پيدايش 31 – PCB & TCB

Persian Contemporary Bible

پيدايش 31:1-55

يعقوب از نزد لابان می‌گريزد

1روزی يعقوب شنيد كه پسران لابان می‌گفتند: «يعقوب همهٔ دارايی پدر ما را گرفته و از اموال پدر ماست كه اينچنين ثروتمند شده است.» 2يعقوب بزودی دريافت كه رفتار لابان با وی مثل سابق دوستانه نيست.

3در اين موقع خداوند به يعقوب فرمود: «به سرزمين پدرانت و نزد خويشاوندانت بازگرد و من با تو خواهم بود.»

4پس يعقوب، برای راحيل و ليه پيغام فرستاد كه به صحرا، جايی كه گله او هست، بيايند تا با آنها صحبت كند. 5يعقوب به آنها گفت: «من متوجه شده‌ام كه رفتار پدر شما با من مثل سابق دوستانه نيست، ولی خدای پدرم مرا ترک نكرده است. 6شما می‌دانيد با چه كوشش طاقت فرسايی برای پدرتان خدمت كرده‌ام، 7اما او بارها حق مرا پايمال كرده و مرا فريب داده است. ولی خدا نگذاشت او به من ضرری برساند؛ 8زيرا هر وقت پدرتان می‌گفت: ”حيواناتِ خالدار از آن تو باشند،“ تمامی گله بره‌های خالدار می‌آوردند و موقعی كه از اين فكر منصرف می‌شد و می‌گفت: ”تمام خط‌دارها مال تو باشند،“ آنگاه تمام گله بره‌های خط‌دار می‌زاييدند! 9بدين طريق خدا اموال پدر شما را گرفته و به من داده است.

10«هنگامی كه فصل جفتگيری گله فرا رسيد، در خواب ديدم قوچهايی كه با ميشها جفتگيری می‌كردند خط‌دار، خالدار و ابلق بودند. 11آنگاه در خواب فرشتهٔ خدا مرا ندا داده 12گفت: ”ببين، تمام قوچهايی كه با ميشها جفتگيری می‌كنند خط‌دار، خالدار و ابلق هستند، زيرا از آنچه كه لابان به تو كرده است آگاه هستم. 13من همان خدايی هستم كه در بيت‌ئيل به تو ظاهر شدم، جايی كه ستونی از سنگ بر پا نموده بر آن روغن ريختی و نذر كردی كه مرا پيروی كنی. اكنون اين ديار را ترک كن و به وطن خود بازگرد.“»

14راحيل و ليه در جواب يعقوب گفتند: «در هر حال چيزی از ثروت پدرمان به ما نخواهد رسيد، 15زيرا او با ما مثل بيگانه رفتار كرده است. او ما را فروخته و پولی را كه از اين بابت دريافت داشته، تماماً تصاحب كرده است. 16ثروتی كه خدا از اموال پدرمان به تو داده است، به ما و فرزندانمان تعلق دارد. پس آنچه خدا به تو فرموده است انجام بده.»

17‏-21روزی هنگامی كه لابان برای چيدن پشم گلهٔ خود بيرون رفته بود، يعقوب بدون اينكه او را از قصد خود آگاه سازد، زنان و فرزندان خود را بر شترها سوار كرده، تمام گله‌ها و اموال خود را كه در بين‌النهرين فراهم آورده بود برداشت تا نزد پدرش اسحاق به زمين كنعان برود. پس با آنچه كه داشت گريخت. آنها از رود فرات عبور كردند و به سوی كوهستان جلعاد پيش رفتند. (در ضمن راحيل بُتهای خاندان پدرش را دزديد و با خود برد.)

لابان يعقوب را تعقيب می‌كند

22سه روز بعد، به لابان خبر دادند كه يعقوب فرار كرده است. 23پس او چند نفر را با خود برداشت و با شتاب به تعقيب يعقوب پرداخت و پس از هفت روز در كوهستان جلعاد به او رسيد. 24همان شب، خدا در خواب بر لابان ظاهر شد و فرمود: «مراقب باش حرفی به يعقوب نزنی.»

