Mateusza 8 – SZ-PL & TCB

Słowo Życia

Mateusza 8:1-34

Trędowaty

1Jezus zszedł ze wzgórza, a ogromne tłumy poszły za Nim. 2Wtem podszedł do Niego jakiś trędowaty, pokłonił Mu się i poprosił:

—Panie! Jeśli zechcesz, możesz mnie uzdrowić.

3Jezus dotknął go i powiedział:

—Chcę. Bądź uzdrowiony!

I w jednej chwili trąd zniknął.

4—Nie mów o tym nikomu!—dodał Jezus. —Idź i poproś, aby zbadał cię kapłan. A na dowód tego, że wyzdrowiałeś, zanieś ofiarę, jaką Mojżesz wyznaczył uleczonemu z trądu.

Wiara żołnierza

5Gdy Jezus przybył do Kafarnaum, podszedł do Niego rzymski dowódca oddziału z prośbą:

6—Panie, mój sługa leży w domu, jest sparaliżowany i strasznie cierpi.

7—Dobrze, pójdę go uzdrowić—rzekł Jezus.

8—Panie—powiedział dowódca—nie jestem godny przyjmować Ciebie w moim domu. Wystarczy, że powiesz jedno słowo, a on wyzdrowieje. 9Wiem to, bo sam podlegam władzy i mam pod sobą żołnierzy. Jeśli powiem któremuś: „Idź!”, on idzie, a jeśli powiem któremuś: „Przyjdź tu!”, przychodzi. I jak powiem słudze: „Wykonać!”, to wykonuje polecenie.

10Słysząc taką odpowiedź, Jezus zdziwił się. Rzekł więc do tłumu:

—Zapewniam was: Tak wielkiej wiary nie spotkałem u nikogo w Izraelu! 11Przyjdzie czas, że wielu pogan z całego świata zasiądzie w królestwie niebieskim razem z Abrahamem, Izaakiem i Jakubem. 12Natomiast ci, dla których to królestwo było przygotowane, zostaną wyrzuceni na zewnątrz—w ciemności, gdzie panuje rozpacz i lament.

13Dowódcy zaś powiedział:

—Idź do domu. Niech stanie się tak, jak uwierzyłeś.

I właśnie o tej godzinie jego sługa odzyskał zdrowie.

Jezus uzdrawia

14Potem Jezus poszedł do domu Piotra. Gdy wszedł do środka, zauważył, że teściowa Piotra leży na łóżku i ma wysoką gorączkę. 15Dotknął jej ręki i temperatura natychmiast spadła, a teściowa wstała i przygotowała im posiłek.

16Wieczorem przyprowadzono do Jezusa wielu zniewolonych przez demony. Rozkazał demonom wyjść z ludzi i uzdrowił wszystkich chorych. 17Tak spełniło się proroctwo Izajasza:

„On wziął na Siebie nasze słabości

i niósł nasze choroby”.

Cena naśladowania Jezusa

18Tłumy wokół Jezusa zaczęły rosnąć. Polecił więc uczniom przeprawić się na drugi brzeg jeziora. 19Wówczas podszedł do Niego jeden z przywódców religijnych i powiedział:

—Nauczycielu, pójdę z Tobą, dokądkolwiek się udasz!

20—Lisy mają nory, a ptaki gniazda—odrzekł mu Jezus—lecz ja, Syn Człowieczy, nie mam własnego kąta, gdzie mógłbym odpocząć.

21A któryś z uczniów powiedział:

—Panie, pozwól mi tylko pójść i pochować zmarłego ojca!

22—Chodź ze Mną!—odpowiedział Jezus. —Niech umarli grzebią umarłych.

Jezus ucisza burzę

23Następnie wsiadł z uczniami do łodzi i wypłynęli na jezioro. 24W pewnej chwili zerwała się tak silna burza, że fale zalewały łódź. Jezus wtedy spał. 25Zaczęli więc Go budzić:

—Panie, ratuj nas, toniemy!

26—Dlaczego się tak boicie, nieufni?!—rzekł Jezus.

Wstał i rozkazał wiatrowi oraz wodzie zamilknąć. I zaległa głęboka cisza.

27—Kim On jest—dziwili się wszyscy—że nawet wiatr i jezioro są Mu posłuszne?

Uzdrowienie dwóch zniewolonych przez demony

28Gdy przybyli na drugi brzeg jeziora, do krainy Gadareńczyków, wybiegło Jezusowi naprzeciw dwóch opętanych. Mieszkali w grobowcach i byli tak niebezpieczni, że nikt nie miał odwagi tamtędy chodzić.

29—Czego od nas chcesz, Synu Boży?—zaczęli krzyczeć. —Czemu przyszedłeś przed czasem nas dręczyć?!

30W oddali zaś pasło się wielkie stado świń.

31—Jeśli już nas wypędzasz, poślij nas w te świnie—prosiły demony.

32—Dobrze!—zezwolił im. —Idźcie!

