Skutky 10 – SNC & TCB

Slovo na cestu

Skutky 10:1-48

Petr a Kornélius

1V Césareji žil římský setník Kornélius, který sloužil u takzvaného Italského pluku. 2Tento voják s celou svojí rodinou uvěřil v jediného Boha. Podporoval chudé a pravidelně se modlíval. 3Při odpolední modlitbě, která se konala ve tři hodiny, uviděl, jak k němu přichází Boží posel, a uslyšel oslovení: „Kornélie!“ 4Setník na něj ustrašeně zíral a zeptal se: „Co tě ke mně přivádí, Pane?“ Anděl mu řekl: „Bůh slyší tvé modlitby a ví o tvé dobročinnosti. 5Pošli své sluhy do Joppe a pozvi k sobě Šimona zvaného Petr. 6Bydlí v domě koželuha Šimona u moře. Petr ti poví, co máš dělat.“ 7Potom anděl odešel. Kornélius si hned zavolal dva ze svých sluhů a jednoho oddaného vojáka ze své stráže. 8Vysvětlil jim, co se stalo, a poslal je do Joppe.

9Druhého dne v poledne, když se Kornéliovi poslové blížili k městu, byl Petr na ploché střeše domu, aby se tu mohl v klidu modlit. 10Dostal velký hlad, a zatímco mu připravovali jídlo, spatřil zvláštní vidění. 11Jako by se nebe otevřelo a někdo k němu spouštěl plachtu uvázanou za čtyři rohy. 12V té plachtě byla všelijaká zvířata, čtvernožci, plazi i ptáci. 13Vtom uslyšel hlas: „Vstaň, Petře, zabíjej a jez!“ 14Petr odpověděl: „Kdepak, Pane, zásadně nejím, co je podle tvého zákona nečisté.“ 15Ale hlas se ozval znovu: „Neodtahuj se od toho, co Bůh pokládá za čisté!“ 16Tak se to opakovalo třikrát a nakonec byla plachta vytažena do nebe. 17Petr byl zaražený tím viděním a přemýšlel, co mu to má říci. Kornéliovi poslové mezitím nalezli dům Šimona koželuha a stáli před vraty. 18Dotazovali se, zda tam bydlí Šimon zvaný též Petr.

19Petrovi, který ještě přemýšlel o tom vidění, ujasnil Boží Duch: „Ti muži, co tě hledají, jsou sice pohané, 20ale ty sejdi dolů a bez rozpaků se vyprav s nimi. Já jsem je k tobě poslal.“ 21Petr tedy sestoupil dolů a řekl jim: „To jsem já, koho hledáte. Proč jste přišli?“ 22Odpověděli: „Posílá nás římský setník Kornélius, spravedlivý muž, který ctí Boha a má dobrou pověst mezi všemi Izraelci. Zjevil se mu totiž anděl a dal mu pokyn, aby tě pozval do svého domu a vyslechl tvoje poselství.“ 23Petr uvedl ty muže dovnitř a oni u něho přenocovali.

24Nazítří se Petr s několika bratřími z Joppe vypravil s nimi. Dalšího dne dorazili do Césareje, kde už je očekával Kornélius. K setkání s Petrem sezval své příbuzné a dobré přátele. 25Když Petr vcházel do jeho domu, Kornélius mu vyšel naproti, klekl si před ním a hluboce se mu poklonil. 26Petr ho však pozvedl se slovy: „Vstaň, já jsem také jen člověk.“ 27A v přátelském rozhovoru šli spolu dovnitř, kde Petr uviděl to shromáždění. 28Oslovil je: „Vy jistě víte, že jako žid bych sem neměl chodit a že máme zakázáno přátelit se s lidmi jiného původu. Ale Bůh mi ukázal, že nemám žádného člověka považovat za poskvrněného nebo nečistého. 29Poslechl jsem proto bez rozpaků vašeho pozvání a tady mě máte. Jen chci vědět, proč jste mě pozvali.“

30Kornélius vysvětloval: „Před třemi dny jsem držel půst až do tří hodin a pak jsem se tady doma modlil. Najednou přede mnou stál muž v běloskvoucím rouchu 31a oslovil mne: ‚Kornélie, Bůh slyší tvé modlitby a ví o tvé dobročinnosti. 32Pošli do Joppe a pozvi k sobě Šimona řečeného Petr. Bydlí u moře v domě koželuha Šimona. Má pro tebe důležité zprávy.‘ 33Tak jsem tedy pro tebe hned poslal a jsem rád, žes mi vyhověl. Všichni, co jsme tady, věříme v jediného Boha a tvá slova přijmeme jako jeho vzkaz.“

Petr káže v Kornéliově domě

34Petr k nim promluvil: „Teď jsem tedy přesvědčen, že Bůh nedělá mezi lidmi rozdílu 35a že je mu milý člověk z kteréhokoliv národa, když ho ctí a jedná správně. 36Izraelcům svěřil své poselství, radostnou zprávu, že nastává věk smíření ve jménu Ježíše Krista, Pána všech. 37Snad už víte, jaké události začaly v Galileji a pak se rozšířily i do Judska. Nejprve Jan hlásal pokání a křtil.

