1 Cronica 22 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 22:1-19

1Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang templo ng Panginoong Dios at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”

Ang Paghahanda para sa Pagpapatayo ng Templo

2Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan sa Israel. Pumili siya sa kanila ng mga tagatabas ng bato para sa templo ng Dios. 3Nagbigay si David ng napakaraming bakal para gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat. 4Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tyreo. 5Sinabi ni David, “Bata pa ang anak kong si Solomon at wala pa siyang karanasan. Kailangang ang templo ng Panginoon na itatayo ay napakaganda at magiging tanyag sa buong mundo. Kaya paghahandaan ko ito ngayon pa lang.” Kaya lubusan ang paghahandang ginawa ni David bago siya mamatay.

6Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang templo para sa Panginoon, ang Dios ng Israel. 7Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Dios. 8Pero ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. 9Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon,22:9 Solomon: Ang pangalang itoʼy posibleng galing sa salitang Hebreo na “shalom” na ang ibig sabihin ay “kapayapaan.” at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari. 10Siya ang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’

11“Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng templo ng Panginoon na iyong Dios, ayon sa sinabi niya na gawin mo. 12Bigyan ka sana ng Panginoon na iyong Dios ng karunungan at pang-unawa para matupad mo ang kautusan niya sa panahon na pamamahalain ka niya sa buong Israel. 13At kung matupad mo nang mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa Israel sa pamamagitan ni Moises, magiging matagumpay ka. Kaya magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manlupaypay. 14Pinaghirapan kong mabuti ang paghahanda ng mga materyales para sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon – 3,500 toneladang ginto, 35,500 toneladang pilak, at maraming tanso at mga bakal na hindi na matimbang sa sobrang bigat. Naghanda rin ako ng mga kahoy at mga bato, pero kailangan mo pa rin itong dagdagan. 15Marami kang manggagawa: mga tagatabas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga taong may kakayahan sa anumang gawaing 16ginto, pilak, tanso at bakal. Ngayon, simulan mo na ang pagpapagawa, at gabayan ka sana ng Panginoon.”

17Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng pinuno ng Israel para tulungan ang anak niyang si Solomon. 18Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Dios at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga kalaban ninyo sa paligid. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito. 19Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa Panginoon na inyong Dios, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng templo ng Panginoon na inyong Dios para mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Dios sa templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”

Persian Contemporary Bible

اول تواريخ 22:1-19

1سپس داوود در كنار قربانگاهی كه ساخته بود، ايستاد و گفت: «اين همان جايی است كه بايد خانهٔ خداوند بنا شود و اين قربانگاه برای قربانیهای قوم اسرائيل خواهد بود.»

آمادگی برای ساختن خانهٔ خدا

2داوود تمام ساكنان غيريهودی اسرائيل را برای ساختن خانهٔ خدا به کار گرفت. از بين آنها افرادی را برای تراشيدن سنگ تعيين كرد. 3او مقدار زيادی آهن تهيه كرد تا از آن ميخ و گيره برای دروازه‌ها درست كنند. او همچنين به قدری مفرغ تهيه كرد كه نمی‌شد آن را وزن نمود! 4مردان صور و صيدون نيز تعداد بيشماری الوار سرو برای داوود آوردند.

5داوود گفت: «پسرم سليمان، جوان و كم‌تجربه است و خانهٔ خداوند بايد پرشكوه و در دنيا معروف و بی‌نظير باشد. بنابراين، من از حالا برای بنای آن تدارک می‌بينم.»

پس داوود پيش از وفاتش، مصالح ساختمانی زيادی را فراهم ساخت 6و به پسر خود سليمان سفارش كرد خانه‌ای برای خداوند، خدای اسرائيل بنا كند.

7داوود به سليمان گفت: «ای پسرم، من خودم می‌خواستم خانه‌ای برای خداوند، خدای خود بسازم، 8اما خداوند به من فرمود كه چون جنگهای بزرگ كرده‌ام و دستم به خون انسانهای زيادی آلوده شده است، نمی‌توانم خانهٔ او را بسازم. 9ولی او به من وعده داده، فرمود: پسری به تو می‌دهم كه مردی صلح‌جو خواهد بود و من شر تمام دشمنان را از سر او كم خواهم كرد. نام او سليمان يعنی ”صلح“ خواهد بود. در طی سلطنت او به قوم اسرائيل صلح و آرامش خواهم بخشيد. 10او خانه‌ای برای من بنا خواهد كرد. او پسر من و من پدر او خواهم بود، و پسران و نسل او را تا به ابد بر تخت سلطنت اسرائيل خواهم نشاند.

11«پس حال ای پسرم، خداوند همراه تو باشد و تو را كامياب سازد تا همانطور كه فرموده است بتوانی خانهٔ خداوند، خدايت را بسازی. 12خداوند به تو بصيرت و حكمت عطا كند تا وقتی پادشاه اسرائيل می‌شوی تمام قوانين و دستورات او را بجا آوری. 13چون اگر مطيع دستورات و احكام خداوند كه توسط موسی به بنی‌اسرائيل داده است باشی، او تو را موفق می‌گرداند. پس قوی و دلير باش، و ترس و واهمه را از خود دور كن!

14«من با تلاش زياد سه هزار و چهارصد تن طلا و سی و چهار هزار تن نقره جمع‌آوری كرده‌ام، و اين علاوه بر آهن و مفرغ بی‌حساب، الوار و سنگی است كه برای خانهٔ خداوند آماده ساخته‌ام. تو نيز بايد به اين مقدار اضافه كنی. 15تو سنگتراشها و بنّاها و نجّارها و صنعتگران ماهر بسيار برای انجام هر نوع كاری در خدمت خود داری. 16ايشان در زرگری و نقره‌سازی و فلزكاری مهارت بسيار دارند. پس كار را شروع كن. خداوند با تو باشد!»

17سپس داوود به تمام بزرگان اسرائيل دستور داد كه پسرش را در انجام اين كار كمک كنند. 18داوود به آنان گفت: «خداوند، خدای شما با شماست. او از هر طرف به شما صلح و آرامش بخشيده، زيرا من به ياری خداوند دشمنان اين سرزمين را شكست دادم و آنها الان مطيع شما و خداوند هستند. 19پس با تمام نيروی خود خداوند، خدای خويش را اطاعت كنيد. دست به کار شويد و خانهٔ خداوند را بسازيد تا بتوانيد صندوق عهد و ساير اشياء مقدس را به خانهٔ خداوند بياوريد!»