Ezequiel 19 – OL & TCB

O Livro

Ezequiel 19:1-14

Lamentação pelos chefes de Israel

1Dirige esta lamentação aos chefes de Israel.

2Que tipo de mulher foi a vossa mãe? Foi como uma leoa que, deitada entre leões, alimentou e criou os seus filhotes. 3Um desses filhotes tornou-se um forte leão, aprendeu a lançar-se sobre a presa, fez-se um devorador de gente. 4Então as nações fizeram um apelo a caçadores que o apanharam e o fizeram cair numa cova armadilhada, trazendo-o depois em cadeias para o Egito.

5Quando a mãe do leão se deu conta de que todas as esperanças que tinha posto nele se esvaneciam, pegou noutro dos seus cachorrinhos e ensinou-o a ser um verdadeiro rei de feras. 6Tornou-se assim um chefe entre os leões, aprendeu a capturar as presas e também ele ficou sendo um autêntico devorador de gente.

7Demoliu os grandes palácios das nações circunvizinhas, arruinou-lhes as cidades, desolou-lhes as plantações, devastou searas. Não havia ninguém que não tremesse de terror ao ouvi-lo rugir. 8Foi então que os exércitos desses povos em volta o cercaram, lhe armaram uma cilada e o apanharam numa cova. 9Fizeram-no entrar numa jaula e levaram-no à presença do rei da Babilónia. No cativeiro a sua voz nunca mais ecoaria através das montanhas de Israel.

10A vossa mãe foi também como uma videira à beira dum rego de água. 11A sua rama aumentou e deu abundante fruto, por causa de toda aquela água. O ramo mais desenvolvido dessa videira tornou-se num cetro de governante, forte e temível, elevando-se distintamente acima dos outros, sendo visível à distância.

12No entanto, essa videira foi arrancada com fúria e deitada ao chão. Os seus ramos foram quebrados e secaram com a ajuda dum forte vento oriental. O seu fruto foi todo queimado com fogo. 13Essa videira está agora plantada num deserto, numa terra árida e seca. 14O fogo espalhou-se através dum dos seus ramos mais fortes e consumiu toda a ramagem e frutos. Não há nela mais nenhum ramo vigoroso para servir de cetro de governante.”

O cumprimento desta lamentação já começou e vai, com toda a certeza, continuar.

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 19:1-14

Ang Panaghoy para sa mga Pinuno ng Israel

1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Awitin mo ang panaghoy na ito para sa mga pinuno ng Israel:

2“Ang iyong ina ay parang isang leon na inaalagaan ang mga anak niya kasama ng iba pang mga leon. 3Inalagaan niya ang isa sa mga anak niya, lumaki ito at naging malakas na leon. Natuto itong manghuli at manlapa ng mga tao. 4Nang mabalitaan ito ng ibang bansa, hinuli nila ito at dinala sa Egipto na nakakadena.

5“Nang malaman ng ina ng leon na bigo ang pangarap niya para sa kanyang anak, pinalaki niya uli ang isa pang anak at naging malakas na leon din ito. 6Sumama ito sa iba pang mga leon at natutong manghuli at kumain ng tao. 7Giniba niya ang mga kampo ng kanyang mga kaaway at winasak ang kanilang mga bayan. Natatakot ang mga mamamayan kapag naririnig ang atungal niya.

8“Kaya nagkaisa ang mga bansa para labanan at palibutan siya. Inilabas nila ang kanilang mga lambat at hinuli siya, 9ikinulong na nakakadena sa isang kulungan at dinala sa hari ng Babilonia. Ikinulong nila ito upang hindi na marinig ang pag-atungal nito sa kabundukan ng Israel.

10“Ang iyong ina ay tulad ng isang ubas na itinanim sa tabi ng tubig. Nagkaroon ito ng maraming sanga at bunga dahil sagana sa tubig. 11Matitibay ang sanga nito at maaaring gawing setro ng hari. Mas tumaas pa ang ubas na ito kaysa sa ibang halaman. Kitang-kita ito dahil mataas at maraming sanga. 12Pero dahil sa galit, binunot ito at itinapon sa lupa. Ang mga bunga nitoʼy natuyo dahil sa mainit na hangin mula sa silangan. Natuyo rin ang matatayog na sanga, nalaglag at pagkatapos ay nasunog 13Ngayon, muli itong itinanim sa ilang, sa lugar na tuyo at walang tubig. 14Isa sa mga sanga nitoʼy nasunog at kumalat ang apoy sa iba pang mga sanga at tinupok ang mga bunga nito. Kaya wala nang natirang sanga na maaaring gawing setro ng hari. Ang panaghoy na itoʼy dapat awitin ngayon.”