38Potom Ježíše z Nazaretu vybavil Bůh zvláštní mocí a svatým Duchem. Všude, kam přišel, pomáhal a uzdravoval všechny, které sužoval ďábel. Bůh se k němu přiznával 39a my můžeme dosvědčit jeho činy v zemi Židů i v Jeruzalémě. A přesto ho tam popravili na kříži! 40Bůh však Ježíše třetího dne vzkřísil a my jsme se s ním opět setkávali. 41Neukázal se všem lidem, ale jenom nám, které si vybral za svědky zmrtvýchvstání. Dokonce jsme s ním po jeho vzkříšení jedli a pili. 42Dostali jsme příkaz, abychom všem hlásali a dosvědčovali, že toho Ježíše Bůh ustanovil soudcem nad živými i mrtvými. 43Na něho se vztahují sliby, které vyřizovali proroci: každému, kdo v něho uvěří, odpustí Bůh hříchy.“

Bůh přijímá a obdarovává každého

44Petr ještě nedomluvil a Duch svatý již sestoupil na všechny posluchače. 45Petrovi průvodci, kteří byli židé obráceni ke Kristu, žasli, že dar Ducha svatého dostávají nyní i lidé pohanského původu. 46Vždyť je slyšeli, jak mluví zvláštními jazyky a chválí Boha. Petr jim řekl: 47„Copak jim můžeme odepřít křest, když jim Bůh dal svého Ducha jako nám?“ 48A dal pokyn, aby noví věřící byli pokřtěni ve jméno Ježíše Krista. Na jejich prosbu tam pak ještě několik dní zůstal.

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 10:1-48

Ang Pagtawag ni Cornelius kay Pedro

1Doon sa Cesarea ay may isang lalaking ang pangalan ay Cornelius. Siyaʼy isang kapitan ng batalyon ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyong Italyano. 2Siya at ang kanyang buong pamilya ay may takot sa Dios. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Judio, at palagi siyang nananalangin sa Dios. 3Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Kitang-kita niya ang isang anghel ng Dios na pumasok at tinawag siya, “Cornelius!” 4Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ang kailangan nʼyo?” Sumagot ang anghel, “Pinakinggan ng Dios ang iyong mga panalangin at natutuwa siya sa pagtulong mo sa mga mahihirap. Kaya inaalala ka ng Dios. 5Ngayon, magsugo ka ng mga tao sa Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro. 6Doon siya nakatira kay Simon na mangungulti ng balat.10:6 mangungulti ng balat: sa Ingles, tanner. Ang bahay niya ay nasa tabi ng dagat.” 7Nang makaalis na ang anghel, tinawag ni Cornelius ang dalawa niyang utusan at ang isang sundalong makadios na madalas niyang inuutusan. 8Ikinuwento ni Cornelius sa kanila ang lahat ng nangyari, at pagkatapos ay inutusan niya silang pumunta sa Jopa.

9Kinabukasan, nang malapit na sila sa bayan ng Jopa, umakyat si Pedro sa bubong ng bahay10:9 Ang kanilang mga bubong noon ay pantay, at minsan doon sila nagpapahinga. para manalangin. Tanghaling-tapat noon 10at gutom na si Pedro, kaya gusto na niyang kumain. Pero habang inihahanda ang pagkain, may ipinakita sa kanya ang Dios. 11Nakita niyang bumukas ang langit at may bumababang parang malapad na kumot na may tali sa apat na sulok nito. 12At sa kumot na ito, nakita niya ang lahat ng uri ng hayop – ang mga lumalakad, gumagapang, at mga lumilipad. 13Pagkatapos, may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.” 14Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil hindi po talaga ako kumakain ng mga hayop na itinuturing na marumi at ipinagbabawal kainin.” 15Muling sinabi ng tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang kahit anong bagay na nilinis na ng Dios.” 16Tatlong ulit itong nangyari, at pagkatapos, hinila agad ang bagay na iyon pataas.

17Habang naguguluhan si Pedro at iniisip kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya, dumating naman sa lugar na iyon ang mga taong inutusan ni Cornelius. Nang malaman nila kung saan ang bahay ni Simon, pumunta sila roon. At pagdating nila sa pinto ng bakod, 18tumawag sila at nagtanong kung doon ba nanunuluyan si Simon na tinatawag na Pedro. 19Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanya, “May tatlong taong naghahanap sa iyo. 20Tumayo ka at bumaba. Huwag kang mag-alinlangang sumama sa kanila, dahil ako ang nag-utos sa kanila.” 21Bumaba si Pedro at sinabi sa mga tao, “Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang kailangan ninyo sa akin?” 22Sumagot sila, “Inutusan kami rito ni Kapitan Cornelius. Mabuti siyang tao at sumasamba sa Dios. Iginagalang siya ng lahat ng Judio. Sinabihan siya ng anghel ng Dios na imbitahan ka sa kanyang bahay para marinig niya kung ano ang iyong sasabihin.” 23Pinapasok sila ni Pedro, at doon sila natulog nang gabing iyon.