25يعقوب در كوهستانِ جلعاد خيمه زده بود كه لابان با افرادش به او رسيد. او نيز در آنجا خيمه خود را بر پا كرد. 26لابان از يعقوب پرسيد: «چرا مرا فريب دادی و دختران مرا مانند اسيران جنگی برداشتی و رفتی؟ 27چرا به من خبر ندادی تا جشنی برايتان بر پا كنم و با ساز و آواز شما را روانه سازم؟ 28لااقل می‌گذاشتی نوه‌هايم را ببوسم و با آنها خداحافظی كنم! كار احمقانه‌ای كردی! 29قدرت آن را دارم كه به تو صدمه برسانم، ولی شبِ گذشته خدای پدرت بر من ظاهر شده، گفت: ”مراقب باش حرفی به يعقوب نزنی.“ 30از همهٔ اينها گذشته، تو كه می‌خواستی بروی و اينقدر آرزو داشتی كه به زادگاه خويش بازگردی، ديگر چرا بُتهای مرا دزديدی؟»

31يعقوب در جواب وی گفت: «علت فرار پنهانی من اين بود كه می‌ترسيدم به زور دخترهايت را از من پس بگيری. 32اما در مورد بُتهايت، هر كه از ما آنها را دزديده باشد، كُشته شود. اگر از مال خودت چيزی در اينجا پيدا كردی، در حضور اين مردان قسم می‌خورم آن را بدون چون و چرا به تو پس بدهم.» (يعقوب نمی‌دانست كه راحيل بُتها را با خود آورده است.)

33لابان به جستجو پرداخت. اول خيمهٔ يعقوب، بعد خيمهٔ ليه و سپس خيمهٔ كنيزان يعقوب را جستجو كرد، ولی بُتها را نيافت. سرانجام به خيمهٔ راحيل رفت. 34راحيل كه بُتها را دزديده بود، آنها را زير جهاز شتر پنهان نموده، روی آن نشسته بود! پس با اين كه لابان با دقت داخل خيمه را جستجو كرد چيزی پيدا نكرد. 35راحيل به پدرش گفت: «پدر، از اين كه نمی‌توانم در حضور تو بايستم مرا ببخش، چون عادت زنان بر من است.»

36يعقوب ديگر طاقت نياورد و با عصبانيت به لابان گفت: «چه جرمی مرتكب شده‌ام كه مرا اينچنين تعقيب كردی؟ 37حال كه تمام اموالم را تفتيش كردی، چه چيزی يافتی؟ اگر از مال خود چيزی يافته‌ای آن را پيش همهٔ مردان خودت و مردان من بياور تا آنها ببينند و قضاوت كنند كه از آن كيست! 38در اين بيست سال كه نزد تو بوده‌ام و از گلهٔ تو مراقبت نموده‌ام، حتی يكی از بچه‌های حيواناتت تلف نشد و هرگز يكی از آنها را نخوردم. 39اگر حيوان درنده‌ای به يكی از آنها حمله می‌كرد و آن را می‌كشت، حتی بدون اين كه به تو بگويم، تاوانش را می‌دادم. اگر گوسفندی از گله در روز يا در شب ربوده می‌شد، مرا مجبور می‌كردی پولش را بدهم. 40در گرمای سوزان روز و سرمای شديد شب، بدون اين كه خواب به چشمانم راه دهم، برای تو كار كردم. 41آری، بيست سال تمام برای تو زحمت كشيدم، چهارده سال به خاطر دو دخترت و شش سال برای به دست آوردن اين گله‌ای كه دارم! تو بارها حق مرا پايمال كردی. 42اگر رحمت خدای جدم ابراهيم و هيبت خدای پدرم اسحاق با من نمی‌بود، اكنون مرا تهيدست روانه می‌كردی. ولی خدا مصيبت و زحمات مرا ديده و به همين سبب ديشب بر تو ظاهر شده است.»

43لابان گفت: «زنان تو، دختران من و فرزندانت، فرزندان من و گله‌ها و هر آنچه كه داری از آن من است. پس امروز چگونه می‌توانم به دختران و نوه‌هايم ضرر برسانم؟ 44حال بيا با هم عهد ببنديم و از اين پس طبق آن عمل كنيم.»

