2. Korintským 3 – SNC & TCB

Slovo na cestu

2. Korintským 3:1-18

Boží nová smlouva

1Že se zase stále oháníme svou důvěryhodností? Máme snad zapotřebí o vaši důvěru se teprve ucházet, či si na ni od vás objednávat vysvědčení? 2-3Naším nejlepším vysvědčením jste přece vy sami! Inkoust a papír mohou lhát, ale jak změnil Kristus vaše životy, to může každý vidět na vlastní oči. Vy jste Kristův dopis, který jsem psal ne perem, ale Božím Duchem; ne na papír, ale na živá lidská srdce.

4Neužíval bych sám o sobě tak velkých slov, kdybych si nebyl jist, že to všechno působí sám Bůh prostřednictvím Ježíše Krista. 5Ponecháni jen svým vlastním schopnostem nedokázali bychom vůbec nic. Má-li naše práce přece nějaké výsledky, je to působením Boží moci. 6Bůh nás učinil hlasateli nové smlouvy, kterou s člověkem uzavírá pro jeho záchranu. Tato smlouva není založena na liteře, ale na Duchu. Litera zabíjí, ale Duch dává život.

7Když Mojžíš předával izraelskému národu Boží zákony vytesané do kamenných desek, zářil odlesk Boží slávy na jeho tváři tak silně, že oči všech přítomných byly oslněny; a to šlo o zákony, které za neposlušnost přisuzovaly smrt. 8Oč slavnější je smlouva, v níž Bůh nyní daruje člověku nový život prostřednictvím svého Ducha. 9Jestliže vyhlášení zákonů, které odsuzovaly, bylo provázeno takovým leskem, kolik slávy teprve musí být spojeno s tímto darem života? 10Proti tomu ani Mojžíšova svatozář není vůbec nic! 11Když už to, co bylo jen pomíjející, tak oslňovalo, oč velkolepější bude teprve to trvalé.

Zákon bez Krista nedává smysl

12Protože víme, že tato Boží sláva nepodléhá zubu času, můžeme vystupovat s jistotou a otevřeností. 13Mojžíš si před lidmi zahaloval obličej, aby si nevšimli, jak jeho záře postupně vybledává; toho se my bát nemusíme. Mojžíšův národ byl však postižen ještě jinou slepotou: 14dodnes, kdykoliv se v synagogách čte Starý zákon, zůstává mu jeho pravý smysl zahalen. Lidé nepochopí pravý smysl Starého zákona, dokud jim ho neodhalí Kristus. 15A tak jsou dosud přesvědčeni, že jen podle Mojžíšova návodu získají věčný život.

16Kdo se však ze své duchovní bídy obrátí k Pánu, tomu se otevřou oči. 17Pán je Duch, a kde je Duch Páně, tam člověk již není otrokem zákona. 18V naší nezakryté tváři se odráží Boží sláva jako v zrcadle; sami se tak postupně stáváme jeho obrazem čím dál věrnějším a krásnějším, jak nás jeho Duch mění a přetváří.

Tagalog Contemporary Bible

2 Corinto 3:1-18

1Baka sabihin ninyong pinupuri na naman namin ang aming mga sarili. Hindi kami katulad ng iba riyan na kailangan ang rekomendasyon para tanggapin ninyo, at pagkatapos hihingi naman ng rekomendasyon mula sa inyo para tanggapin din sa ibang lugar. 2Hindi na namin kailangan ito dahil kayo na mismo ang aming rekomendasyon na nakasulat sa aming puso. Sapagkat ang pamumuhay ninyo ay parang sulat na nakikita at nababasa ng lahat. 3Malinaw na ang buhay ninyo ay parang isang sulat mula kay Cristo na isinulat sa pamamagitan namin. At hindi tinta ang ginamit sa sulat na ito kundi ang Espiritu ng Dios na buhay. At hindi rin ito isinulat sa malapad na mga bato, kundi sa puso ng mga tao.

4Nasasabi namin ang mga ito dahil sa mga ginagawa ni Cristo sa pamamagitan namin at dahil sa aming pagtitiwala sa Dios. 5Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Dios. 6Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahan para maipahayag namin ang kanyang bagong pamamaraan para mailapit ang mga tao sa kanya. At ang bagong pamamaraan na ito ay hindi ayon sa isinulat na Kautusan kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.

7Noong ibinigay ng Dios kay Moises ang Kautusan na nakasulat sa malapad na mga bato, hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila. Ngunit ang ningning na iyon sa kanyang mukha ay unti-unti ring nawala. Ngayon, kung nagpakita ang Dios ng kanyang kapangyarihan sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, 8higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan kung kikilos na ang Espiritu. 9Kung nagpakita ang Dios ng kapangyarihan niya sa pamamagitan ng Kautusan na nagdudulot ng hatol na kamatayan, higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan sa pagpapawalang-sala sa mga tao. 10Ang totoo, balewala ang kapangyarihan ng Kautusan kung ihahambing sa kapangyarihan ng bagong pamamaraan ng Dios. 11Kung may kapangyarihang ipinakita ang Dios sa pamamagitan ng Kautusan na lumilipas, higit pa ang kapangyarihang ipinapakita niya sa bagong pamamaraang ito na nananatili magpakailanman.

12At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Dios. 13Hindi kami tulad ni Moises na nagtakip ng mukha para hindi makita ng mga Israelita ang liwanag sa kanyang mukha na unti-unting nawawala. 14Ang totoo, hindi naintindihan ng mga Israelita ang kahulugan nito noon dahil may nakatakip sa kanilang isipan. At kahit ngayon, may nakatakip pa rin sa kanilang isipan habang binabasa nila ang dating kasunduan. At maaalis lamang ito kapag ang isang taoʼy nakay Cristo. 15Totoong hanggang ngayon ay may nakatakip sa kanilang isipan habang binabasa nila ang mga isinulat ni Moises. 16Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan. 17Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya. 18At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.