1 Cronica 29 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 29:1-30

Ang mga Regalo sa Pagpapatayo ng Templo

1Pagkatapos, sinabi ni Haring David sa lahat ng mamamayan ng Israel, “Ang anak kong si Solomon na pinili ng Dios ay bata pa at wala pang karanasan. Malaki ang gawain na ito, dahil ang ipapatayong gusali ay hindi para sa tao kundi para sa Panginoong Dios. 2Ginawa ko ang lahat para maihanda ang mga materyales para sa templo ng aking Dios – maraming ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, mamahaling bato na onix, at iba pang mamahaling hiyas at mga batong may ibaʼt ibang kulay, at marami ring marmol. 3At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang templo ng aking Dios, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na templo. 4Ang ibibigay ko ay 100 toneladang ginto mula sa Ofir, at 250 toneladang pilak. Ito ay gagamiting pangtapal sa mga dingding ng templo, 5at para naman sa lahat ng mga kagamitan na gagawin ng mga platero. Ngayon, sino ang gustong magbigay para sa Panginoon?”

6Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari. 7Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Dios ng 175 toneladang ginto, 10,000 perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal. 8May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gershon. 9Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

Ang Panalangin ni David

10Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya,

“O Panginoon, Dios ng aming ninuno na si Jacob,29:10 Jacob: sa Hebreo, Israel. Ganito rin sa talatang 18. sa inyo ang kapurihan magpakailanman! 11Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat! 12Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

13“Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan. 14Pero sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin. 15Nalalaman nʼyo, O Panginoon, na pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili.

16“O Panginoon naming Dios, ang lahat ng ibinigay namin sa pagpapatayo ng templo para sa karangalan ng inyong banal na pangalan ay nagmula rin sa inyo. Pagmamay-ari nʼyo ang lahat ng ito! 17O aking Dios, alam ko pong sinasaliksik nʼyo ang aming puso at nasisiyahan kayo kapag nakikita nʼyong tapat ito. Kaya tapat at kusang-loob ang pagbibigay ko sa inyo ng mga bagay na ito. At nagagalak po ako dahil nakita kong kahit ang mga mamamayan ninyong narito ay kusang-loob na nagbigay.

18“O Panginoon, ang Dios ng aming mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, palagi nʼyo po sanang ilagay sa puso ng mga mamamayan ninyo ang naising ito at tulungan nʼyo po sila na maging tapat sa inyo. 19Tulungan nʼyo rin po ang anak kong si Solomon na lalong maging tapat sa pagsunod sa inyong mga utos, katuruan at mga tuntunin, at sa paggawa ng lahat ng ipinatutupad ninyo tungkol sa pagpapatayo ng templo na aking inihanda.”

20Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Dios.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.

Kinilala si Solomon Bilang Hari

21Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: 1,000 toro, 1,000 lalaking tupa at 1,000 batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita. 22Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon.

Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Pinahiran si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at pinahiran din ng langis si Zadok bilang pari. 23Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel. 24Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon. 25Niloob ng Panginoon na maging tanyag si Solomon sa buong Israel at binigyan ng karangalang hindi nakamit ng ibang hari sa Israel.

Ang Pagkamatay ni David

26-27Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel sa loob ng 40 taon – 7 taon sa Hebron at 33 taon sa Jerusalem. 28Nabuhay siya nang matagal, mayaman at marangal. Namatay siya nang matandang-matanda na at ang anak niyang si Solomon ang pumalit sa kanya bilang hari. 29Ang kasaysayan tungkol sa paghahari ni Haring David, mula sa simula hanggang katapusan ay nakasulat sa mga aklat ng mga propeta na sina Samuel, Natan at Gad. 30Naisulat dito kung paano siya naghari, at kung gaano siya naging makapangyarihan, at ang lahat ng nangyari sa kanya at sa Israel, at sa mga nakapaligid na kaharian.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

1 Летопись 29:1-30

Пожертвования на строительство храма

1Царь Давуд сказал всему собранию:

– Мой сын Сулейман, единственный, кого избрал Аллах, молод и неопытен. Работа велика, ведь это не дворец для человека, а храм для Вечного Бога. 2Я всё приготовил для храма моего Бога, что только смог – золото, серебро, бронзу, железо и дерево, а кроме того, много оникса и камней в оправы, бирюзы, разноцветных камней, всех видов драгоценных камней и мрамора. 3Кроме того, из любви к моему Богу я отдаю собственное золото и серебро на храм моего Бога сверх всего того, что я заготовил для этого святого храма. Я отдаю: 4108 тонн золота из Офира и 252 тонны29:4 Букв.: «3 000… 7 000 талантов». очищенного серебра для покрытия стен зданий, 5для всех золотых и серебряных вещей и для всякой работы ремесленников. Кто ещё готов сделать добровольные пожертвования, посвящая себя сегодня Вечному?

