Isaías 57 – NVI & TCB

Nueva Versión Internacional

Isaías 57:1-21

1El justo perece

y a nadie le importa;

mueren los siervos fieles

y nadie comprende

que el justo perece

para ser librado del mal.

2Los que van por el camino recto mueren en paz;

hallan reposo en su lecho de muerte.

3«Ustedes, hijos de hechicera,

descendientes de adúltero con prostituta,

¡acérquense!

4¿De quién quieren burlarse?

¿A quién hacen muecas despectivas

y le sacan la lengua?

¿Acaso no son ustedes una camada de rebeldes

y una descendencia de mentirosos?

5Entre los robles y debajo de todo árbol frondoso,

dan rienda suelta a su lujuria;

junto a los arroyos y en las grietas de las rocas,

sacrifican a niños pequeños.

6Las piedras lisas de los arroyos serán tu herencia;

sí, ellas serán tu destino.

Ante ellas has derramado ofrendas líquidas

y has presentado ofrendas de grano.

Ante estas cosas, ¿me quedaré callado?

7Sobre un monte alto y encumbrado pusiste tu lecho

y hasta allí subiste para ofrecer sacrificios.

8Detrás de tu puerta y de sus postes

has puesto tus símbolos paganos.

Te alejaste de mí, te desnudaste,

subiste al lecho que habías preparado;

entraste en arreglos con la gente con quienes deseabas acostarte

y contemplaste su desnudez.

9Acudiste a Moloc y le llevaste aceite de oliva,

y multiplicaste tus perfumes.

Enviaste muy lejos a tus embajadores;

¡hasta los dominios de la muerte57:9 los dominios de la muerte. Lit. el Seol. los hiciste bajar!

10De tanto andar te cansaste,

pero no dijiste: “Hasta aquí llego”.

Lograste renovar tus fuerzas;

por eso no desmayaste.

11»¿Quién te asustó, quién te metió miedo,

que me has engañado?

No te acordaste de mí

ni me tomaste en cuenta.

¿Será que no me temes

porque guardé silencio tanto tiempo?

12Yo denunciaré tu justicia y tus obras,

y de nada te servirán.

13Cuando grites pidiendo ayuda,

¡que te salve tu colección de ídolos!

A todos ellos se los llevará el viento;

con un simple soplo desaparecerán.

Pero el que se refugia en mí

recibirá la tierra por herencia

y tomará posesión de mi monte santo».

Consuelo para los contritos

14Y se dirá:

«¡Construyan, construyan, preparen el camino!

¡Quiten los obstáculos del camino de mi pueblo!».

15Porque lo dice el Alto y Excelso,

el que vive para siempre, cuyo nombre es Santo:

«Yo habito en un lugar santo y sublime,

pero también con el contrito y humilde de espíritu,

para reanimar el espíritu de los humildes

y alentar el corazón de los quebrantados.

16Mi litigio no será eterno

ni estaré siempre enojado,

porque ante mí desfallecerían

todos los seres vivientes que he creado.

17Por causa de la perversa codicia de mi pueblo,

me he enojado y lo he castigado;

le he dado la espalda,

pero él prefirió seguir sus obstinados caminos.

18He visto sus caminos, pero lo sanaré;

lo guiaré y lo colmaré de consuelo.

Y a los que lloran por él

19les haré proclamar esta alabanza:

¡Paz a los que están lejos

y paz a los que están cerca!

Yo los sanaré», dice el Señor,

20«pero los malvados son como el mar agitado,

que no puede calmarse,

cuyas olas arrojan fango y lodo.

21No hay paz para los malvados», dice mi Dios.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 57:1-21

Isinumpa ang Dios-diosan ng Israel

1Kapag namatay ang isang taong matuwid, walang gaanong nagtatanong kung bakit. Walang gaanong nakakaalam na ang mga taong matuwid ay kinukuha ng Dios para ilayo sa masama. 2Sapagkat kapag namatay ang taong matuwid, magkakaroon na siya ng kapayapaan at kapahingahan. 3Pero kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan. 4Kinukutya ninyo ang mga taong matuwid, nginingiwian at binebelatan ninyo sila. Lahi kayo ng mga rebelde at mga sinungaling. 5Sinasamba ninyo ang inyong mga dios-diosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing nʼyong banal. Inihahandog ninyo ang inyong mga anak sa mga daluyan ng tubig sa paanan ng mga burol. 6Ang mga batong makikinis sa mga daluyan ng tubig ay ginagawa ninyong dios at sinasamba sa pamamagitan ng paghahandog ng pagkain at inumin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa ninyong iyan. 7Umaakyat kayo sa mga matataas na bundok at naghahandog ng inyong mga handog doon at nakikipagtalik. 8Inilalagay pa ninyo ang mga rebulto ng inyong mga dios-diosan malapit sa pintuan ng inyong mga bahay. Itinatakwil ninyo ako. Para kayong babaeng mangangalunya na nahiga sa malapad niyang higaan at pumayag na sumiping sa kanyang kalaguyo. Gustong-gusto niyang makipagtalik sa kalaguyo niya. Talagang nagpapakasawa siya sa pita ng kanyang laman.

9Pumunta kayo sa dios-diosan ninyong si Molec. Marami ang dala ninyong langis at pabango. Nagsugo pa kayo ng mga tao sa malayong lugar para maghanap ng mga dios-diosang sasambahin ninyo. Kahit na ang lugar ng mga patay ay parang pupuntahan nʼyo pa. 10At kahit pagod na kayo sa kakahanap ng mga dios-diosan, hindi pa rin kayo nawawalan ng pag-asa. Pilit ninyong pinalalakas ang inyong sarili kaya hindi kayo nanghihina.

11Sinabi ng Panginoon, “Sino ba itong mga dios-diosan na kinatatakutan nʼyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon? 12Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, pero ipapakita ko kung anong klaseng tao kayo. 13At hindi talaga makakatulong sa inyo ang inyong mga dios-diosan kapag humingi kayo ng tulong sa kanila. Silang lahat ay tatangayin ng hangin. At mapapadpad sila sa isang ihip lamang. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupa57:13 lupa: Maaaring ang ibig sabihin ay lupain ng Israel. at sasamba sa aking banal na bundok. 14Sasabihin ko, ayusin ninyo ang daan na dadaanan ng aking mga mamamayan.”

15Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko. 16Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko. 17Nagalit ako dahil sa kasalanan at kasakiman ng Israel, kaya pinarusahan ko sila at itinakwil. Pero patuloy pa rin sila sa kanilang kasalanan. 18Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. 19At dahil dito, magpupuri sila sa akin. Ilalagay ko sila sa magandang kalagayan, sa malayo man o nasa malapit. Pagagalingin ko sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 20Pero ang masasama ay walang kapayapaan. Para silang alon sa dagat na nagdadala ng mga putik at mga dumi sa dalampasigan. 21Ang taong masama ay hindi mabubuhay ng payapa.” Iyan ang sinabi ng aking Dios.