1 Corinto 11 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 11:1-34

1Kaya nga, tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.

Ang Pagtatakip sa Ulo Kapag Sumasamba

2Pinupuri ko kayo dahil lagi ninyo akong inaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo. 3Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo. 4Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Cristo. 5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo. 6Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo. 7Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at karangalan ng Dios. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki. 8Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki. 9At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki. 10Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae upang makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa. 11Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. 12Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios.

13Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin nang walang takip sa ulo? 14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito. 15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Dios ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. 16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Dios sa kahit saang lugar.

Ang Banal na Hapunan

(Mat. 26:1-29; Mar. 14:22-25; Luc. 22:14-20)

17Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti. 18Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon-tipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at medyo naniniwala ako na iyan nga ang nangyayari. 19Kinakailangan sigurong mangyari iyan para malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya. 20Kapag nagtitipon kayo upang ipagdiwang ang Banal na Hapunan,11:20 Banal na Hapunan: sa literal, Hapunan ng Panginoon. hindi tama ang ginagawa ninyo, 21dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom. 22Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Ano ngayon ang gusto ninyong gawin ko? Purihin kayo? Aba, hindi!

23Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing traydurin ang Panginoong Jesus, kumuha siya ng tinapay, 24at pagkatapos niyang magpasalamat sa Dios, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin.11:25 inumin: sa literal, kopa. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” 26Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.

27Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom ng inumin ng Panginoon nang hindi karapat-dapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom ng inumin. 29Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili. 30At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay. 31Ngunit kung susuriin natin ang ating sarili – kung tama o mali ba ang ating mga ginagawa, hindi tayo parurusahan ng Dios. 32Kung tayo man ay pinarurusahan ng Dios, dinidisiplina niya tayo upang hindi tayo maparusahang kasama ng mga tao sa mundo.

33Kaya nga, mga kapatid, kapag nagtitipon-tipon kayo para sa Banal na Hapunan, maghintayan kayo. 34Kung may nagugutom sa inyo, kumain na muna siya sa kanyang bahay nang hindi kayo maparusahan ng Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo sa inyong pagtitipon. At tungkol naman sa iba pang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

哥林多前书 11:1-34

1你们要效法我,正如我效法基督一样。

敬拜的礼仪

2我赞赏你们,因为你们凡事都想到我,并坚守我传给你们的各种教导。

3我希望你们知道,基督是男人的头,丈夫是妻子的头,上帝是基督的头。 4男人在祷告和讲道时,若蒙着头,就是羞辱自己的头。 5但妇女在祷告和讲道时,若不蒙着头,就是羞辱自己的头,因为她就像剃光了头发一样。 6因此,如果妇女不愿意把头蒙起来,就该把头发剪掉。如果她觉得剪发或剃头是羞耻的,就应该蒙头。 7然而,男人不该蒙头,因为男人是上帝的形象和荣耀,而女人是男人的荣耀。 8因为男人并非出自女人,而女人却是出自男人。 9并且男人不是为女人而造的,女人却是为男人而造的。

10因此为了天使的缘故,女人在头上应该有服权柄的记号。 11不过在主里面,女人不可没有男人,男人不可没有女人。 12因为女人是从男人而来,男人又是女人生的,但万物都是来自上帝。

13你们自行斟酌吧,女人向上帝祷告时不蒙头合适吗? 14按着人的天性,难道你们不知道男人留长发是他的羞辱, 15女人留长发是她的荣耀吗?因为头发是用来给女人盖头的。 16如果有谁想反驳这些话,我只能说,这是我们和上帝的众教会向来遵守的规矩。

守圣餐的规矩

17现在我有话要吩咐你们,不是称赞你们,因为你们聚会不但无益,反而有害。 18首先,我听说你们在聚会的时候拉帮结派,我相信这些话有几分真实。 19你们中间必然会有分裂的事,好显出谁是经得起考验的。

20你们聚会的时候,不是在吃主的晚餐。 21因为你们进餐的时候,各人只顾吃自己的,结果有些人挨饿,有些人醉酒。 22难道你们不可以在家里吃喝吗?还是你们轻看上帝的教会,存心羞辱那些贫穷的弟兄姊妹呢?我该说什么呢?称赞你们吗?不可能!

23我把从主领受的传给了你们,就是:主耶稣被出卖的那天晚上,祂拿起一个饼来, 24向上帝祝谢后掰开,说,“这是我的身体,是为你们掰开的,你们要这样做,为的是纪念我。” 25晚餐后,祂又照样拿起杯来,说,“这杯是用我的血立的新约。你们每逢喝的时候,要这样做,为的是纪念我。” 26所以,每当你们吃这饼、喝这杯的时候,就是宣告主的死,一直到主再来。

27因此,无论是谁,若以不正确的心态吃主的饼、喝主的杯,就是得罪主的身体和主的血。 28所以,人要先自我省察,才可以吃这饼喝这杯。 29因为守圣餐的时候,若有人随便吃喝,忘记了这是主的身体,他就是自招审判。 30正因如此,你们当中有许多人身体软弱,疾病缠身,死亡的也不少。 31如果我们先自我省察,就不会遭受审判了。 32主审判我们,是对我们的管教,免得我们和世人一同被定罪。

33因此,我的弟兄姊妹,当你们吃圣餐时,要彼此等候。 34如果有人饥饿,可以在家中先吃,免得你们聚会的时候自招审判。至于其余的事,等我到了以后再安排。