Mateusza 16 – SZ-PL & TCB

Słowo Życia

Mateusza 16:1-28

Żądanie znaku

1Pewnego dnia przyszli do Jezusa faryzeusze i saduceusze. Chcąc wystawić Go na próbę, poprosili, by pokazał im jakiś nadzwyczajny znak na niebie.

2—Gdy zapada wieczór—odparł Jezus—mówicie: Jutro będzie pogoda, bo niebo jest czerwone. 3A z rana mówicie: Niebo jest czerwone i zachmurzone, będzie burza. Trafnie prognozujecie pogodę po wyglądzie nieba, ale znaków czasu nie potraficie rozpoznać! 4To złe i niewierne Bogu pokolenie domaga się cudu. Ale nie zobaczy go—z wyjątkiem znaku proroka Jonasza.

I zostawił ich samych.

Ostrzeżenie przed faryzeuszami i saduceuszami

5Płynąc na drugi brzeg, uczniowie zorientowali się, że zapomnieli dokupić chleba.

6—Bądźcie ostrożni i wystrzegajcie się kwasu faryzeuszy i saduceuszy—ostrzegł ich Jezus.

7Ale oni mówili między sobą:

—No właśnie, zapomnieliśmy chleba.

8—Gdzie jest wasza wiara!—odezwał się Jezus, bo wiedział, o czym rozmawiają. —Czemu martwicie się o chleb? 9Niczego nie zrozumieliście? Czy nie pamiętacie tych pięciu tysięcy ludzi, których nakarmiłem pięcioma bochenkami chleba? Ile wtedy zebraliście resztek? 10A gdy siedmioma bochenkami nakarmiłem cztery tysiące ludzi, to ile jeszcze pozostało? 11Nie rozumiecie, że nie mówię o chlebie? Strzeżcie się kwasu faryzeuszy i saduceuszy.

12Wtedy dotarło do nich, że nie mówi o kwasie chlebowym, ale o nauce faryzeuszy i saduceuszy.

Wyznanie Piotra

13Po przybyciu na tereny Cezarei Filipowej Jezus zadał uczniom następujące pytanie:

—Za kogo Mnie, Syna Człowieczego, uważają ludzie?

14—Jedni sądzą, że jesteś Janem Chrzcicielem—odrzekli uczniowie—inni, że Eliaszem, jeszcze inni, że Jeremiaszem albo innym prorokiem.

15—A wy? Za kogo Mnie uważacie?—zapytał ich wprost.

16—Jesteś Mesjaszem, Synem żywego Boga—odpowiedział Szymon Piotr.

17—Szczęśliwy jesteś Szymonie, synu Jana—odrzekł mu Jezus—bo nie doszedłeś do tego ludzkim rozumowaniem, ale objawił ci to mój Ojciec w niebie. 18Dlatego mówię ci: Ty jesteś Piotr—skała—i na tej skale zbuduję mój Kościół. A bramy piekła nie powstrzymają go. 19I dam ci klucze do królestwa niebieskiego: Cokolwiek postanowisz na ziemi, będzie postanowione w niebie. A co rozstrzygniesz na ziemi, i będzie rozstrzygnięte w niebie!

20Nakazał jednak uczniom, by nikomu nie mówili, że jest Mesjaszem.

Jezus zapowiada swoją śmierć

21Od tego czasu Jezus zaczął wyraźnie mówić im, że musi pójść do Jerozolimy, że spotkają Go tam straszne cierpienia z rąk starszych, najwyższych kapłanów i przywódców religijnych, że zostanie zabity, ale że trzeciego dnia zmartwychwstanie. 22Wtedy Piotr wziął Go na bok i zaczął upominać:

—Ależ Panie! Nie może Cię to spotkać!

23—Precz, szatanie!—odrzekł Jezus, odwracając się. —Przeszkadzasz mi, bo patrzysz na to jedynie z ludzkiego punktu widzenia i nie jesteś w stanie zrozumieć Bożych planów.

