1 Corinto 9 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 9:1-27

Mga Karapatan at Responsibilidad ng Isang Apostol

1Hindi baʼt malaya ako? Hindi baʼt isa akong apostol? Hindi baʼt nagpakita mismo sa akin ang ating Panginoong Jesus? Hindi baʼt dahil sa akin kaya kayo naging mga mananampalataya? 2Kahit hindi man ako kilalanin ng iba bilang apostol, alam kong kikilalanin ninyo ako dahil kayo mismo ang katunayan ng aking pagiging apostol, at dahil sa akin kaya ngayon kayo ay nasa Panginoon. 3At ito nga ang isinasagot ko sa mga taong hindi kumikilala sa akin bilang apostol.

4Bilang apostol, wala ba kaming karapatang tumanggap ng pagkain at inumin mula sa mga napangaralan namin? 5Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang mananampalataya sa aming mga paglalakbay, tulad ng ginagawa ng mga kapatid sa Panginoon, ni Pedro, at ng iba pang mga apostol? 6Kami lang ba ni Bernabe ang kinakailangang magtrabaho para sa aming ikabubuhay? 7Mayroon bang sundalo na siya pa ang gumagastos para sa kanyang paglilingkod? Mayroon bang nagtatanim na hindi nakikinabang sa mga bunga nito? At mayroon bang nag-aalaga ng kambing na hindi nakikinabang sa gatas nito?

8Ang sinasabi kong ito ay hindi lamang opinyon ng tao, kundi itinuturo mismo ng Kautusan. 9Sapagkat nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik.”9:9 Deu. 25:4. Ang mga baka lamang ba ang tinutukoy dito ng Dios? 10Hindi. Maging tayo ay tinutukoy niya, kaya ito isinulat. Sapagkat ang nag-aararo at ang gumigiik ay umaasang makakabahagi sa aanihin. 11Nagtanim kami sa inyo ng mga espiritwal na pagpapapala. Malaking bagay ba kung umani naman kami ng mga materyal na pagpapala sa inyo? 12Kung ang ibang mga mangangaral ay may karapatang tumanggap mula sa inyo, hindi baʼt lalo na kami? Ngunit kahit may karapatan kami ay hindi kami humingi sa inyo. Tiniis namin ang lahat upang sa ganoon ay walang maging hadlang sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. 13Hindi nʼyo ba alam na ang mga naglilingkod sa templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa altar ay tumatanggap din ng parte sa mga bagay na inialay sa altar? 14Sa ganito rin namang paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga tumanggap ng Magandang Balita ay dapat tumulong sa mga pangangailangan ng mga nangangaral ng Magandang Balita para mabuhay sila.

15Ngunit hindi ko ginamit ang karapatan kong iyan. At hindi ako sumusulat sa inyo upang magbigay kayo sa akin ng tulong. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa maalis ang karapatan kong ipagmalaki ito.9:15 ipagmalaki ito na nangangaral ako ng Magandang Balita nang walang bayad. 16Hindi ko ipinagmamalaki ang pangangaral ko ng Magandang Balita, dahil tungkulin ko ito. Nakakaawa ako kung hindi ko ipapangaral ang Magandang Balita! 17Kung ginagawa ko ito nang kusang-loob, may maaasahan akong gantimpala. Ngunit ang totoo, ginagawa ko lamang ang aking tungkulin dahil ito ang gawaing ipinagkatiwala ng Dios sa akin. 18Ano ngayon ang gantimpala ko? Ang itinuturing kong gantimpala ay ang kaligayahan na akoʼy hindi nagpapabayad sa aking pangangaral ng Magandang Balita, kahit may karapatan akong tumanggap ng bayad sa pangangaral ko nito.

19Kahit hindi ako isang alipin, nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami na sasampalataya kay Cristo. 20Sa piling ng mga kapwa ko Judio, namumuhay ako bilang Judio upang mahikayat ko silang sumampalataya kay Cristo. Kaya kahit wala man ako sa ilalim ng Kautusan ng mga Judio, sinusunod ko ito upang madala ko sila sa pananampalataya. 21Sa piling naman ng mga hindi Judio, namumuhay ako na parang wala sa ilalim ng Kautusan upang madala sila sa pananampalataya. Hindi nangangahulugan na hindi ko na sinusunod ang mga utos ng Dios, dahil ang totoo, sinusunod ko ang mga utos ni Cristo. 22Sa mahihina pa ang pananampalataya, nakikibagay ako upang mapatatag ko sila kay Cristo. Nakikibagay ako sa lahat ng tao, upang sa kahit anong paraan ay mailigtas ko ang ilan sa kanila. 23Ginagawa ko ang lahat ng ito sa ikalalaganap ng Magandang Balita, upang makabahagi rin ako sa mga pagpapala nito.

