Matouš 15 – SNC & TCB

Slovo na cestu

Matouš 15:1-39

Ježíš mluví o skryté čistotě

1Farizejové a učitelé zákona z Jeruzaléma přišli za Ježíšem s otázkou: 2„Proč tvoji žáci nedodržují staré židovské tradice? Vždyť ignorují i obřadní mytí rukou před jídlem!“ 3Ježíš jim na to odpověděl: „Proč vy pro své tradice porušujete Boží přikázání? 4Například – Boží příkaz zní: ‚Cti otce i matku; a kdo potupí otce nebo matku, ať zemře.‘ 5-6Ale vy říkáte: ‚Jestliže odkážeš svůj majetek druhému, nesmíš už z něho podporovat své rodiče, i když mají nedostatek.‘ Tak jste svými ustanoveními zrušili přímý Boží příkaz. 7Chytráci! I na vás se vztahují slova proroka Izajáše:

8‚Tento lid říká, že mne ctí,

ale jejich srdce je ode mne daleko.

9Jejich uctívání je bezcenné,

protože vyučují svým vlastním zákonům

místo Božím.‘ “

10Pak kolem sebe shromáždil lid a řekl: „Poslouchejte, co vám říkám, a snažte se porozumět: 11Vaše nitro nešpiní to, co vchází do úst, ale co z nich vychází.“

12Učedníci mu pak řekli: „Víš, že se farizejové urazili, když tě slyšeli?“ 13On odpověděl: „S příkazy je to jako s rostlinami. Co nezasel můj Otec, je plevel a podle toho s tím bude naloženo. 14Nechte je! Jsou to slepí vůdcové slepých. Když slepý povede slepého, oba spadnou do jámy.“

15Petr se Ježíše zeptal: „Jak’s to myslel s tím, co nás špiní?“

16Ježíš se podivil: „Ani vy tomu nerozumíte? 17Nechápete, že všechno, co jíme, prochází vnitřnostmi a vychází z těla? 18Ale zlá slova vznikají ve zlém srdci, a tak špiní člověka. 19Ze srdce vycházejí špatné myšlenky na vraždu, nevěru, necudnost, krádež, lež a pomluvy. 20To jsou věci, které člověka zbavují vnitřní čistoty. Ale jíst nemytýma rukama, to člověka nepošpiní.“

Ježíš vyhání démona z dívky

21Ježíš odešel do týrského a sidónského kraje. 22Jedna obyvatelka těchto pohanských končin za ním přišla a prosila: „Slituj se nade mnou, Pane, ty očekávaný Králi! Moje dcera je posedlá démonem a velmi trpí!“ 23Ale on na to nic neříkal.

Jeho učedníci na něho naléhali: „Udělej s ní něco, vždyť za námi stále volá!“ 24Tu se obrátil k té ženě a řekl jí: „Byl jsem poslán pomoci židům a ne pohanům.“

25Ale ona přišla až k němu, klaněla se mu a prosila: „Pane, pomoz mi!“

26„Není správné brát chléb dětem a házet ho štěňatům!“ řekl. 27Ona odpověděla: „Máš pravdu, ale štěňata dostávají zbytky ze stolů svých pánů.“

28„Ženo,“ řekl jí Ježíš, „máš velikou víru, tvoje přání je splněno!“ A od té chvíle byla její dcera zdravá.

Zástup se podivuje Ježíšovu uzdravování

29Pak se Ježíš vrátil a vystoupil na pahorek u jezera. 30Spousta lidí se k němu začala scházet a měli s sebou chromé, zmrzačené, slepé, němé a jinak postižené. Pokládali je před něj a on je uzdravoval. 31Jaký div! Němí mluví, chromí chodí, zmrzačení jsou zdrávi a slepí vidí. Okolostojící nad tím žasli a vzdávali díky Bohu.

Ježíš sytí čtyři tisíce

32Ježíš zavolal svoje učedníky a řekl jim: „Je mi těch lidí líto, vždyť tu jsou se mnou tři dny a nemají už nic k jídlu. Nechci je nechat odejít hladové, vždyť by ani nedošli domů!“

33Učedníci odpověděli: „Kde v takové pustině vezmeme chléb pro tolik lidí?“

34„Kolik jídla máte s sebou?“ zeptal se Ježíš.

„Sedm chlebů a několik ryb,“ odpověděli učedníci.

