1 Cronica 17 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 17:1-27

Ang Pangako ng Dios kay David

(2 Sam. 7:1-17)

1Nang nakatira na si David sa kanyang palasyo, sinabi niya kay Natan na propeta. “Narito ako, nakatira sa magandang palasyo na gawa sa kahoy na sedro, pero ang Kahon ng Panginoon ay nasa tolda lang.” 2Sumagot si Natan kay David, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”

3Pero nang gabing iyon sinabi ng Dios kay Natan, 4“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David na ito ang sinabi ko: ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng templo na aking titirhan. 5Hindi pa ako nakakatira sa templo mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Egipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda. 6Sa aking paglipat-lipat kasama ng mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinunong inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng templong gawa sa kahoy na sedro.’

7“Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita para mamuno sa mga mamamayan kong Israelita. 8Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo. 9Binigyan ko ng sariling lupain ang mga mamamayan kong Israelita, para may sarili silang tirahan at wala nang gagambala sa kanila. Hindi na sila aapihin ng masasamang tao gaya nang dati, 10mula nang maglagay ako ng mga pinuno sa mga mamamayan kong Israelita. Tatalunin ko rin ang lahat ng kalaban mo. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na patuloy na manggagaling sa iyong angkan ang magiging hari ng Israel. 11Kapag namatay ka na at ilibing kasama ng mga ninuno mo, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatagin ko ang kaharian niya. 12Siya ang magpapatayo ng templo para sa akin, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman. 13Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Mananatili ang pag-ibig ko sa kanya hindi gaya ng ginawa ko kay Saul na pinalitan mong hari. 14Pamamahalain ko siya sa aking mga mamamayan at kaharian, at ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.’ ”

15Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Dios sa kanya.

Ang Panalangin ni David

(2 Sam. 7:18-29)

16Pagkatapos, pumasok si Haring David sa tolda kung saan naroon ang Kahon ng Kasunduan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Dios, sino po ba ako at ang sambahayan ko para pagpalain nʼyo nang ganito? 17Ngayon, O Dios, may pangako pa kayo tungkol sa kinabukasan ng sambahayan ko. Itinuring nʼyo ako na parang pinakadakilang tao. O Panginoong Dios, 18ano pa po ba ang masasabi ko sa pagpaparangal ninyo sa akin? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod. 19O Panginoon, dahil po sa akin na inyong lingkod at ayon na rin sa inyong kalooban, ginawa nʼyo ang mga dakilang bagay na ito at inihayag ito sa akin. 20Panginoon, wala po kayong katulad. Walang ibang Dios maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na dios na gaya ninyo. 21At wala ring ibang tao na tulad ng inyong mga mamamayang Israelita. Ang bansang ito lamang sa mundo ang inyong pinalaya mula sa pagkaalipin para maging mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa kadakilaan at kamangha-manghang ginawa nʼyo nang itinaboy nʼyo ang mga bansa sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan na inilabas nʼyo sa Egipto. 22Ginawa nʼyong sariling mamamayan ang mga Israelita magpakailanman, at kayo, Panginoon, ang kanilang naging Dios.

23-24“At ngayon, Panginoon, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya, para maging tanyag kayo magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoong Makapangyarihan ang Dios ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman. 25Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito aking Dios, dahil ipinahayag ninyo sa akin na inyong lingkod na magpapatuloy ang aking paghahari sa pamamagitan ng aking angkan.

26Panginoon, tunay ngang kayo ang Dios! Ipinangako nʼyo po sa inyong lingkod ang mga magagandang bagay na ito. 27At ngayon, nalulugod po kayong pagpalain ang sambahayan ko para magpatuloy ito sa presensya nʼyo magpakailanman. Sapagkat kapag nagpapala kayo Panginoon, ang pagpapala ninyoʼy magpakailanman.”

Persian Contemporary Bible

اول تواريخ 17:1-27

وعدهٔ خداوند به داوود

(دوم سموئيل 7‏:1‏-17)

1پس از آنكه داوود در كاخ سلطنتی خود ساكن شد، روزی به ناتان نبی گفت: «من در اين كاخ زيبا كه با چوب سرو ساخته شده است زندگی می‌كنم، در حالی كه صندوق عهد خداوند در يک خيمه نگهداری می‌شود!»

2ناتان در جواب داوود گفت: «آنچه را كه در نظر داری انجام بده زيرا خدا با توست.»