Opuściły więc ludzi i weszły w świnie, po czym całe stado rzuciło się pędem ze stromego zbocza wprost do jeziora i utonęło. 33Pasterze stada uciekli wtedy do pobliskiego miasta i o wszystkim tam opowiedzieli—również o opętanych. 34Wkrótce całe miasto wyszło Jezusowi na spotkanie. Gdy Go zobaczyli, zaczęli prosić, aby odszedł z ich okolic.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 8:1-34

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking May Malubhang Sakit sa Balat

(Mar. 1:40-45; Luc. 5:12-16)

1Nang bumaba na si Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. 2Lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat8:2 malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang Griegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. at lumuhod sa harap niya, at sinabi, “Panginoon, kung gusto nʼyo po, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.” 3Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Gusto ko. Luminis ka!” Agad na gumaling ang kanyang sakit at luminis siya. 4At sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mo itong sasabihin kaninuman. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”

Pinagaling ni Jesus ang Utusan ng Kapitan

(Luc. 7:1-10)

5Nang dumating si Jesus sa bayan ng Capernaum, pumunta sa kanya ang isang kapitan ng hukbong Romano at nakiusap: 6“Panginoon, may sakit po ang aking utusan. Nakaratay siya sa bahay at nasa matinding paghihirap.” 7Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8Pero sumagot ang kapitan, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na puntahan nʼyo ang tahanan ko. Sabihin nʼyo na lang na gumaling siya, at gagaling na ang aking utusan. 9Alam ko ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may nasasakupan din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi kong, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kung ano pa ang iniuutos ko sa aking alipin, sinusunod niya.” 10Namangha si Jesus nang marinig niya ito. At sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya. 11Sinasabi ko rin sa inyo na maraming hindi Judio mula sa ibaʼt ibang dako ang kakaing kasama nina Abraham, Isaac, at Jacob sa handaan ng paghahari ng Dios. 12Ngunit maraming Judio, na paghaharian sana ng Dios, ang itatapon sa matinding kadiliman sa labas. At doon ay iiyak sila, at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”8:12 magngangalit ang kanilang mga ngipin: Maaaring dahil sa galit o hinagpis. 13At sinabi ni Jesus sa kapitan, “Umuwi ka na. Mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” At nang oras ding iyon ay gumaling ang utusan ng kapitan.

Maraming Pinagaling si Jesus

(Mar. 1:29-34; Luc. 4:38-41)

14Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro. Pagdating niya roon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. 15Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Jesus.

16Nang magtakip-silim na, maraming sinasaniban ng masasamang espiritu ang dinala ng mga tao kay Jesus. Sa isang salita lang, pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang mga may sakit. 17Ginawa niya ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

“Kinuha niya ang ating mga sakit

at inalis ang ating mga karamdaman.”8:17 Isa. 55:4.

Ang Pagsunod kay Jesus

(Luc. 9:57-62)

18Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa kanyang paligid, inutusan niya ang mga tagasunod niya na tumawid sa kabila ng lawa. 19May tagapagturo ng Kautusan na lumapit sa kanya at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan.” 20Pero sinagot siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon. Ngunit ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.” 21Isa pa sa mga tagasunod niya ang nagsabi, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama.”8:21 pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama: Maaaring ang ibig sabihin, uuwi muna siya habang hindi pa patay ang kanyang ama, at kapag namatay na at nailibing, susunod siya kay Jesus. 22Pero sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”

Pinatigil ni Jesus ang Malakas na Hangin at Alon

(Mar. 4:35-41; Luc. 8:22-25)

23Sumakay sa bangka si Jesus, at sumama ang mga tagasunod niya. 24At habang naglalayag sila, biglang lumakas ang hangin at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Natutulog noon si Jesus. 25Kaya nilapitan siya ng mga tagasunod niya at ginising, “Panginoon, iligtas nʼyo po kami! Malulunod na tayo!” 26Sumagot si Jesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang mga alon, at biglang kumalma ang tubig. 27Namangha ang mga tagasunod niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!”

Pinagaling ni Jesus ang Dalawang Lalaking Sinasaniban ng Masasamang Espiritu

(Mar. 5:1-20; Luc. 8:26-39)

28Nang dumating siya sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno,8:28 Gadareno: Sa ibang tekstong Griego, Geraseno o, Gergeseno. sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa mga kwebang libingan. Ang mga lalaking itoʼy sinasaniban ng masasamang espiritu. Napakababangis nila, kaya walang nakakadaan doon. 29Sumigaw sila kay Jesus, “Ano ang pakialam mo sa amin, ikaw na anak ng Dios? Pumunta ka ba rito para pahirapan kami nang wala pa sa takdang panahon?” 30Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain. 31Nakiusap ang masasamang espiritu sa kanya, “Kung palalayasin mo kami, payagan mo na lang kaming pumasok sa mga baboy na iyon.” 32Sinabi ni Jesus, “Sige, umalis kayo!” Kaya lumabas ang masasamang espiritu sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan ng baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

33Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita ang nangyari sa mga baboy at sa dalawang lalaking sinaniban ng masasamang espiritu. 34Kaya lumabas ang lahat ng tao sa bayan at pinuntahan si Jesus, at nakiusap sila na umalis siya sa lugar nila.