35Ježíš rozkázal, aby se shromáždění lidé usadili. 36Vzal těch sedm chlebů a ryby, poděkoval za ně Bohu; pak je lámal a dával učedníkům a ti je rozdávali shromážděným. 37-38Najedlo se tam dosyta čtyři tisíce mužů kromě žen a dětí – a ještě sebrali sedm košíků zbytků. 39Pak se Ježíš s nimi rozloučil, vstoupil do člunu a přeplul do Magdalské krajiny.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 15:1-39

Ang tungkol sa mga Tradisyon

(Mar. 7:1-13)

1Pagkatapos noon, lumapit kay Jesus ang ilang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem. Tinanong nila si Jesus, 2“Bakit nilalabag ng mga tagasunod mo ang tradisyon ng ating mga ninuno? Hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” 3Sumagot si Jesus sa kanila, “At kayo, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon? 4Halimbawa, sinabi ng Dios, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’15:4 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at ‘Ang lumapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’15:4 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 5Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Dios, 6hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon. 7Mga pakitang-tao! Tamang-tama ang sinabi ng Dios tungkol sa inyo sa pamamagitan ni Isaias:

8‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila,

ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.

9Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,

sapagkat ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.’ ”15:9 Isa. 29:13.

Ang Nagpaparumi sa Tao

(Mar. 7:14-23)

10Tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayo at unawain ang sasabihin ko. 11Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga lumalabas dito.”

12Lumapit ngayon ang mga tagasunod niya at sinabi, “Alam nʼyo po ba na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?” 13Sumagot siya, “Lahat ng halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit ay bubunutin. 14Hayaan ninyo sila. Mga bulag silang tagaakay. Kung ang bulag ang aakay sa kapwa niya bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.” 15Sumagot si Pedro, “Pakipaliwanag nʼyo po sa amin ang paghahalintulad na sinabi nʼyo kanina.” 16Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi pa rin ba ninyo naintindihan? 17Hindi ba ninyo alam na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at idinudumi? 18Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Dios. 19Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa. 20Ang mga bagay na ito ang nagpaparumi sa isang tao. Ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

Ang Pananampalataya ng Babaeng Hindi Judio

(Mar. 7:24-30)

21Umalis si Jesus mula roon at pumunta sa mga lugar na malapit sa Tyre at Sidon. 22May isang Cananea na naninirahan doon. Lumapit siya kay Jesus at nagmakaawa. Sinabi niya, “Panginoon, Anak ni David,15:22 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Judio sa Mesias o Cristo dahil sa paniniwalang siyaʼy mula sa angkan ni David. maawa kayo sa akin. Ang anak kong babae ay sinasaniban at lubhang pinahihirapan ng masamang espiritu.” 23Pero hindi sumagot si Jesus. Kaya lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang babaeng iyan, dahil sunod siya nang sunod sa atin at nag-iingay.” 24Sinabi ni Jesus sa babae, “Sinugo ako para lang sa mga Israelita na parang mga tupang naliligaw.” 25Pero lumapit pa ang babae kay Jesus at lumuhod sa harap niya, at sinabi, “Panginoon, tulungan nʼyo po ako.” 26Sinagot siya ni Jesus sa pamamagitan ng isang kasabihan, “Hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.” 27Sumagot naman ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, pero kahit mga aso ay kumakain ng mga tirang nahuhulog mula sa mesa ng kanilang amo.” 28At sinabi sa kanya ni Jesus, “Napakalaki ng pananampalataya mo! Mangyayari ang ayon sa hinihiling mo.” At nang sandaling iyon ay gumaling ang anak ng babae.

Maraming Pinagaling si Jesus

29Mula roon, pumunta si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Pagkatapos, umakyat siya sa bundok at naupo roon. 30Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, komang, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Jesus at pinagaling niya silang lahat. 31Namangha nang husto ang mga tao nang makita nilang nakakapagsalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga komang, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kaya pinuri nila ang Dios ng Israel.

Ang Pagpapakain sa Apat na Libo

(Mar. 8:1-10)

32Tinawag ni Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong pauwiin sila nang gutom at baka mahilo sila sa daan.” 33Sumagot ang mga tagasunod niya, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?” 34Tinanong sila ni Jesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.” 35Pinaupo ni Jesus ang mga tao. 36Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang pagkain at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ipinamigay naman nila ito sa mga tao. 37Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang mga natirang pagkain at nakapuno sila ng pitong basket. 38Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga 4,000 maliban pa sa mga babae at mga bata.

39Matapos pauwiin ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa lupain ng Magadan.