1 Cronica 26 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 26:1-32

Ang mga Guwardya ng Pintuan ng Templo

1Ito ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo:

Mula sa pamilya ni Kora, si Meshelemia na anak ni Kore na miyembro ng pamilya ni Asaf, 2at ang pito niyang anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jediael, Zebadia, Jatniel, 3Elam, Jehohanan at Eliehoenai.

4Kasama rin si Obed Edom at ang walo niyang anak na lalaki: si Shemaya ang panganay, at ang kasunod ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Netanel, 5Amiel, Isacar at Peuletai. Pinagpala ng Dios si Obed Edom. 6-7Ang panganay na anak ni Obed Edom na si Shemaya ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Silaʼy sina Otni, Refael Obed at Elzabad. Ang kanilang kamag-anak na sina Elihu at Semakia ay may mga kakayahan din.

8Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed Edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay 62 lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.

9Ang 18 anak at mga kamag-anak ni Meshelemia ay may mga kakayahan din.

10Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno ng kanilang pamilya si Shimri kahit hindi siya ang panganay na anak. 11Ang sumunod kay Shimri ay sina Hilkia, Tabalia at Zacarias. 13 lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan ng templo.

12Iginrupo ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kasama nilang mga Levita. 13Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda. 14Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Shelemia,26:14 Shelemia: o, Meshelemia. at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias 15Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed Edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega. 16Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo26:16 pintuan … paakyat sa templo: sa Hebreo, Pintuan na Shaleket na daanan sa ibabaw. ang nabunot ni Shupim at Hosa.

Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay: 17Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa. 18Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ng templo ay dalawa.

19Iyon ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo na angkan nina Kora at Merari.

Ang mga Ingat-yaman at ang Iba pang mga Opisyal

20Ang ibang mga Levita26:20 ibang mga Levita: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Ang Levita, si Ahia. na pinamumunuan ni Ahia ang katiwala sa mga bodega ng templo ng Dios, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Dios.

21Si Ladan ay mula sa angkan ni Gershon at ama ni Jehieli. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno rin ng kanyang mga angkan. 22Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.

23Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel:

Mula sa angkan ni Amram: 24si Shebuel,26:24 Shebuel: o, Shubael. na mula rin sa angkan ni Gershom, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo. 25Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabia, Jeshaya, Joram, Zicri at Shelomit.26:25 Shelomit: o, Shelomot. 26Si Shelomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno. 27Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan para gamitin sa templo ng Panginoon. 28Si Shelomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruya. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.

29Mula sa mga angkan ni Izar: si Kenania at ang mga anak niyang lalaki, na siyang nangangasiwa at mga hukom sa buong Israel. Hindi sila naglilingkod sa loob ng templo.

30Mula sa angkan ni Hebron: si Hashabia at ang 1,700 kamag-anak niya na may mga kakayahan. Pinagkatiwalaan sila na mamahala ng mga lupain sa gawing kanluran ng Ilog ng Jordan. Sila ang nangangasiwa ng mga gawain ng Panginoon at ng hari sa lugar na iyon. 31Si Jeria ang pinuno ng angkan ni Hebron ayon sa talaan ng kanilang mga pamilya. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David, siniyasat ang mga talaan, at natuklasan na may angkan si Hebron sa Jazer na sakop ng Gilead, at may mga kakayahan sila. 32Si Jeria ay may 2,700 kamag-anak na may mga kakayahan at mga pinuno ng mga pamilya. Sila ang pinamahala ni Haring David sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase. Sila ang nangangasiwa sa lahat ng gawain ng Dios at ng hari sa mga lugar na iyon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志上 26:1-32

圣殿的守卫

1以下是殿门守卫的班次:

可拉亚萨的后代有可利的儿子米施利米雅2米施利米雅的长子是撒迦利亚,次子是耶叠,三子是西巴第雅,四子是耶提聂3五子是以拦,六子是约哈难,七子是以利约乃4俄别·以东的长子是示玛雅,次子是约萨拔,三子是约亚,四子是沙甲,五子是拿坦业5六子是亚米利,七子是以萨迦,八子是毗乌利太。上帝特别赐福俄别·以东6他儿子示玛雅有几个儿子都很能干,在各自的家族中做首领。 7他们是俄得尼利法益俄备得以利萨巴。他们的亲族以利户西玛迦也很能干。 8这些都是俄别·以东的子孙,他们和他们的儿子及亲族共有六十二人,都是能干称职的人。 9米施利米雅的儿子及亲族共十八人,都很能干。 10米拉利的后代何萨的长子是申利,他本来不是长子,是被他父亲立为长子的。 11次子是希勒迦,三子是底巴利雅,四子是撒迦利亚何萨的儿子及亲族共十三人。

12这些按族长分成小组的殿门守卫在耶和华的殿里按班次供职,与他们的亲族一样。 13他们无论大小,都按照族系抽签,以决定看守哪个门。 14示利米雅抽中东门,他儿子撒迦利亚是个精明的谋士,抽中北门。 15俄别·以东抽中南门,他儿子抽中库房。 16书聘何萨抽中西门和上行之路的沙利基门,两班相对而立。 17每天有六个利未人守东门,四人守北门,四人守南门,守库房的二人一组。 18守卫西面街道的有四人,守卫走廊的有二人。 19以上是可拉的子孙和米拉利的子孙守门的班次。

圣殿里的其他职务

20利未亚希雅负责掌管上帝殿里的库房和放奉献之物的库房。 21革顺拉但的子孙中做族长的有耶希伊利22耶希伊利的两个儿子西坦约珥负责管理耶和华殿里的库房。 23暗兰族、以斯哈族、希伯仑族、乌歇族也各有其职。 24摩西的孙子——革舜的儿子细布业是库房的主管。 25细布业的亲族有以利以谢以利以谢的儿子是利哈比雅利哈比雅的儿子是耶筛亚耶筛亚的儿子是约兰约兰的儿子是细基利细基利的儿子是示罗密26示罗密及其亲族负责管理库房中的奉献之物,这些物品是大卫王、众族长、千夫长、百夫长和将领献给上帝的圣物。 27他们把战争中掳掠的财物献出来,以备建造耶和华的殿。 28撒母耳先见、基士的儿子扫罗尼珥的儿子押尼珥洗鲁雅的儿子约押及其他人奉献的圣物都由示罗密及其亲族管理。

29以斯哈族的基拿尼雅及其众子做官长和士师,为以色列管理圣殿以外的事务。 30希伯仑族的哈沙比雅及其亲族一千七百人都很能干,他们在以色列约旦河以西办理耶和华和王的事务。 31按家谱记载,希伯仑宗族的族长是耶利雅大卫执政第四十年,经过调查,在基列雅谢希伯仑族中找到一些能干的人。 32耶利雅的亲族有两千七百人,都是能干的族长。大卫王派他们在吕便支派、迦得支派和玛拿西半个支派中办理一切有关上帝和王的事务。