Job 37 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Job 37:1-24

1‘At this my heart pounds

and leaps from its place.

2Listen! Listen to the roar of his voice,

to the rumbling that comes from his mouth.

3He unleashes his lightning beneath the whole heaven

and sends it to the ends of the earth.

4After that comes the sound of his roar;

he thunders with his majestic voice.

When his voice resounds,

he holds nothing back.

5God’s voice thunders in marvellous ways;

he does great things beyond our understanding.

6He says to the snow, “Fall on the earth,”

and to the rain shower, “Be a mighty downpour.”

7So that everyone he has made may know his work,

he stops all people from their labour.37:7 Or work, / he fills all people with fear by his power

8The animals take cover;

they remain in their dens.

9The tempest comes out from its chamber,

the cold from the driving winds.

10The breath of God produces ice,

and the broad waters become frozen.

11He loads the clouds with moisture;

he scatters his lightning through them.

12At his direction they swirl around

over the face of the whole earth

to do whatever he commands them.

13He brings the clouds to punish people,

or to water his earth and show his love.

14‘Listen to this, Job;

stop and consider God’s wonders.

15Do you know how God controls the clouds

and makes his lightning flash?

16Do you know how the clouds hang poised,

those wonders of him who is perfect in knowledge?

17You who swelter in your clothes

when the land lies hushed under the south wind,

18can you join him in spreading out the skies,

hard as a mirror of cast bronze?

19‘Tell us what we should say to him;

we cannot draw up our case because of our darkness.

20Should he be told that I want to speak?

Would anyone ask to be swallowed up?

21Now no-one can look at the sun,

bright as it is in the skies

after the wind has swept them clean.

22Out of the north he comes in golden splendour;

God comes in awesome majesty.

23The Almighty is beyond our reach and exalted in power;

in his justice and great righteousness, he does not oppress.

24Therefore, people revere him,

for does he not have regard for all the wise in heart?37:24 Or for he does not have regard for any who think they are wise.

Tagalog Contemporary Bible

Job 37:1-24

1“Kumakabog ang dibdib ko dahil sa bagyo. 2Pakinggan ninyo ang dumadagundong na tinig ng Dios na parang kulog. 3Pinakikidlat niya ang buong kalangitan at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo. 4Pagkatapos ay maririnig ang dagundong ng kanyang tinig na parang isang kulog. Hindi niya ito pinipigilan. 5Kagila-gilalas ang dumadagundong na tinig ng Dios. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na hindi natin kayang unawain. 6Inuutusan niya ang yelo na pumatak sa lupa, ganoon din ang ulan na bumuhos nang malakas, 7para ang taoʼy makapagpahinga sa kanilang mga ginagawa at makapagbulay-bulay sa mga ginawa ng Dios. 8Nagtatago ang mga hayop sa kanilang mga taguan at nananatili roon kapag may bagyo. 9Dumadating ang bagyo at ang hanging malamig mula sa kanilang taguan. 10Sa pamamagitan ng hininga ng Dios nabubuo ang yelo, at nagiging yelo ang malalawak na bahagi ng tubig. 11Pinupuno niya ng tubig ang mga ulap at pinakikidlat ito. 12Sa kanyang utos, nagpapaikot-ikot sa buong mundo ang mga ulap. 13Ginagamit niya ang mga ito upang ituwid ang tao, o ipadama ang kanyang pag-ibig.

14“Job, pakinggan mo ito, at pagbulay-bulayan ang mga kahanga-hangang bagay na ginagawa ng Dios. 15Alam mo ba kung paano inuutusan ng Dios ang ulap, at kung paano siya nagpapakidlat mula rito? 16Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap? Ang lahat ng itoʼy kahanga-hangang gawa ng Dios na ang dunong ay walang hangganan. 17Ikaʼy pagpapawisan dahil sa mainit na hangin mula sa timog, 18matutulungan mo ba ang Dios na ilatag ang kalangitan at patigasin na parang tansong salamin?

19Kung matalino ka, sabihin mo sa amin kung ano ang dapat naming sabihin sa Dios. Hindi namin alam kung paano kami mangangatwiran dahil kulang ang aming kaalaman. 20Hindi ko gugustuhing makipagtalo sa Dios, dahil baka akoʼy kanyang ipahamak. 21Walang sinumang makakatitig sa araw na nagliliwanag sa himpapawid, pagkatapos mahawi ng hangin ang mga ulap. 22Mula sa hilaga, paparating ang Dios na nagniningning na parang ginto at ang kanyang liwanag ay kahanga-hanga. 23Hindi natin lubos na maunawaan ang Makapangyarihang Dios na napakadakila. Lubos siyang makatarungan, matuwid at hindi nang-aapi, 24kaya iginagalang siya ng mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga taong nagsasabing sila ay marunong.”