1 Cronica 12 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 12:1-40

Ang mga Tao na Sumama kay David at ang Kanyang mga Sundalo

1Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan. 2Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin. 3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joash na mga anak ni Shemaa na taga-Gibea. Ito ang mga pangalan nila:

sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet,

sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,

4si Ishmaya na taga-Gibeon, na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng 30 matatapang na tao,

sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,

5sina Eluzai, Jerimot, Bealia, Shemaria, at Shefatia na taga-Haruf,

6sina Elkana, Ishia, Azarel, Joezer, at Jashobeam na mga angkan ni Kora,

7sina Joela at Zebadia na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.

8May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumama kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan:

9si Ezer ang pinuno nila,

si Obadias ang pangalawa,

si Eliab ang pangatlo,

10si Mishmana ang pang-apat,

si Jeremias ang panglima,

11si Atai ang pang-anim,

si Eliel ang pampito,

12si Johanan ang pangwalo,

si Elzabad ang pangsiyam,

13si Jeremias ang pangsampu,

at si Macbanai ang pang-11.

14Sila ang lahi ni Gad na mga kumander ng mga sundalo. Ang pinakamahina sa kanila ay makakapamahala ng 100 sundalo, at ang pinakamalakas ay makakapamahala ng 1,000 sundalo. 15Tinawid nila ang Ilog ng Jordan nang unang buwan ng taon, ang panahong umaapaw ang tubig nito, at itinaboy nila ang lahat ng nakatira sa mga lambak ng silangan at kanluran ng ilog.

16May mga tao ring nagmula sa mga lahi nina Benjamin at Juda na pumunta kay David doon sa pinagkukutaan niya. 17Lumabas si David para salubungin sila at sinabi, “Kung pumunta kayo rito para tumulong sa akin bilang kaibigan, tinatanggap ko kayo na sumama sa amin. Pero kung pumunta kayo rito para ibigay ako sa aking mga kalaban kahit wala akong kasalanan, sanaʼy makita ito ng Dios ng ating mga ninuno at parusahan niya kayo.”

18Pagkatapos, pinuspos ng Espiritu si Amasai na kalaunan ay naging pinuno ng 30 matatapang na sundalo, at sinabi niya,

“Kami po ay sa inyo, O David na anak ni Jesse! Magtagumpay sana kayo at ang mga tumutulong sa inyo, dahil ang Dios ninyo ang tumutulong sa inyo.”

Kaya tinanggap sila ni David at ginawang opisyal ng mga sundalo niya.

19May mga tao rin na mula sa lahi ni Manase ang sumama kay David nang pumunta siya sa mga Filisteo para makipaglaban kay Saul. Pero hindi pumayag ang mga Filisteo na sumama si David at ang mga tauhan niya, dahil iniisip nila na baka muling pumanig si David sa amo niyang si Saul. Kaya pagkatapos nilang mag-usap, pinabalik nila si David sa Ziklag.

20Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manase na sumama kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng 1,000 sundalo sa lahi ni Manase. 21Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David. 22Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David para tumulong, hanggang sa dumami at naging matibay ang kanyang mga sundalo.12:22 hanggang sa dumami … mga sundalo: o, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Dios.

23-24Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:

Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalo na may mga dalang sibat at pana.

25Mula sa lahi ni Simeon: 7,100 mahuhusay na sundalo.

26Mula sa lahi ni Levi: 4,600 sundalo, 27kabilang na si Jehoyada na pinuno ng pamilya ni Aaron at ang kanyang 3,700 tauhan, 28at si Zadok na isang matapang at kabataang mandirigma at ang 22 opisyal mula sa kanyang pamilya.

29Mula sa lahi ni Benjamin na mga kamag-anak ni Saul: 3,000 sundalo. Karamihan sa lahi ni Benjamin ay nanatiling tapat kay Saul.

30Mula sa lahi ni Efraim: 20,800 matatapang na sundalo at tanyag sa pamilya nila.

31Mula sa kalahating lahi ni Manase: 18,000 sundalo. Ipinadala sila para tumulong sa pagluklok kay David na maging hari.

32Mula sa lahi ni Isacar: 200 pinuno kasama ang mga kamag-anak na pinamamahalaan nila. Sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin ng Israel at kung kailan ito gagawin.

33Mula sa lahi ni Zebulun: 50,000 mahuhusay na sundalo na armado ng ibaʼt ibang armas. Handang-handa silang tumulong at mamatay para kay David.

