروح)، در سرزمين يساكار؛

شمعی (پسر ايلا)، در سرزمين بنيامين؛

جابر (پسر اوری)، در جلعاد كه شامل سرزمينهای سيحون، پادشاه اموری‌ها و عوج، پادشاه باشان می‌شد.

اين دوازده حاكم زير نظر حاكم كل قرار داشتند.

حكمت و عظمت سليمان

20در آن زمان اسرائيل و يهودا قوم بزرگ و مرفه و كاميابی بودند. 21سليمان بر تمام سرزمينهای واقع در بين رود فرات و فلسطين كه تا سرحد مصر نيز می‌رسيدند سلطنت می‌كرد. اقوام اين سرزمينها به او باج و خراج می‌دادند و در تمام مدت عمرش تابع او بودند.

22آذوقهٔ روزانهٔ دربار عبارت بود از: حدود پنج تن آرد و ده تن بلغور، 23ده گاو از طويله، بيست گاو از چراگاه، صد گوسفند و نيز غزال، آهو، گوزن و انواع مرغان.

24قلمرو سلطنت سليمان از تفصح تا غزه می‌رسيد و تمام ممالک غرب رود فرات را در بر می‌گرفت. تمام پادشاهان غرب رود فرات تابع او بودند و او با سرزمينهای همسايه در صلح بود.

25مردم يهودا و اسرائيل در طول سلطنت سليمان در كمال آرامش بودند و هر خانواده زير درختان مو و انجير خود آسوده می‌نشستند.

26سليمان دوازده هزار اسب و چهار هزار اصطبل برای اسبان عرابه‌های خود داشت.

27حاكمان، هر يک در ماه تعيين شده، خوراک سليمان و مهمانان او را بدون كم و كسر تهيه می‌كردند. 28در ضمن هر يک به سهم خود برای اسبان عرابه و ساير اسبان كاه و جو فراهم می‌ساختند.

29خدا به سليمان فهم و حكمت بی‌نظيری بخشيد و بصيرت او بی‌حد و حصر بود. 30حكمت سليمان از حكمت دانشمندان مشرق زمين و علمای مصر هم زيادتر بود. 31او حتی از حكمای معروفی چون ايتان ازراحی و پسران ماحول يعنی حيمان و كلكول و دَردَع حكيمتر بود. سليمان در ميان تمام ممالک دنيای زمان خود معروف شد. 32سه هزار مثل گفت و هزار و پنج سرود نوشت. 33سليمان دربارهٔ حيوانات و پرندگان و خزندگان و ماهيان اطلاع كافی داشت، او همچنين تمام گياهان را از درختان سرو گرفته تا بوته‌های كوچک زوفا كه در شكاف ديوارها می‌رويند، می‌شناخت و دربارهٔ آنها سخن می‌گفت. 34پادشاهان سراسر جهان كه آوازهٔ حكمت او را شنيده بودند نمايندگانی به دربار او می‌فرستادند تا از حكمتش برخوردار شوند.