1 Cronica 19 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 19:1-19

Ang Digmaan laban sa mga Ammonita at Arameo

(2 Sam. 10:1-19)

1Makalipas ang ilang panahon, namatay si Nahash, na hari ng mga Ammonita. At ang anak niya na si Hanun ang pumalit sa kanya bilang hari. 2Sinabi ni David, “Pakikitaan ko ng kabutihan si Hanun dahil naging mabuti ang ama niya sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga opisyal para ipakita ang pakikiramay niya kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito.

Pero pagdating ng mga opisyal ni David sa lupain ng mga Ammonita, 3sinabi ng mga opisyal ng mga Ammonita sa kanilang hari, “Iniisip nʼyo ba na pinaparangalan ni David ang inyong ama sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan para makiramay sa kalungkutan ninyo? Hindi! Ipinadala niya ang mga taong iyan para magmanman sa lupain natin at wasakin ito.” 4Kaya ipinadakip ni Hanun ang mga tauhan ni David, inahit ang balbas nila at ginupit ang kanilang mga damit mula baywang pababa at pagkatapos ay pinauwi sila.

5Sa ganoong kalagayan, nahihiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang umuwi.

6Napag-isip-isip ng mga Ammonita na ginalit nila si David. Kaya nagbayad sila ng 35 toneladang pilak para umupa ng mga karwahe at mga mangangarwahe mula sa Aram Naharaim,19:6 Aram Naharaim: Isang lugar sa Mesopotamia. Aram Maaca at Zoba.

7Ang bilang ng mga karwahe at mga mangangarwahe ay 32,000. Sumama rin sa kanila ang hari ng Maaca at ang mga sundalo nito. Nagkampo sila malapit sa Medeba. At naghanda rin ang mga Ammonita at lumabas sa bayan nila para makipaglaban. 8Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab at ang lahat ng matatapang na sundalo sa pakikipaglaban. 9Pumwesto ang mga Ammonita sa pakikipaglaban sa may pintuan ng kanilang lungsod, habang ang mga hari na sumama sa kanila ay pumwesto sa kapatagan.

10Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo. 11Si Abishai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Ammonita. 12Sinabi ni Joab kay Abishai, “Kung makikita mo na parang matatalo kami ng mga Arameo, tulungan ninyo kami, pero kung kayo naman ang parang matatalo ng mga Ammonita, tutulungan namin kayo. 13Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Dios. Gagawin ng Panginoon kung ano ang mabuti para sa kanya.”

14Sumalakay sina Joab at ang mga tauhan niya sa mga Arameo, at nagsitakas ang mga Arameo sa kanila. 15Nang makita ng mga Ammonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abishai na kapatid ni Joab, at pumasok sa lungsod nila. Kaya umuwi sina Joab sa Jerusalem.

16Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga kasama nilang mga Arameo na nasa kabilang Ilog ng Eufrates para tulungan sila. Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Shofac19:16 Shofac: o, Shobac. na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

17Nang malaman ito ni David, tinipon niya ang lahat ng sundalo ng Israel sa pakikipaglaban. Pagkatapos, tumawid sila sa Ilog ng Jordan at pumwesto na nakaharap sa mga Arameo, at naglaban sila. 18Pero nagsitakas ang mga Arameo sa mga Israelita. Nakapatay sina David ng 7,000 mangangarwahe at 40,000 sundalo na lumalakad lang. Napatay din nila si Shofac, ang kumander ng mga sundalo. 19Nang makita ng mga sakop ni Hadadezer na natalo na sila ng mga Israelita, nakipagkasundo sila at nagpasakop kay David. Kaya mula noon, hindi na tumulong ang mga Arameo sa mga Ammonita.

Persian Contemporary Bible

اول تواريخ 19:1-19

پيروزی داوود بر عمونی‌ها و سوری‌ها

(دوم سموئيل 10‏:10‏-19)

1پس از چندی ناحاش، پادشاه عمون مرد و پسرش بر تخت او نشست. 2داوود پادشاه پيش خود فكر كرد: «بايد رسم دوستی را با حانون، پسر ناحاش بجا آورم، چون پدرش دوست باوفای من بود.» پس داوود نمايندگانی به دربار حانون فرستاد تا به او تسليت بگويند.

