Marek 13 – SNC & TCB

Slovo na cestu

Marek 13:1-37

Ježíš vypráví o budoucnosti

1Když vycházel z chrámu, řekl mu jeden z jeho učedníků: „Podívej, Mistře, z jakých mohutných kvádrů je chrám vystavěn. Není to krása?“

2„Z téhle krásy,“ zachmuřil se Ježíš, „nezbude nic než rozvaliny. Vše bude rozbořeno.“

3Vyhledal tiché místo na svahu Olivové hory, odkud byl výhled na chrám. Petr, Jakub, Jan a Ondřej se ho ptali, 4kdy ta pohroma nastane a jaké varování ji bude předcházet.

5Ježíš začal hovořit: „Dejte si pozor, aby vás někdo neoklamal. 6Mnozí přijdou a budou tvrdit, že oni spasí svět. A řadu lidí zmatou. 7Na mnohých místech vzplanou války a nepokoje. Neděste se, to bude znamení konce, ale ještě ne konec světa.

8Znepřátelí se národ s národem, stát se státem. Na různých místech budou zemětřesení, nastane hlad. Ale to bude jen počátek porodních bolestí nového věku.

9Nedejte se překvapit. Budou vás vláčet před soudy, bičovat v synagogách, předvedou vás před vlády a krále, protože jste moji následovníci. A to bude vaše příležitost, abyste jim svědčili, že já jsem přišel zachránit svět. 10Dříve, než nastane konec světa, musí se o mně dozvědět lidé všech národů. 11Až vás budou vyslýchat, nestarejte se předem, jak budete odpovídat. Duch svatý vám dá pravá slova.

12Bude to těžká doba; bratr vydá na smrt svého bratra, otec syna. Děti se postaví proti rodičům a zničí je. 13A vy? Vás budou všichni nenávidět, protože jste mi oddáni. Ale kdo se mne přes všechno nezřekne, bude spasen.

14To, co se odehraje zde v Jeruzalémě, bude obrazem událostí na konci světa. Až bude chrám znesvěcen, nečekejte na nic a utečte do hor. 15Budete-li na schodišti, už se nevracejte do domu, abyste si něco vzali s sebou. 16Budete-li pracovat na poli, nechoďte se domů převléknout.

17Zle bude v těchto dnech těhotným ženám a kojícím matkám. 18Proste Boha, abyste nemuseli utíkat v zimě. 19Také na konci věků budou strašné doby, jaké tu od stvoření světa nebyly. 20Kdyby Bůh ty dny nezkrátil, žádný člověk by nebyl zachráněn. Ale zkrátí je pro záchranu svých vyvolených.

Ježíš mluví o svém návratu

21A když vám někdo řekne: Hleďte, tenhle je spasitel nebo tamten – nevěřte! 22Ukáže se mnoho falešných spasitelů a lživých proroků a budou dělat lecjaké zázraky ve snaze obelstít všechny, kteří patří Bohu – kdyby to bylo možné. 23Předem vás varuji, dejte si na ně pozor.

24Po těchto útrapách se slunce zatmí, měsíc přestane svítit, 25hvězdy budou padat a zákony vesmíru budou otřeseny.

26A pak uvidíte mne – skutečného Spasitele, jak přicházím v oblacích s mocí a slávou. 27Vyšlu své posly, aby shromáždili moje vyvolené ze všech koutů světa.

28Posuzujte znamení té doby, jako pozorujete ovocné stromy: Nejprve raší listí, pak stromy nasazují na květ a potom na ovoce; tehdy víte, že brzo přijde sklizeň. 29Až se stanou ty věci, o kterých jsem hovořil, vězte, že konec je blízko, přede dveřmi.

30Již vaše generace se přesvědčí o pravdivosti mých slov. 31Nebe a země zaniknou, ale má slova nepozbudou platnosti.

Ježíš vyzývá k bdělosti

32Dnes nikdo, ani andělé, ani já, neznáme den a hodinu, kdy se to má stát; jen můj Otec to ví přesně. 33A protože to ani vy nemůžete vědět, buďte bdělí. Čekejte na mne.