45پس يعقوب سنگی برداشت و آن را به عنوان نشانهٔ عهد، به صورت ستونی بر پا كرد 46و به همراهان خود گفت كه سنگها گرد آورند و آنها را به صورت توده‌ای بر پا كنند. آنگاه يعقوب و لابان با هم در پای تودهٔ سنگها غذا خوردند. 47‏-48آنها آن تودهٔ سنگها را «تودهٔ شهادت» ناميدند كه به زبان لابان «يجرسهدوتا» و به زبان يعقوب «جلعيد» خوانده می‌شد. لابان گفت: «اگر يكی از ما شرايط اين عهد را رعايت نكند، اين سنگها عليه او شهادت خواهد داد.» 49همچنين آن توده سنگها را مصفه (يعنی «برج ديده بانی») نام نهادند، چون لابان گفت: «وقتی كه ما از يكديگر دور هستيم، خداوند بر ما دیدبانی كند. 50اگر تو با دخترانم با خشونت رفتار كنی يا زنان ديگری بگيری، من نخواهم فهميد، ولی خدا آن را خواهد ديد.» 51‏-52لابان افزود: «اين توده و اين ستون شاهد عهد ما خواهند بود. هيچ یک از ما نبايد به قصد حمله به ديگری از اين توده بگذرد. 53هرگاه يكی از ما اين عهد را بشكند، خدای ابراهيم، خدای ناحور، و خدای پدر ايشان تارح، او را هلاک كند.»

سپس يعقوب به هيبت خدای پدرش اسحاق قسم ياد نمود كه اين عهد را نگه دارد. 54آنگاه يعقوب در همان كوهستان برای خداوند قربانی كرد و همراهانش را به مهمانی دعوت نموده، با ايشان غذا خورد و همگی شب را در آنجا به سر بردند. 55لابان صبح زود برخاسته، دختران و نوه‌هايش را بوسيد و آنها را بركت داد و به خانهٔ خويش مراجعت نمود.

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 31:1-55

Tumakas si Jacob kay Laban

1Narinig ni Jacob na ang mga anak na lalaki ni Laban ay nagsasabi, “Kinuha ni Jacob ang halos lahat ng ari-arian ng ating ama. Ang lahat ng kayamanan niya ay nanggaling sa ari-arian ng ating ama.” 2Napansin din ni Jacob na nag-iba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya di tulad nang dati.

3Sinabi ng Panginoon kay Jacob, “Bumalik ka na sa lupain ng iyong mga ninuno, doon sa mga kamag-anak mo, at makakasama mo ako.”

4Kaya ipinatawag ni Jacob ang mga asawa niyang sina Raquel at Lea na naroon sa pastulan ng mga hayop niya. 5Sinabi niya sa kanila, “Napansin ko na nag-iba na ang pakikitungo ng inyong ama sa akin di tulad nang dati. Pero hindi ako pababayaan ng Dios ng aking Ama. 6Alam naman ninyo na naglingkod ako sa inyong ama hanggang sa makakaya ko, 7pero dinaya pa niya ako. Sampung beses niyang binago ang kabayaran ko. Pero hindi ako pinabayaan ng Dios na api-apihin lang niya. 8Nang sinabi nga ni Laban na ang batik-batik na mga kambing ang siyang bayad ko, panay din batik-batik ang anak ng mga kambing. 9Kinuha ng Dios ang mga hayop ng inyong ama at ibinigay sa akin.”

10Sinabi pa ni Jacob, “Nang panahon ng pagkakastahan ng mga hayop, nanaginip ako. Nakita ko na ang mga lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik. 11Sa panaginip ko tinawag ako ng anghel ng Dios. Sinabi niya, ‘Jacob!’ Sumagot ako sa kanya, ‘Narito po ako.’ 12At sinabi niya, ‘Masdan mo ang lahat ng lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik. Ginawa ko ito dahil nakita ko ang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban. 13Ako ang Dios na nagpakita sa iyo roon sa Betel, sa lupain kung saan binuhusan mo ng langis ang bato na itinayo mo bilang alaala. At doon ka rin nangako sa akin. Ngayon maghanda ka at umalis sa lugar na ito, at bumalik sa lugar kung saan ka isinilang.’ ”

14Sumagot si Raquel at si Lea kay Jacob, “Wala na kaming mamanahin sa aming ama. 15Ibang tao na kami sa paningin niya. Ipinagbili na kami at naubos na niya ang perang pinagbilhan namin. 16Ang lahat ng yaman na binawi sa kanya ng Dios at ibinigay na sa iyo ay maituturing namin na mamanahin namin at ng aming mga anak. Kaya gawin mo ang sinabi sa iyo ng Dios.”