34Mula sa lahi ni Naftali: 1,000 opisyal at 37,000 sundalo na may dalang mga pananggalang at sibat.

35Mula sa lahi ni Dan: 28,600 sundalo na handa sa labanan.

36Mula sa lahi ni Asher: 40,000 mahuhusay na sundalo na handa sa labanan.

37At mula sa lahi sa silangan ng Ilog ng Jordan, ang lahi ni Reuben, Gad at kalahating lahi ni Manase: 120,000 sundalo na armado ng ibaʼt ibang uri ng armas.

38Silang lahat ang sundalo na nagprisinta sa pakikipaglaban. Pumunta sila sa Hebron at nagkaisa silang gawing hari si David sa buong Israel. Sa katunayan, halos lahat ng Israelita ay gustong maging hari si David. 39Nanatili sila roon ng tatlong araw kasama si David na nagsisikain at nag-iinuman dahil pinadalhan sila ng mga kababayan nila ng pagkain. 40Nagdala rin ng pagkain ang mga kamag-anak nilang mula pa sa malayong lugar ng Isacar, Zebulun at Naftali. Ikinarga nila ito sa mga asno, kamelyo, mola12:40 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo. at baka. Marami ang kanilang harina, igos, mga pinatuyong pasas, katas ng ubas at langis, baka at tupa. Masayang-masaya ang lahat sa Israel.

Persian Contemporary Bible

اول تواريخ 12:1-40

پيروان داوود از قبيلهٔ بنيامين

1وقتی داوود از دست شائول پادشاه خود را پنهان كرده بود، عده‌ای از سربازان شجاع اسرائيلی در صقلغ به او ملحق شدند. 2همهٔ اينها در تيراندازی و پرتاب سنگ با فلاخن بسيار مهارت داشتند و می‌توانستند دست چپ خود را مثل دست راستشان به کار ببرند. آنها مانند شائول از قبيلهٔ بنيامين بودند.

3‏-7رئيس آنان اخيعزر پسر شماعه اهل جبعات بود. بقيهٔ افراد عبارت بودند از:

يوآش (برادر اخيعزر)؛ يزی‌ئيل و فالط (پسران عزموت)؛ براكه و ييهو اهل عناتوت؛ يشمعيا اهل جبعون (جنگجوی شجاعی كه در رديف يا برتر از آن سی سردار بود)؛ ارميا، يحزی‌ئيل، يوحانان و يوزاباد اهل جديرات؛ العوزای، يريموت، بعليا، شمريا و شفطيا اهل حروف؛ القانه، يشيا، عزرئيل، يوعزر و يشبعام از طايفه قورح؛ يوعيله و زبديا (پسران يروحام) اهل جدور.

پيروان داوود از قبيلهٔ جاد

8‏-13سربازان شجاع قبيلهٔ جاد نيز نزد داوود به پناهگاه او در بيابان رفتند. ايشان در جنگيدن با نيزه و سپر بسيار ماهر بودند، دل شير داشتند و مثل غزال كوهی چابک و تيزرو بودند. اين است اسامی ايشان به ترتيب رتبه:

عازر، عوبديا، الی‌آب، مشمنه، ارميا، عتای، الی‌ئيل، يوحانان، الزاباد، ارميا و مكبنای.

14اين افراد همه سردار بودند. كم توانترين آنها ارزش صد سرباز معمولی را داشت و پرتوانترين ايشان با هزار سرباز حريف بود! 15آنها در ماه اول سال، آنگاه که رود اردن طغيان می‌كند، از رود گذشتند و ساكنان كناره‌های شرقی و غربی رود را پراكنده ساختند.

پيروان داوود از قبيلهٔ بنيامين و يهودا

16افراد ديگری نيز از قبيله‌های بنيامين و يهودا نزد داوود آمدند. 17داوود به استقبال ايشان رفت و گفت: «اگر به كمک من آمده‌ايد، دست دوستی به هم می‌دهيم ولی اگر آمده‌ايد مرا كه هيچ ظلمی نكرده‌ام به دشمنانم تسليم كنيد، خدای اجدادمان ببيند و حكم كند.»

18سپس روح خدا بر عماسای (كه بعد رهبر آن سی نفر شد) آمد و او جواب داد: «ای داوود، ما در اختيار تو هستيم. ای پسر يسی، ما طرفدار تو می‌باشيم. بركت بر تو و بر تمام يارانت باد، زيرا خدايت با توست.»