24Sa ating pagsunod sa Dios ay para tayong mananakbo. Alam ninyo na sa isang takbuhan, marami ang sumasali ngunit isa lang ang nananalo. Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang makamit ninyo ang gantimpala. 25Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili upang makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. 26Kaya nga, may layunin at direksyon ang aking pagtakbo. Kung baga sa isang boksingero, hindi ako sumusuntok sa hangin. 27Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios.

New International Reader’s Version

1 Corinthians 9:1-27

Paul’s Rights as an Apostle

1Am I not free? Am I not an apostle? Haven’t I seen Jesus our Lord? Aren’t you the result of my work for the Lord? 2Others may not think of me as an apostle. But I am certainly one to you! You are the proof that I am the Lord’s apostle.

3That is what I say to stand up for myself when people judge me. 4Don’t we have the right to eat and drink? 5Don’t we have the right to take a believing wife with us when we travel? The other apostles do. The Lord’s brothers do. Peter does. 6Or are Barnabas and I the only ones who have to do other work for a living? Are we the only ones who can’t just do the work of apostles all the time?

7Who serves as a soldier but doesn’t get paid? Who plants a vineyard but doesn’t eat any of its grapes? Who takes care of a flock but doesn’t drink any of the milk? 8Do I say this only on human authority? The Law says the same thing. 9Here is what is written in the Law of Moses. “Do not stop an ox from eating while it helps separate the grain from the straw.” (Deuteronomy 25:4) Is it oxen that God is concerned about? 10Doesn’t he say that for us? Yes, it was written for us. Whoever plows and separates the grain hopes to share the harvest. And it is right for them to hope for this. 11We have planted spiritual seed among you. Is it too much to ask that we receive from you some things we need? 12Others have the right to receive help from you. Don’t we have even more right to do so?

But we didn’t use that right. No, we have put up with everything. We didn’t want to keep the good news of Christ from spreading.

13People who serve in the temple get their food from the temple. Don’t you know this? People who serve at the altar eat from what is offered on the altar. Don’t you know this? 14So those who preach the good news should also receive their living from their work. That is what the Lord has commanded.

15But I haven’t used any of those rights. And I’m not writing because I hope you will do things like that for me. I would rather die than allow anyone to take away my pride in my work. 16But when I preach the good news, I can’t brag. I have to preach it. How terrible it will be for me if I do not preach the good news! 17If I preach because I want to, I get a reward. If I preach because I have to, I’m only doing my duty. 18Then what reward do I get? Here is what it is. I am able to preach the good news free of charge. And I can do this without using all my rights as a person who preaches the good news.

Paul Uses His Freedom to Share the Good News

19I am free and don’t belong to anyone. But I have made myself a slave to everyone. I do it to win as many as I can to Christ. 20To the Jews I became like a Jew. That was to win the Jews. To those under the law I became like one who was under the law. I did this even though I myself am not under the law. That was to win those under the law. 21To those who don’t have the law I became like one who doesn’t have the law. I did this even though I am not free from God’s law. I am under Christ’s law. Now I can win those who don’t have the law. 22To those who are weak I became weak. That was to win the weak. I have become all things to all people. I have done this so that in all possible ways I might save some. 23I do all this because of the good news. And I want to share in its blessings.

Training to Win the Prize

24In a race all the runners run. But only one gets the prize. You know that, don’t you? So run in a way that will get you the prize. 25All who take part in the games train hard. They do it to get a crown that will not last. But we do it to get a crown that will last forever. 26So I do not run like someone who doesn’t run toward the finish line. I do not fight like a boxer who hits nothing but air. 27No, I train my body and bring it under control. Then after I have preached to others, I myself will not break the rules. If I did break them, I would fail to win the prize.