17-18Naghanda agad si Jacob para bumalik sa Canaan, sa lupain ng ama niyang si Isaac. Pinasakay niya ang mga anak niya at mga asawa sa mga kamelyo. Dinala niya ang mga hayop niya at ang lahat ng ari-arian niya na naipon niya sa Padan Aram.

19Nagkataon naman na umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, at habang wala siya kinuha ni Raquel ang mga dios-diosang pag-aari ng kanyang ama. 20Niloko ni Jacob si Laban na Arameo dahil hindi siya nagpaalam sa pag-alis niya. 21Nang umalis si Jacob, dala niya ang lahat ng ari-arian niya. Tumawid siya sa Ilog Eufrates at pumunta sa bundok ng Gilead.

Hinabol ni Laban si Jacob

22Nakalipas ang tatlong araw bago malaman ni Laban na lumayas sina Jacob. 23Kayaʼt hinabol niya si Jacob kasama ang mga kamag-anak niya sa loob ng pitong araw. Naabutan nila sina Jacob doon sa bundok ng Gilead. 24Nang gabing iyon, nagpakita ang Dios kay Laban na Arameo sa panaginip. Sinabi ng Dios sa kanya, “Huwag mong gagawan ng masama si Jacob.”

25Nagtatayo noon si Jacob ng tolda niya sa bundok ng Gilead nang maabutan siya ni Laban. At doon din nagtayo sina Laban ng mga tolda nila. 26Sinabi ni Laban kay Jacob, “Bakit ginawa mo ito sa akin? Bakit mo ako niloko? At dinala mo ang mga anak ko na parang mga bihag sa labanan. 27Bakit niloko mo ako at umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Kung nagsabi ka lang, paglalakbayin pa sana kita nang may kagalakan sa pamamagitan ng tugtugan ng tamburin at alpa. 28Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mahagkan ang mga apo ko at mga anak bago sila umalis. Hindi maganda itong ginawa mo. 29May dahilan ako para gawan ka ng masama, kaya lang binalaan ako kagabi ng Dios ng iyong ama na huwag kitang gagawan ng masama. 30Alam kong sabik na sabik ka nang umuwi. Pero bakit ninakaw mo ang mga dios ko?”

31Sumagot si Jacob sa kanya, “Hindi ako nagpaalam sa iyo dahil natatakot ako na baka pilitin nʼyong bawiin sa akin ang mga anak mo. 32Pero kung tungkol sa mga nawawala ninyong dios-diosan, kapag nakita nʼyo ito sa kahit sino sa amin, parurusahan siya ng kamatayan. Sa harapan ng mga kamag-anak natin bilang mga saksi, tingnan nʼyo kung may pag-aari po kayo rito na nasa amin, at kung mayroon ay kunin nʼyo.” Hindi alam ni Jacob na si Raquel pala ang kumuha ng mga dios-diosan ni Laban.

33Kaya hinanap ni Laban ang mga dios-diosan niya sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea, at pati sa tolda ng dalawang aliping babae na mga asawa ni Jacob. Pero hindi niya nakita ang mga ito. Paglabas niya sa tolda ni Lea, pumasok siya sa tolda ni Raquel. 34Pero naitago na ni Raquel ang mga dios-diosan sa lalagyan na ginagamit na upuan sa pagsakay sa kamelyo, at inupuan niya. Hinanap ni Laban ang mga dios-diosan sa tolda ni Raquel pero hindi niya ito makita.

35Sinabi ni Raquel sa kanya, “Ama, huwag po kayong magalit kung hindi po ako makatayo dahil mayroon akong buwanang dalaw.” At patuloy na naghahanap si Laban pero hindi niya makita ang mga dios-diosan niya.