پس داوود آنها را پذيرفت و ايشان را فرماندهان سپاه خود كرد.

پيروان داوود از قبيلهٔ منسی

19بعضی از سربازان قبيلهٔ منسی به داوود كه همراه فلسطينی‌ها به جنگ شائول می‌رفت، ملحق شدند. (اما سرداران فلسطينی به داوود و افرادش اجازه ندادند كه همراه آنها بروند. آنها پس از مشورت با يكديگر داوود و افرادش را پس فرستادند، چون می‌ترسيدند ايشان به شائول بپيوندند) 20وقتی داوود به صقلغ می‌رفت، اين افراد از قبيلهٔ منسی به او پيوستند: عدناح، يوزاباد، يديعی‌ئيل، ميكائيل، يوزاباد، اليهو و صلتای. اين افراد سرداران سپاه منسی بودند. 21ايشان جنگاورانی قوی و بی‌باک بودند و داوود را در جنگ با عماليقی‌های مهاجم كمک كردند. 22هر روز عده‌ای به داوود می‌پيوستند تا اينكه سرانجام سپاه بزرگ و نيرومندی تشكيل شد.

سربازانی كه در حبرون به داوود پيوستند

23اين است تعداد افراد مسلحی كه در حبرون به داوود ملحق شدند تا سلطنت شائول را به داوود واگذار كنند، درست همانطور كه خداوند فرموده بود:

24‏-37از قبيلهٔ يهودا ۶,۸۰۰ نفر مجهز به نيزه و سپر؛

از قبيلهٔ شمعون ۷,۱۰۰ مرد زبدهٔ جنگی؛

از قبيلهٔ لاوی ۴,۶۰۰ نفر، شامل يهوياداع، سرپرست خاندان هارون با ۳,۷۰۰ نفر و صادوق كه جنگاوری جوان و بسيار شجاع بود با ۲۲ سردار؛

از قبيلهٔ بنيامين، همان قبيله‌ای كه شائول به آن تعلق داشت، ۳,۰۰۰ مرد كه اكثر آنها تا آن موقع نسبت به شائول وفادار مانده بودند؛

از قبيلهٔ افرايم ۲۰,۸۰۰ مرد جنگی و نيرومند كه همه در طايفهٔ خود معروف بودند؛ از نصف قبيلهٔ منسی ۱۸,۰۰۰ نفر كه انتخاب شده بودند تا بيايند و داوود را برای پادشاه شدن كمک كنند؛

از قبيلهٔ يساكار ۲۰۰ سردار، با افراد زير دست خود (اين سرداران موقعيت جنگی را خوب تشخيص می‌دادند و می‌دانستند چگونه اسرائيلی‌ها را برای جنگ بسيج كنند)؛

از قبيلهٔ زبولون ۵۰,۰۰۰ مرد جنگی كارآزموده و مسلح كه نسبت به داوود وفادار بودند؛

از قبيلهٔ نفتالی ۱,۰۰۰ سردار و ۳۷,۰۰۰ سرباز مجهز به نيزه و سپر؛

از قبيلهٔ دان ۲۸,۶۰۰ سرباز آمادهٔ جنگ؛

از قبيلهٔ اشير ۴۰,۰۰۰ سرباز تعليم ديده و آمادهٔ جنگ؛

از آن سوس رود اردن (محل سكونت قبايل رئوبين و جاد و نصف قبيلهٔ منسی) ۱۲۰,۰۰۰ سرباز مجهز به انواع اسلحه؛

38تمام اين جنگجويان برای يک هدف به حبرون آمدند و آن اينكه داوود را بر تمام اسرائيل پادشاه سازند. در حقيقت، تمام قوم اسرائيل با پادشاه شدن داوود موافق بودند. 39اين افراد جشن گرفتند و سه روز با داوود خوردند و نوشيدند. چون قبلاً خانواده‌هايشان برای ايشان تدارک ديده بودند. 40همچنين مردم اطراف از سرزمين يساكار، زبولون و نفتالی خوراک بر پشت الاغ و شتر و قاطر و گاو گذاشته، آورده بودند. مقدار خيلی زيادی آرد، نان شيرينی، كشمش، شراب، روغن و تعداد بی‌شماری گاو و گوسفند برای اين جشن آورده شد، زيرا در سراسر كشور شادی و سرور بود.