3ولی همان شب خدا به ناتان فرمود 4كه برود و به خدمتگزار او داوود چنين بگويد: «تو آن كسی نيستی كه بايد برای من خانه‌ای بسازد. 5زيرا من هرگز در ساختمانی ساكن نبوده‌ام. از آن زمان كه بنی‌اسرائيل را از مصر بيرون آوردم تا به امروز خانهٔ من يک خيمه بوده است و از جايی به جای ديگر در حركت بوده‌ام. 6در طول اين مدت هرگز به هيچكدام از رهبران اسرائيل كه آنها را برای شبانی قوم خود تعيين نموده بودم، نگفتم كه چرا برايم خانه‌ای از چوب سرو نساخته‌ايد؟

7«و حال خداوند قادر متعال می‌فرمايد كه وقتی چوپان ساده‌ای بيش نبودی و در چراگاهها از گوسفندان نگهداری می‌كردی، تو را به رهبری قوم اسرائيل برگزيدم. 8هر جايی كه رفته‌ای با تو بوده‌ام و دشمنانت را نابود كرده‌ام. تو را از اين هم بزرگتر می‌كنم تا يكی از معروفترين مردان دنيا شوی! 9‏-10برای قوم خود سرزمينی انتخاب كردم تا در آن سروسامان بگيرند. اين وطن آنها خواهد بود و قومهای بت‌پرست ديگر مثل سابق كه قوم من تازه وارد اين سرزمين شده بود، بر آنها ظلم نخواهند كرد. تو را از شر تمام دشمنانت حفظ خواهم كرد. اين منم كه خانهٔ تو را می‌سازم. 11وقتی تو بميری و به اجدادت ملحق شوی، من يكی از پسرانت را وارث تاج و تخت تو می‌سازم و حكومت او را تثبيت می‌كنم. 12او همان كسی است كه خانه‌ای برای من می‌سازد. من سلطنت او را تا به ابد پايدار می‌كنم. 13من پدر او و او پسر من خواهد بود و محبت من از او دور نخواهد شد، آن طور كه از شائول دور شد. 14تا به ابد او را بر قوم خود و سرزمين اسرائيل خواهم گماشت و فرزندانش هميشه پادشاه خواهند بود.»

15پس ناتان نزد داوود بازگشت و آنچه را كه خداوند فرموده بود به او بازگفت.

دعای داوود

(دوم سموئيل 7‏:18‏-29)

16آنگاه داوود به خيمهٔ عبادت رفت و در آنجا نشسته، در حضور خداوند چنين دعا كرد: «ای خداوند، من كيستم و خاندان من چيست كه مرا به اين مقام رسانده‌ای؟ 17به اين هم اكتفا نكردی بلكه به نسل آيندهٔ من نيز وعده‌ها دادی. ای خداوند، تو مرا از همهٔ مردم سرافرازتر كرده‌ای. 18ديگر چه بگويم كه تو می‌دانی من نالايق هستم ولی با وجود اين سرافرازم كرده‌ای. 19اين خواست تو بود كه به خاطر خدمتگزارت داوود اين كارهای بزرگ را انجام دهی و وعده‌های عظيم را نصيب خدمتگزارت گردانی. 20هرگز نشنيده‌ايم كه خدايی مثل تو وجود داشته باشد! تو خدای بی‌نظيری هستی! 21در سراسر دنيا، كدام قوم است كه مثل قوم تو، بنی‌اسرائيل، چنين بركاتی يافته باشد؟ تو بنی‌اسرائيل را رهانيدی تا از آنها برای خود قومی بسازی و نامت را جلال دهی. با معجزات عظيم، مصر را نابود كردی. 22بنی‌اسرائيل را تا به ابد قوم خود ساختی و تو ای خداوند، خدای ايشان شدی.

23«ای خداوند باشد آنچه كه دربارهٔ من و خاندانم وعده فرموده‌ای، به انجام رسد. 24اسم تو تا به ابد ستوده شود و پايدار بماند و مردم بگويند: خداوند قادر متعال، خدای اسرائيل است. تو خاندان مرا تا به ابد حفظ خواهی كرد. 25ای خداوند من، تو به من وعده دادی كه خاندانم تا به ابد بر قوم تو سلطنت كند. به همين سبب است كه جرأت كرده‌ام چنين دعايی در حضورت بنمايم. 26ای خداوند تو واقعاً خدا هستی و تو اين چيزهای خوب را به من وعده فرموده‌ای. 27ای خداوند، بگذار اين بركت هميشه از آن فرزندان من باشد زيرا وقتی تو بركت می‌دهی، بركت تو ابدی است.»