2 Koryntian 9 – SZ-PL & TCB

Słowo Życia

2 Koryntian 9:1-15

1Myślę, że nie muszę już wam więcej pisać o tej zbiórce darów. 2Wiem przecież, że sami chętnie w niej uczestniczycie. Pochwaliłem się nawet wierzącym z Macedonii, że kościoły z prowincji Azja są do niej gotowe już od roku. A wasz zapał udzielił się wielu innym. 3Wysłałem więc wspomnianych wierzących, aby się upewnić, że zebraliście już pieniądze. Cieszę się, iż nie pomyliłem się, tak bardzo was chwaląc! 4Byłoby bowiem nam wszystkim wstyd, gdyby wierzący z Macedonii przybyli ze mną do was i stwierdzili, że nie jesteście gotowi. 5Dlatego właśnie uznałem, że warto wcześniej wysłać do was Tytusa i innych, aby dopilnowali zapowiedzianych wcześniej przygotowań. Dzięki temu mieliście możliwość złożenia daru nie pod przymusem, ale z serca.

Bóg kocha tych, którzy dają z radością

6Kto mało sieje, mało zbiera. A kto wiele sieje, wiele też zbiera. 7Niech więc każdy w sercu postanowi, ile chce dać—bez żalu, ale też bez przymusu. Bóg kocha bowiem tych, którzy dają z radością. 8Co więcej—potrafi to hojnie wynagrodzić! On może dać wam wszystko, czego potrzebujecie, abyście wy z kolei mogli pomagać innym. 9Pismo mówi bowiem:

„Człowiek, który kocha Boga,

hojnie wspomaga biednych

i zawsze czyni to, co słuszne”.

10Bóg, daje rolnikom ziarno, a z ziarna—chleb. On rozmnoży również wasz dar i sprawi, że wasza prawość przyniesie dobry plon. 11On obdarzy was wszystkim, czego potrzebujecie, abyście nadal mogli być hojni wobec innych. My zaś będziemy dziękować Bogu za waszą postawę. 12Pomoc dla wierzących z Jerozolimy nie tylko bowiem zaspokaja ich materialne potrzeby, ale wzbudza w nich ogromną wdzięczność dla Boga. 13Otrzymawszy wasz dar, będą Go wielbić za to, że jesteście wierni dobrej nowinie Chrystusa i hojni wobec innych Jego wyznawców. 14Będą też gorąco modlić się za was, widząc, że doświadczyliście ogromnej łaski od Boga. 15Niech Bogu będą dzięki za Jego bezcenny dar!

Tagalog Contemporary Bible

2 Corinto 9:1-15

1Hindi ko na kinakailangang sumulat pa sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga pinabanal9:1 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 1:1. ng Dios sa Judea, 2dahil alam ko namang gustong-gusto ninyong tumulong. Ipinagmamalaki ko pa nga ito sa mga taga-Macedonia. Sinasabi ko sa kanila na mula pa noong nakaraang taon, kayong mga taga-Acaya ay handa ng magbigay ng tulong, at ito nga ang nagtulak sa karamihan sa kanila na magbigay din. 3Kaya nga pinauna ko na riyan sina Tito, para matiyak na handa na kayo sa inyong tulong gaya ng ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sa ganoon, hindi nila masasabi na walang kwenta ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo. 4Sapagkat kung dumating ako riyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo. 5Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin para habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.

6Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba. 9Gaya ng sinasabi sa Kasulatan,

“Namigay siya sa mga dukha;

kailanman ay hindi makakalimutan ang kanyang mabubuting gawa.”

10Ang Dios na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan para lalo pa kayong makatulong sa iba. 11Pasasaganain kayo ng Dios sa lahat ng bagay para lagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

12Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo tinutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya9:12 mga mananampalataya: sa Griego, hagios, tingnan ang “footnote” sa 8:4. na nasa Judea, kundi magiging dahilan din ito para marami ang magpasalamat sa Dios. 13Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Cristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Dios. 14Buong puso silang mananalangin para sa inyo dahil sa dakilang biyaya ng Dios na ipinamalas niya sa inyo. 15Pasalamatan natin ang Dios sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.