Nueva Versión Internacional

Génesis 6:1-22

La maldad humana

1Cuando los seres humanos comenzaron a multiplicarse sobre la tierra y tuvieron hijas, 2los hijos de Dios vieron que las hijas de los seres humanos eran hermosas. Entonces tomaron como mujeres a todas las que desearon. 3Pero el Señor dijo: «Mi espíritu no permanecerá en el ser humano para siempre, porque no es más que un simple mortal; por eso vivirá solamente ciento veinte años».

4Al unirse los hijos de Dios con las hijas de los seres humanos y tener hijos con ellas, nacieron gigantes, que fueron los famosos héroes de antaño. A partir de entonces hubo gigantes en la tierra.

5Al ver el Señor que la maldad del ser humano en la tierra era muy grande, y que todos sus pensamientos tendían siempre hacia el mal, 6se arrepintió de haber hecho al ser humano en la tierra, y le dolió en el corazón. 7Entonces dijo: «Voy a borrar de la tierra al ser humano que he creado. Y haré lo mismo con los animales, los reptiles y las aves del cielo. ¡Me arrepiento de haberlos creado!» 8Pero Noé contaba con el favor del Señor.

El diluvio

9Esta es la historia de Noé.

Noé era un hombre justo y honrado entre su gente. Siempre anduvo fielmente con Dios. 10Tuvo tres hijos: Sem, Cam y Jafet. 11Pero Dios vio que la tierra estaba corrompida y llena de violencia. 12Al ver Dios tanta corrupción en la tierra, y tanta perversión en la gente, 13le dijo a Noé: «He decidido acabar con toda la gente, pues por causa de ella la tierra está llena de violencia. Así que voy a destruir a la gente junto con la tierra. 14Constrúyete un arca de madera resinosa,6:14 resinosa. Palabra de difícil traducción. hazle compartimentos, y cúbrela con brea por dentro y por fuera. 15Dale las siguientes medidas: ciento cuarenta metros de largo, veintitrés de ancho y catorce de alto.6:15 ciento cuarenta metros de largo, veintitrés de ancho y catorce de alto. Lit. trescientos codos de largo, cincuenta codos de ancho y treinta codos de alto. 16Hazla de tres pisos, con una abertura a medio metro6:16 medio metro. Lit. un codo. del techo y con una puerta en uno de sus costados. 17Porque voy a enviar un diluvio sobre la tierra, para destruir a todos los seres vivientes bajo el cielo. Todo lo que existe en la tierra morirá. 18Pero contigo estableceré mi pacto, y entrarán en el arca tú y tus hijos, tu esposa y tus nueras. 19Haz que entre en el arca una pareja de todos los seres vivientes, es decir, un macho y una hembra de cada especie, para que sobrevivan contigo. 20Contigo entrará también una pareja de cada especie de aves, de ganado y de reptiles, para que puedan sobrevivir. 21Recoge además toda clase de alimento, y almacénalo, para que a ti y a ellos les sirva de comida». 22Y Noé hizo todo según lo que Dios le había mandado.

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 6:1-22

Ang Kasamaan ng Tao

1Hindi nagtagal, dumami ang mga tao sa mundo, at marami ang kabataan nilang babae. 2Nakita ng mga anak ng Dios6:2 mga anak ng Dios: o, mga anghel; o, mga pinuno; o, lahi ni Set. na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila. 3Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”

4Nang panahong iyon, at kahit nitong huli, may mga kilalang tao sa mundo na mula sa lahi ng mga anak ng Dios na nagsipag-asawa ng magagandang babae. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.

5Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama, 6nanghinayang siya kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya, 7kaya sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.” 8Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.

Si Noe

9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe.

Si Noe ay makadios. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapit ang kanyang relasyon sa Dios. 10May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.

11Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Dios, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo. 12Nakita ng Dios na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan. 13Kaya sinabi niya kay Noe, “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Dahil sa kanila, lumaganap ang kasamaan sa mundo. Lilipulin ko sila kasama ng mundo. 14Kaya ikaw Noe, gumawa ka ng barko mula sa matibay na kahoy, at gawan mo ito ng mga kwarto. Pagkatapos, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas ng barko.6:14 barko: sa ibang salin, arko. 15Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas. 16Lagyan mo ng bubong ang barko, at lagyan mo ng agwat na kalahating metro ang dingding at ang bubong. Gawan mo ang barko ng tatlong palapag, at lagyan ng pintuan sa gilid. 17Sapagkat pababahain ko ang mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo. 18Pero gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila. 19Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng hayop para mabuhay sila kasama mo. 20Dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop: mga lumilipad, lumalakad at gumagapang. Lalapit sila sa iyo para hindi sila mamatay. 21Magdala ka rin ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at para rin sa mga hayop.”

22Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Dios sa kanya.