6Тогда главы семейств, вожди родов Исраила, тысячники, сотники и сановники, надзирающие за царским добром, стали делать добровольные пожертвования. 7Они пожертвовали на работу по строительству храма Аллаха 180 тонн и 84 килограмма золота, 360 тонн серебра, 648 тонн бронзы и 3 600 тонн29:7 Букв.: «5 000 талантов и 10 000 дариков… 10 000… 18 000… 100 000 талантов». железа. 8Всякий, у кого были драгоценные камни, отдавал их в сокровищницу храма Вечного в руки гершонита Иехиила. 9Народ радовался добровольному участию своих вождей, потому что они жертвовали Вечному от всего сердца. Очень радовался и царь Давуд.

Молитва Давуда

10Давуд благословил Вечного перед всем собранием, говоря:

– Хвала Вечному,

Богу нашего отца Исраила,

от века и до века!

11Твои, о Вечный, величие и мощь,

великолепие, победа и слава,

ведь в небесах и на земле – всё Твоё.

Твоё, о Вечный, царство,

Ты над всем вознесён как Глава.

12От Тебя богатство и честь,

Ты – властитель всего.

В руках Твоих сила и власть

вознести и укрепить любого.

13И сейчас, Бог наш, мы благодарим Тебя

и хвалим Твоё славное имя.

14– Но кто я и кто мой народ, чтобы нам делать это добровольное пожертвование? Всё происходит от Тебя, и мы даём Тебе лишь то, что получили из Твоей руки. 15Мы странники и чужеземцы в Твоих глазах, какими были и наши предки. Наши дни на земле – как тень, и мы не можем избежать смерти29:15 Букв.: «и нет надежды».. 16Вечный, наш Бог, всё это изобилие, что мы приготовили для строительства храма, где Ты будешь пребывать в Своей святости, мы получили из Твоей руки, оно целиком принадлежит Тебе. 17Я знаю, мой Бог, что Ты испытываешь сердца и Тебе угодна искренность. Я от чистого сердца добровольно отдал всё это и теперь с радостью вижу, что и Твой народ, который находится здесь, добровольно жертвует Тебе. 18Вечный, Бог наших предков – Ибрахима, Исхака и Якуба29:18 Букв.: «Исраила». Аллах дал Якубу новое имя – Исраил (см. Нач. 32:27-28)., сохрани это желание в сердцах Твоего народа навсегда и сбереги их сердца верными Тебе. 19Дай моему сыну Сулейману от всего сердца соблюдать Твои повеления, заповеди и установления и сделать всё, чтобы построить храм, для которого я всё это приготовил.

20Затем Давуд сказал всему собранию:

– Славьте Вечного, вашего Бога!

И все они восхвалили Вечного, Бога их предков. Они склонились и поклонились Вечному и царю.

Признание Сулеймана царём

21На следующий день народ принёс жертвы Вечному и вознёс Ему всесожжения: тысячу быков, тысячу баранов и тысячу ягнят вместе с положенными жертвенными возлияниями и многими другими жертвами за весь Исраил. 22Люди ели и пили в тот день перед Вечным с великой радостью.

Затем они признали Сулеймана, сына Давуда, царём во второй раз, помазав его перед Вечным в правители, а Цадока – в священнослужители. 23И Сулейман сел на престол Вечного как царь вместо своего отца Давуда. Он преуспевал, и весь Исраил повиновался ему. 24Все вожди и могучие воины, а также все сыновья царя Давуда признали над собой власть царя Сулеймана.

25Вечный высоко вознёс Сулеймана в глазах всего Исраила и даровал ему такое царское великолепие, какого не было прежде ни у кого из исраильских царей.

Смерть Давуда

(3 Цар. 2:10-12)

26Давуд, сын Есея, был царём всего Исраила. 27Он правил Исраилом сорок лет – семь лет в Хевроне и тридцать три года в Иерусалиме. 28Он умер в глубокой старости, насытившись жизнью, богатством и славой. И царём вместо него стал его сын Сулейман.

29События царствования царя Давуда, от первых до последних, описаны в «Записях пророка Шемуила», в «Записях пророка Нафана» и в «Записях пророка Гада». 30Эти записи повествуют о деяниях Давуда во время его царствования, о его власти и событиях, которые выпали на его долю, о том, что случилось с Исраилом и всеми царствами земли.