36Hindi na mapigilan ni Jacob ang kanyang galit, kaya sinabi niya kay Laban, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko at hinabol mo pa ako? 37Ngayong nahalungkat mo na ang lahat ng ari-arian ko, may nakita ka bang sa iyo? Kung mayroon, ilagay mo rito sa harap para makita ng aking mga kamag-anak at ng iyong mga kamag-anak, at bahala na sila ang humatol sa atin. 38Sa loob ng 20 taon nang akoʼy nasa inyo, ni minsan hindi nakunan ang iyong mga kambing at tupa. At ni isang lalaking tupa ay hindi ko pinangahasang kainin. 39Hindi ko na dinadala sa iyo ang mga hayop na pinatay ng mababangis na hayop; pinapalitan ko na lang ito agad. Pinabayaran mo rin sa akin ang mga hayop na ninakaw araw man o gabi. 40Ganito ang naging kalagayan ko: Kapag araw ay nagtitiis ako sa init, at kung gabi ay nagtitiis ako sa lamig. At palaging kulang ang tulog ko. 41Sa loob ng 20 taon na pagtira ko sa inyo, 14 na taon akong naglingkod sa iyo para sa iyong dalawang anak na babae. Naglingkod pa ako ng anim na taon para bantayan ang iyong mga hayop. Pero ano ang ginawa mo? Sampung beses mong binago ang pagbabayad mo sa akin. 42Kung hindi siguro ako sinamahan ng Dios na ginagalang ng aking ama na si Isaac, na siya ring Dios ni Abraham, baka pinalayas mo na ako nang walang dalang anuman. Pero nakita ng Dios ang paghihirap ko at pagtatrabaho, kaya binalaan ka niya kagabi.”

Ang Kasunduan nina Jacob at Laban

43Sumagot si Laban, “Ang mga babaeng iyan ay anak ko at ang mga anak nila ay mga apo ko. At ang mga hayop na iyan ay akin din. Lahat ng nakikita mo ay akin. Pero ngayon, ano pa ang magagawa ko sa mga anak at apo ko? 44Ang mabuti siguro, gumawa tayo ng kasunduan. Magtayo tayo ng batong magpapaalala sa atin at magpapatunay ng kasunduan natin.”

45Kaya kumuha si Jacob ng malaking bato at itinayo niya ito bilang alaala. 46Pagkatapos, inutusan niya ang mga kamag-anak niya na magtumpok ng mga bato. At kumain sila roon sa tinumpok na mga bato. 47Pinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar Sahaduta.31:47 Jegar Sahaduta: Ang ibig sabihin nito sa Aramico na wika, tinumpok bilang patunay. Pero pinangalanan ito ni Jacob na Galeed.31:47 Galeed: Ang ibig sabihin nito sa wikang Hebreo, tinumpok bilang patunay.

48Sinabi ni Laban, “Ang mga batong ito na tinumpok ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed. 49Tinawag din iyon na Mizpa,31:49 Mizpa: Ang ibig sabihin, bantayang tore. dahil sinabi pa ni Laban, “Nawaʼy ingatan tayo ng Panginoon sa ating paghihiwalay. 50At kung hindi mabuti ang pakikitungo mo sa mga anak ko, o kayaʼy mag-aasawa ka pa ng iba, alalahanin mo na kahit hindi ko man ito nalalaman, ang Dios ang magpapatunay ng kasunduan natin.”

51Muli pang sinabi ni Laban kay Jacob, “Narito ang tinumpok na mga bato at ang bato na alaalang magpapatunay ng kasunduan natin. 52Ang mga tinumpok na batong ito at ang bato na alaala ang siyang magpapatunay ng ating kasunduan na hindi ako lalampas sa tinumpok na mga batong ito para lusubin ka, at hindi ka rin lalampas sa tinumpok na mga batong ito at sa bato na alaala para lusubin ako. 53Nawaʼy ang Dios ng lolo mong si Abraham at ang Dios ng aking ama na si Nahor, na siya ring Dios ng kanilang amang si Tera, ang siyang humatol sa ating dalawa.”

Nakipagkasundo rin si Jacob kay Laban sa pangalan ng Dios na iginagalang ng ama niyang si Isaac. 54Naghandog si Jacob ng hayop doon sa bundok, at tinawag niya ang mga kamag-anak niya para kumain. Kinagabihan, doon sila natulog sa bundok.

55Kinabukasan, maaga pa ay hinagkan ni Laban at binasbasan ang mga anak at apo niya, at umalis siya pauwi.