34Můj příchod bude jako návrat muže, který odcestoval do ciziny. Svým zaměstnancům uložil práci, kterou mají zatím vykonávat, a vrátnému poručil, aby bděl.

35Buďte ostražití! Vždyť nevíte, kdy se mám vrátit. Může to být večer, v noci, za svítání nebo i za bílého dne. 36Nerad bych vás našel spící. Očekávejte můj návrat. 37Říkám vám i všem po vás: Bděte!“

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 13:1-37

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo

(Mat. 24:1-2; Luc. 21:5-6)

1Nang paalis na sina Jesus sa templo, sinabi ng isa sa mga tagasunod niya, “Guro, tingnan nʼyo po ang templo. Kay laki ng mga ginamit na bato at napakaganda ng pagkakagawa.” 2Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang templong ito na nakikita ninyo ngayon, na gawa sa malalaking bato, ay siguradong magigiba at walang maiiwang magkapatong na bato!”

Mga Paghihirap at Pag-uusig na Darating

(Mat. 24:3-14; Luc. 21:7-19)

3Habang nakaupo si Jesus sa isang lugar sa Bundok ng mga Olibo na nakaharap sa templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres, 4“Sabihin ninyo sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan kung malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”

5Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag palilinlang kaninuman. 6Sapagkat marami ang darating at magsasabi na sila ang Cristo,13:6 at magsasabi na sila ang Cristo: sa literal, sa pangalan ko na nagsasabi, “Ako nga.” at marami ang ililigaw nila. 7Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan malapit sa inyo, at nakabalitang may digmaan din sa malayo, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga iyan, ngunit hindi pa ito ang katapusan. 8Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.

9“Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sambahan ng mga Judio. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon nʼyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin. 10Dapat munang maipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng bansa, bago dumating ang katapusan. 11Kapag dinakip kayo at iniharap sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinapasabi ng Banal na Espiritu sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo. 12Sa panahong iyon, may mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para patayin. Ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak, at ang mga anak sa kanilang mga magulang. 13Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.”

Ang Kasuklam-suklam na Darating

(Mat. 24:15-28; Luc. 21:20-24)

14“Makikita ninyo ang kasuklam-suklam na darating na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo, at nakatayo ito sa lugar na hindi dapat kalagyan nito.” (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) “Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan. 15Ang nasa labas ng bahay13:15 labas ng bahay: sa literal, bubungan. ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman. 16Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit. 17Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. 18Idalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng taglamig. 19Sapagkat sa panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng mga paghihirap na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Dios ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan. 20Kung hindi paiikliin13:20 paiikliin: o, pinaikli. ng Panginoon ang panahong iyon, walang matitirang buhay. Ngunit alang-alang sa kanyang mga pinili, paiikliin niya ang panahong iyon.

21“Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 22Sapagkat lilitaw ang mga di tunay na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Dios. 23Kaya mag-ingat kayo! Binabalaan ko na kayo habang hindi pa nangyayari ang mga ito.”

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mat. 24:29-31; Luc. 21:25-28)

24“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, 25at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay13:25 mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan. sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas. 26At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap na taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27Ipapadala ko ang aking mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang aking mga pinili.”

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

(Mat. 24:32-35; Luc. 21:29-33)

28“Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init. 29Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong dumating. 30Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito.

31“Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.”13:31 mananatili magpakailanman: Ang ibig sabihin, tiyak na matutupad.

Walang Taong Nakakaalam Kung Kailan Babalik si Jesus

(Mat. 24:36-44)

32“Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 33Kaya mag-ingat kayo at laging magbantay, dahil hindi ninyo alam kung kailan ako darating. 34Maaari natin itong ihambing sa isang taong papunta sa malayong lugar. Bago siya umalis ng bahay ay binigyan niya ng kanya-kanyang gawain ang bawat alipin at saka binilinan ang guwardya sa pintuan na maging handa sa kanyang pagdating. 35Kaya maging handa kayo, dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang may-ari ng bahay; maaaring sa hapon o sa hatinggabi, sa madaling-araw o sa umaga. 36Baka bigla siyang dumating at datnan kayong natutulog. 37Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko rin sa lahat: Maging handa kayo!”