Isaías 16 – NVI & TCB

Nueva Versión Internacional

Isaías 16:1-14

1Envíen corderos al gobernante del país,

desde Selá, por el desierto,

y hasta el monte de la hija de Sión.

2Las mujeres de Moab,

en los cruces del Arnón,

parecen aves que, espantadas,

huyen de su nido.

3«Danos un consejo;

toma una decisión.

A plena luz del día,

extiende tu sombra como la noche.

Esconde a los fugitivos;

no traiciones a los refugiados.

4Deja que los fugitivos de Moab

encuentren en ti un refugio;

¡protégelos del destructor!».

Cuando la opresión llegue a su fin

y la destrucción se acabe,

el agresor desaparecerá de la tierra.

5El trono se fundará en el amor

y uno de la casa de David

reinará sobre él con fidelidad:

será un juez celoso del derecho

y experto en hacer justicia.

6Hemos sabido que Moab

es extremadamente orgulloso;

hemos sabido de su soberbia, de su orgullo y arrogancia,

de su charlatanería sin sentido.

7Por eso gimen los moabitas;

todos ellos gimen por Moab.

Laméntense, aflíjanse,

por las tortas de pasas de Quir Jaréset.

8Se han marchitado los campos de Hesbón,

lo mismo que la viña de Sibmá.

Los gobernantes de las naciones

han pisoteado los viñedos más selectos,

los que llegaban hasta Jazer

y se extendían hacia el desierto.

Sus retoños se extendían

y cruzaban el mar.

9Por eso lloro, como llora Jazer,

por la viña de Sibmá.

¡Y a ustedes, ciudades de Hesbón y de Elalé,

las empapo con mis lágrimas!

Se han acallado los gritos de alegría

por tu fruto maduro y tus cosechas.

10Ya no hay en los huertos alegría ni regocijo.

Nadie canta ni grita en los viñedos,

nadie pisa la uva en los lagares;

yo puse fin al clamor en la vendimia.

11Por eso vibran mis entrañas por Moab

como las cuerdas de un arpa;

vibra todo mi ser por Quir Jares.

12Por más que acuda Moab a sus altares paganos

no logrará sino fatigarse;

cuando vaya a orar a su santuario,

todo lo que haga será en vano.

13Esta es la palabra que el Señor pronunció en el pasado contra Moab. 14Pero ahora el Señor dice: «Dentro de tres años, contados como los cuenta un jornalero, el esplendor de Moab y de toda su inmensa multitud será despreciado, y pocos y débiles serán sus sobrevivientes».

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 16:1-14

1Ang mga taga-Moab na nagsitakas sa Sela, na isang bayan sa ilang ay nagpadala ng mga batang tupa bilang regalo sa hari ng Jerusalem.16:1 Jerusalem: sa literal, sa bundok ng mga anak na babae ng Zion. 2Ang mga babaeng taga-Moab na nasa tawiran ng Arnon ay parang mga ibong binulabog sa kanilang mga pugad.

3Sinabi ng mga taga-Moab sa mga taga-Juda, “Payuhan ninyo kami kung ano ang dapat naming gawin. Kalingain ninyo kami, tulad ng lilim na ibinibigay ng punongkahoy sa tanghaling-tapat. Nagsitakas kami mula sa aming bayan, at ngayon ay wala nang sariling tahanan. Kupkupin nʼyo sana kami at huwag pababayaan. 4Patirahin nʼyo sana kaming mga taga-Moab sa inyong lupain. Ipagtanggol nʼyo kami sa mga gustong pumatay sa amin.”

Matitigil ang mga pang-aapi at pamumuksa. At mawawala na ang pang-aapi sa lupain ng Israel. 5At maghahari ang isa sa mga angkan ni David na may katapatan at pag-ibig. Paiiralin niya ang katarungan sa kanyang paghatol. At masigasig siyang gagawa ng matuwid.

6Nabalitaan naming masyadong mapagmalaki ang mga taga-Moab. Ang pagmamataas at kahambugan nila ay walang kabuluhan. 7Kaya iiyakan ng mga taga-Moab ang kanilang bansa. Iiyak silang lahat dahil sa pagkawala ng masasarap nilang pagkain sa Kir Hareset. 8Nasira ang mga bukid sa Heshbon pati na ang mga ubasan sa Sibma. Winasak ng mga pinuno ng mga bansa ang mga ubasan hanggang sa Jazer patungo sa disyerto at umabot pa hanggang sa Dagat na Patay. 9Kaya umiiyak ako tulad ng mga taga-Jazer, dahil sa ubasan ng Sibma. Iniiyakan ko ang Heshbon at Eleale dahil hindi na maririnig ang masasaya nilang hiyawan dahil sa masaganang ani. 10Naglaho ang kagalakan nila at kasayahan sa kanilang mga ubasan. Wala nang umaawit o humihiyaw sa mga ubasan. Wala na ring pumipisa ng ubas para gawing alak. Pinatigil na ng Panginoon16:10 Pinatigil na ng Panginoon: sa Hebreo, Pinatigil ko na. Nagsasalita rito ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias. ang kanilang hiyawan. 11Kaya nalulungkot ako sa sinapit ng Moab na katulad ng malungkot na tugtugin ng alpa. Nalulungkot din ako sa sinapit ng Kir Hareset. 12Mapapagod lang ang mga taga-Moab sa kababalik sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar.16:12 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. At wala ring kabuluhan ang kanilang pagpunta nila sa templo para manalangin.

13Iyon ang sinabi noon ng Panginoon tungkol sa Moab. 14At ngayon, ito ang kanyang sinabi, “Sa loob ng tatlong taon, mawawala ang kayamanan ng Moab at malalagay sa kahihiyan ang kanyang mga mamamayan. Iilan lang ang matitirang buhay sa mga mamamayan nito at mahihina pa.”