Kinabukasan, sumama si Pedro sa kanila, kasama ang ilang kapatid na taga-Jopa. 24Dumating sila sa Cesarea pagkaraan ng isang araw. Naghihintay sa kanila si Cornelius at ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan na inimbitahan niyang dumalo. 25Nang dumating si Pedro, sinalubong siya ni Cornelius at lumuhod para sambahin siya. 26Pero pinatayo siya ni Pedro at sinabi, “Tumayo ka, dahil akoʼy tao ring katulad mo.” 27At patuloy ang kanilang pag-uusap habang papasok sila sa bahay. Sa loob ng bahay, nakita ni Pedro na maraming tao ang nagkakatipon doon. 28Nagsalita si Pedro sa kanila, “Alam ninyo na kaming mga Judio ay pinagbabawalan ng aming relihiyon na dumalaw o makisama sa mga hindi Judio. Pero ipinaliwanag sa akin ng Dios na hindi ko dapat ituring na marumi ang sinuman. 29Kaya nang ipasundo ninyo ako, hindi ako nag-atubiling sumama. Kaya gusto ko ngayong malaman kung bakit ipinatawag ninyo ako.”

30Sumagot si Cornelius, “Tatlong araw na ngayon ang lumipas nang nananalangin ako rito sa bahay, at ganito ring oras, mga alas tres ng hapon. Habang nananalangin ako, biglang nagpakita sa akin ang isang taong may damit na nakakasilaw. 31Sinabi niya sa akin, ‘Cornelius, dininig ng Dios ang iyong panalangin at hindi niya nakalimutan ang pagtulong mo sa mga mahihirap. 32Magsugo ka ngayon ng mga tao sa Jopa at ipasundo si Simon na tinatawag na Pedro. Doon siya nakatira sa bahay ni Simon na mangungulti ng balat. Ang kanyang bahay ay sa tabi ng dagat.’ 33Kaya ipinatawag kita agad. Salamat naman at dumating ka. At ngayon, narito kami sa presensya ng Dios para pakinggan ang ipinapasabi sa inyo ng Panginoon.”

Nangaral si Pedro sa Bahay ni Cornelius

34Kaya nagsalita si Pedro, “Ngayon alam ko nang walang pinapaboran ang Dios. 35Kung ang tao ay may takot sa Dios at tama ang kanyang ginagawa, kahit ano ang lahi niyaʼy tatanggapin siya ng Dios. 36Narinig ninyo ang Magandang Balita na ipinahayag ng Dios sa aming mga Israelita, na ang taoʼy magkakaroon na ng magandang relasyon sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo na siyang Panginoon ng lahat. 37-38Alam din ninyo ang mga nangyari sa buong Judea tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Nagsimula ito sa Galilea matapos mangaral ni Juan tungkol sa bautismo. Binigyan ng Dios si Jesus ng Banal na Espiritu at kapangyarihan. At dahil kasama niya ang Dios, pumunta siya sa ibaʼt ibang lugar at gumawa ng kabutihan. Pinagaling niya ang lahat ng sinaniban at pinahirapan ng diyablo. 39Kami mismo ay makakapagpatotoo sa lahat ng ginawa niya, dahil nakita namin ito sa Jerusalem at sa iba pang mga bayan ng mga Judio. Pinatay siya ng mga Judio sa pamamagitan ng pagpako sa krus. 40Pero muli siyang binuhay ng Dios sa ikatlong araw at nagpakita sa amin na siyaʼy buhay. 41Hindi siya nagpakita sa lahat kundi sa amin lamang na mga pinili ng Dios na maging saksi para ipamalita sa iba ang tungkol sa kanya. Nakasama pa nga namin siyang kumain at uminom pagkatapos na siyaʼy muling nabuhay. 42Inutusan niya kaming mangaral ng Magandang Balita sa mga tao at magpatotoo na siya ang tunay na pinili ng Dios na maging tagahatol ng mga buhay at ng mga patay. 43Si Jesu-Cristo ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Dumating ang Banal na Espiritu sa mga Hindi Judio

44Habang nagsasalita pa si Pedro, napuspos ng Banal na Espiritu ang lahat ng nakikinig. 45Ang mga mananampalatayang Judio na sumama kay Pedro mula sa Jopa ay namangha dahil ipinagkaloob din ng Dios ang Banal na Espiritu sa mga hindi Judio. 46Dahil narinig nilang nagsasalita sila ng ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan at nagpupuri sila sa Dios. Kaya sinabi ni Pedro, 47“Natanggap na nila ang Banal na Espiritu tulad natin kahit hindi sila mga Judio. Kaya wala nang makakapigil sa kanila para bautismuhan sila sa tubig.” 48At iniutos ni Pedro na bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkatapos noon, pinakiusapan nila si Pedro na manatili muna sa kanila ng ilang araw.