ولی وقتی نمايندگان به عمون رسيدند، 3بزرگان عمون به حانون گفتند: «اين اشخاص به احترام پدرت به اينجا نيامده‌اند، بلكه داوود آنها را فرستاده است تا پيش از حمله به ما، شهرها را جاسوسی كنند.» 4از اين رو، حانون فرستاده‌های داوود را گرفته، ريششان را تراشيد، لباسشان را از پشت پاره كرد و ايشان را نيمه برهنه به كشورشان برگردانيد.

5نمايندگان داوود خجالت می‌كشيدند با اين وضع به وطن مراجعت كنند. داوود چون اين خبر را شنيد، دستور داد آنها در شهر اريحا بمانند تا ريششان بلند شود.

6مردم عمون وقتی فهميدند با اين كار، داوود را دشمن خود كرده‌اند، سی و چهار تن نقره فرستادند تا از معكه و صوبه، واقع در سوريه، عرابه‌ها و سواره نظام اجير كنند. 7با اين پول سی و دو هزار عرابه و خود پادشاه معكه و تمام سپاه او را اجير كردند. اين نيروها در ميدبا اردو زدند و سربازان حانون پادشاه هم كه از شهرهای عمون جمع شده بودند، در آنجا به ايشان پيوستند. 8وقتی داوود از اين موضوع باخبر شد، يوآب و تمام سپاه اسرائيل را به مقابله با آنها فرستاد. 9عمونی‌ها از دروازه‌های شهر خود دفاع می‌كردند و نيروهای اجير شده در صحرا مستقر شده بودند.

10وقتی يوآب ديد كه بايد در دو جبهه بجنگد، گروهی از بهترين رزمندگان خود را انتخاب كرده، فرماندهی آنها را به عهده گرفت تا به جنگ سربازان سوری برود. 11بقيهٔ سربازان را نيز به برادرش ابيشای سپرد تا به عمونی‌ها كه از شهر دفاع می‌كردند، حمله كند.

12يوآب به برادرش گفت: «اگر از عهدهٔ سربازان سوری برنيامدم به كمک من بيا، و اگر تو از عهدهٔ عمونی‌ها برنيامدی، من به كمک تو می‌آيم. 13شجاع باش! اگر واقعاً می‌خواهيم قوم خود و شهرهای خدای خود را نجات دهيم، امروز بايد مردانه بجنگيم. هر چه خواست خداوند باشد، انجام می‌شود.»

14وقتی يوآب و سربازانش حمله كردند، سوری‌ها پا به فرار گذاشتند. 15عمونی‌ها نيز وقتی ديدند مزدوران سوری فرار می‌كنند، آنها هم گريختند و تا داخل شهر عقب‌نشينی نمودند. سپس يوآب به اورشليم مراجعت كرد.

16سوری‌ها وقتی ديدند نمی‌توانند در مقابل اسرائيلی‌ها مقاومت كنند، سربازان سوری شرق رود فرات را نيز به كمک طلبيدند. فرماندهی اين نيروها به عهدهٔ شوبک فرماندهٔ سپاه هددعزر بود.

17داوود چون اين را شنيد، همهٔ سربازان اسرائيلی را جمع كرده، از رود اردن گذشت و با نيروهای دشمن وارد جنگ شد. 18ولی سوری‌ها باز هم گريختند و داوود و سربازانش هفت هزار عرابه سوار و چهل هزار پياده سوری را كشتند. شوبک نيز در اين جنگ كشته شد. 19وقتی پادشاهان مزدور هددعزر ديدند كه سربازان سوری شكست خورده‌اند، با داوود صلح نموده، به خدمت او درآمدند. از آن پس ديگر سوری‌ها به عمونی‌ها كمک نكردند.