Job 24 – OL & TCB

O Livro

Job 24:1-25

1Porque é que o Todo-Poderoso não estabelece

um tempo de julgamento sobre a Terra

e porque não veem esse dia chegar os que o conhecem?

Porque hão de ser obrigados a esperar, em vão,

os que creem nele?

2Fomos submergidos por uma onda de crimes;

os limites das propriedades têm sido alterados,

rebanhos inteiros são roubados.

3Até levam os jumentos dos pobres e dos órfãos;

as viúvas são obrigadas a entregar o boi que têm, como penhor.

4Os necessitados são postos de parte;

são coagidos a sair do caminho, ao cruzarem-se com os grandes.

5Como os burros selvagens do deserto,

os pobres passam dias inteiros a tentar apanhar alimento,

para se manterem com vida;

procuram comida para os filhos em terras desertas.

6Comem o que vão encontrando, o que cresce ao acaso,

ou então têm de vindimar as vinhas dos maus.

7Passam a noite a tremer de frio,

sem nada para os cobrir.

8Ficam encharcados com as chuvadas,

trazidas pelos ventos das montanhas,

e abrigam-se em cavernas, nas rochas, por falta dum lar.

9Os traidores são capazes, até,

de arrancar criancinhas órfãs de pai, do peito das mães,

e de raptar os bebés dos pobres,

antes que lhes peçam emprestado dinheiro ou comida.

10Os desventurados são coagidos a andar nus,

sem roupa para se cobrirem,

e a carregar comida para outros,

enquanto eles próprios desfalecem com fome.

11São forçados a pisar o azeite no lagar, sem poder prová-lo,

e a esmagar cachos de uvas, estando a morrer de sede.

12Os gemidos dos moribundos clamam desde a cidade

e os feridos rogam que os socorram;

contudo, Deus não atende aos seus lamentos.

13Os pecadores rebelam-se contra a luz

e não se identificam com os retos e os bons.

14São assassinos que ao erguer-se, logo de manhã cedo,

só têm em mente matar o pobre e o necessitado;

de noite atacam os ladrões.

15O adúltero espera apenas que caia o crepúsculo e diz para consigo:

‘É uma boa altura, porque ninguém me vê!’

Esconde a cara para que ninguém o reconheça.

16A noite, para os ladrões, serve para assaltar casas e o dia para dormir;

não lhes interessa mostrarem-se sob a luz do dia.

17A noite mais escura, para eles, é como o amanhecer;

são aliados naturais dos terrores das trevas.

18São como espuma na superfície da água!

Tudo o que possuem é amaldiçoado

e, como tal, não voltam às suas vinhas.

19O mundo dos mortos consome os pecadores,

tal como a neve se derrete com o calor e a seca.

20Aos pecadores, até a sua própria mãe os esquece;

só servem para que os vermes os comam regaladamente.

Ninguém se lembrará mais deles!

Os perversos serão abatidos como uma árvore num ciclone.

21E isso, porque exploram aqueles velhos,

que viviam sozinhos sem filhos para os protegerem,

e desprezam as pobres viúvas.

22Contudo, Deus, na sua força,

destrói os ímpios, ainda que firmemente estabelecidos;

quando ele aparece, deixam de estar seguros.

23Deus permite que vivam à vontade,

mas vigia os caminhos que escolhem seguir.

24Ainda que agora pareçam muito seguros e fortes,

de um momento para o outro ir-se-ão, como toda a gente,

ceifados como espigas maduras.

25Poderá alguém desmentir-me?

Poderá alguém dizer que estou a mentir ou que estou errado?”

Tagalog Contemporary Bible

Job 24:1-25

Nagtanong si Job tungkol sa Paghatol ng Dios

1“Bakit hindi pa itakda ng Dios na Makapangyarihan ang kanyang paghatol sa masasamang tao? Bakit hindi makita ng mga nakakakilala sa kanya ang panahong iyon ng paghatol? 2Nangangamkam ng lupain ang masasamang tao sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon. Nagnanakaw sila ng mga hayop at isinasama sa sarili nilang mga hayop. 3Ninanakaw nila ang mga asno ng mga ulila, at kinukuha nila ang baka ng biyuda bilang sangla sa utang. 4Inaapi nila ang mga dukha kaya napipilitang magtago ang mga ito. 5Naghahanap sila ng kanilang pagkain sa ilang na parang mga asnong-gubat, dahil wala silang ibang lugar na mapagkukunan ng pagkain para sa kanilang mga anak. 6Namumulot sila ng mga tirang bunga sa mga bukid, pati na sa ubasan ng taong masama. 7Sa gabiʼy natutulog silang giniginaw dahil wala silang damit o kumot man lamang. 8Nababasa sila ng ulan sa mga kabundukan, at sumisiksik na lang sa mga siwang ng bato dahil walang masilungan.

9“Kinukuha ng taong masasama ang anak ng biyuda at babaeng dukha bilang garantiya sa pagkakautang nila. 10Lumalakad na walang damit ang mga dukha; tagapasan sila ng mga inaning trigo, pero silaʼy nagugutom. 11Pumipiga sila ng mga olibo at ubas, pero sila mismo ay nauuhaw. 12Naririnig sa lungsod ang daing ng mga nag-aagaw buhay at mga sugatang humihingi ng tulong, pero hindi ginagantihan ng Dios ang mga gumawa nito sa kanila.

13“May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan. 14Ang mga mamamatay-tao ay bumabangon ng maaga at pinapatay ang mga dukha, at sa gabi namaʼy nagnanakaw. 15Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim para walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha para walang makakilala sa kanya. 16Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag. 17Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.”

Ang Sagot ni Zofar

18“Pero ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Dios. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan. 19Kung paanong ang yelo ay natutunaw at nawawala dahil sa init, ang makasalanan ay mawawala rin sa daigdig. 20Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin sila na parang punongkahoy na pinutol at kakainin sila ng mga uod. 21Sapagkat hindi maganda ang pakikitungo nila sa mga babaeng baog at hindi sila nahahabag sa mga biyuda.

22“Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila. 23Maaaring hayaan sila ng Dios na mamuhay na walang panganib, pero binabantayan niya ang lahat ng kilos nila. 24Maaari rin silang magtagumpay, pero sandali lang iyon dahil hindi magtatagal ay mawawala sila na parang bulaklak na nalalanta o parang uhay na ginapas.

25“Kung hindi tama ang sinabi ko, sinong makapagpapatunay na sinungaling ako? Sino ang makapagsasabing mali ako?”