Naśladowanie Jezusa

24Potem zwrócił się do uczniów:

—Jeśli ktoś chce Mnie naśladować, niech przestanie myśleć wyłącznie o sobie. Niech weźmie swój krzyż i idzie ze Mną. 25Jeśli ktoś chce wygrać życie, przegra je. Ale kto przegra życie ze względu na Mnie, naprawdę je wygra. 26Co z tego, że ktoś zdobędzie cały świat, jeśli po drodze zatraci życie? Czy dla człowieka istnieje coś cenniejszego niż on sam? 27Ja, Syn Człowieczy, powrócę tu z aniołami, otoczony chwałą Ojca, i wtedy osądzę każdego na podstawie jego czynów. 28Zapewniam was: Niektórzy z obecnych tu, jeszcze za swego życia zobaczą Mnie, Syna Człowieczego, nadchodzącego ze swoim królestwem.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 16:1-28

Humingi ng Himala ang mga Pariseo at Saduceo

(Mar. 8:11-13; Luc. 12:54-56)

1May mga Pariseo at Saduceo na lumapit kay Jesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng himala mula sa Dios16:1 mula sa Dios: sa literal, mula sa langit. bilang patunay na sugo siya ng Dios. 2Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’ 3At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, pero bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon? 4Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Dios! Humihingi kayo ng himala, pero walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang katulad ng nangyari kay Jonas.” Pagkatapos, umalis si Jesus.

Ang Babala ni Jesus tungkol sa Turo ng mga Pariseo at mga Saduceo

(Mar. 8:14-21)

5Tumawid ng lawa si Jesus at ang mga tagasunod niya, pero nakalimutan ng mga tagasunod na magbaon ng pagkain. 6Sinabi ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa16:6 pampaalsa: sa Ingles, “yeast.” ng mga Pariseo at mga Saduceo.” 7Nag-usap-usap ang mga tagasunod ni Jesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay. 8Pero alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay? Kay liit ng pananampalataya ninyo! 9Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang 5,000 tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang basket ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 10Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay para mapakain ang 4,000 tao, at kung ilang basket ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 11Hindi ba ninyo naiintindihan na hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at Saduceo?’ ” 12At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga aral ng mga Pariseo at Saduceo.

Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus

(Mar. 8:27-30; Luc. 9:18-21)

13Nang makarating si Jesus sa lupain ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang kanyang mga tagasunod, “Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin na Anak ng Tao?” 14Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo po si Juan na tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing kayo si Jeremias o isa sa mga propeta.” 15Tinanong sila ni Jesus, “Pero sa inyo, sino ako?” 16Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay.” 17Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Dios, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit. 18At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro,16:18 Pedro: Ang ibig sabihin, bato. at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya,16:18 iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.16:18 kapangyarihan ng kamatayan: sa literal, pintuan ng Hades. 19Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan16:19 kapangyarihan: sa literal, mga susi. sa kaharian ng Dios.16:19 Dios: sa literal, langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.” 20Pagkatapos nito, sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo.

Ang Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan

(Mar. 8:31–9:1; Luc. 9:22-27)

21Mula noon, ipinaalam na ni Jesus sa mga tagasunod niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Judio, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, pero sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay. 22Nang marinig ito ni Pedro, dinala niya si Jesus sa isang tabi at sinabihan, “Panginoon, huwag po sanang ipahintulot ng Dios. Hindi ito dapat mangyari sa inyo.” 23Hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi, “Lumayo ka sa akin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Dios, dahil hindi ayon sa kalooban ng Dios ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!”

24Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat handa siyang humarap kahit sa kamatayan16:24 dapat handa siyang humarap kahit sa kamatayan: sa literal, dapat pasanin niya ang kanyang krus. alang-alang sa pagsunod niya sa akin. 25Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26Ano ba ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? 27Sapagkat ako na Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. 28Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari.”