1Then the Lord said to me: ‘Even if Moses and Samuel were to stand before me, my heart would not go out to this people. Send them away from my presence! Let them go! 2And if they ask you, “Where shall we go?” tell them, “This is what the Lord says:
‘ “Those destined for death, to death;
those for the sword, to the sword;
those for starvation, to starvation;
those for captivity, to captivity.”
3‘I will send four kinds of destroyers against them,’ declares the Lord, ‘the sword to kill and the dogs to drag away and the birds and the wild animals to devour and destroy. 4I will make them abhorrent to all the kingdoms of the earth because of what Manasseh son of Hezekiah king of Judah did in Jerusalem.
5‘Who will have pity on you, Jerusalem?
Who will mourn for you?
Who will stop to ask how you are?
6You have rejected me,’
declares the Lord.
‘You keep on backsliding.
So I will reach out and destroy you;
I am tired of holding back.
7I will winnow them with a winnowing fork
at the city gates of the land.
I will bring bereavement and destruction on my people,
for they have not changed their ways.
8I will make their widows more numerous
than the sand of the sea.
At midday I will bring a destroyer
against the mothers of their young men;
suddenly I will bring down on them
anguish and terror.
9The mother of seven will grow faint
and breathe her last.
Her sun will set while it is still day;
she will be disgraced and humiliated.
I will put the survivors to the sword
before their enemies,’
declares the Lord.
10Alas, my mother, that you gave me birth,
a man with whom the whole land strives and contends!
I have neither lent nor borrowed,
yet everyone curses me.
11The Lord said,
‘Surely I will deliver you for a good purpose;
surely I will make your enemies plead with you
in times of disaster and times of distress.
12‘Can a man break iron –
iron from the north – or bronze?
13‘Your wealth and your treasures
I will give as plunder, without charge,
because of all your sins
throughout your country.
14I will enslave you to your enemies
in15:14 Some Hebrew manuscripts, Septuagint and Syriac (see also 17:4); most Hebrew manuscripts I will cause your enemies to bring you / into a land you do not know,
for my anger will kindle a fire
that will burn against you.’
15Lord, you understand;
remember me and care for me.
Avenge me on my persecutors.
You are long-suffering – do not take me away;
think of how I suffer reproach for your sake.
16When your words came, I ate them;
they were my joy and my heart’s delight,
for I bear your name,
Lord God Almighty.
17I never sat in the company of revellers,
never made merry with them;
I sat alone because your hand was on me
and you had filled me with indignation.
18Why is my pain unending
and my wound grievous and incurable?
You are to me like a deceptive brook,
like a spring that fails.
19Therefore this is what the Lord says:
‘If you repent, I will restore you
that you may serve me;
if you utter worthy, not worthless, words,
you will be my spokesman.
Let this people turn to you,
but you must not turn to them.
20I will make you a wall to this people,
a fortified wall of bronze;
they will fight against you
but will not overcome you,
for I am with you
to rescue and save you,’
declares the Lord.
21‘I will save you from the hands of the wicked
and deliver you from the grasp of the cruel.’
Ang Parusa para sa mga Taga-Juda
1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Kahit sina Moises at Samuel pa ang magmakaawa sa akin para sa mga taong ito, hindi ko sila kahahabagan. Kaya ilayo mo sila sa akin. Paalisin mo sila! 2Kung magtatanong sila kung saan sila pupunta, sabihin mo na ito ang sinabi ko: ‘Ang mga itinalagang mamatay ay mamamatay. Ang ibaʼy itinalagang mamatay sa digmaan at ang ibaʼy sa taggutom. Ang iba namaʼy itinalagang bihagin.’
3“Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing ipapadala ko sa kanila ang apat na uri ng mamumuksa: Mamamatay sila sa digmaan, kakaladkarin ng mga aso ang mga bangkay nila, tutukain sila ng mga ibon at ang natitira sa mga bangkay nilaʼy uubusin ng mababangis na hayop. 4Kamumuhian sila ng lahat ng bansa sa mundo dahil sa ginawa ni Manase na anak ni Hezekia sa Jerusalem noong hari pa siya ng Juda.
5“O mga taga-Jerusalem, sino kaya ang mahahabag sa inyo? Sino kaya ang malulungkot para sa inyo? At sino kaya ang magtatanong tungkol sa inyong kalagayan? 6Itinakwil nʼyo ako; palagi nʼyo akong tinatalikuran. Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing iuunat ko na ang mga kamay ko para lipulin kayo. Sawa na akong kahabagan kayo. 7Parurusahan ko kayo na parang ipa na tinatahip sa pintuan ng lungsod. Lilipulin ko kayo at ang mga anak ninyo, dahil hindi ninyo tinalikuran ang inyong masasamang ugali. 8Pararamihin ko ang inyong mga biyuda na parang mas marami pa kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Sa katanghaliang tapat, ipapadala ko ang lilipol sa mga ina ng mga kabataan ninyong lalaki. Biglang darating sa inyo ang pagdadalamhati at takot. 9May inang mawawalan ng pitong anak na lalaki. Hihimatayin siya at mahihirapang huminga. Ang kanyang mga anak ay parang araw na lumubog nang napakaaga pa. Mapapahiya siya dahil wala na siyang anak. At ang mga matitirang buhay ay ipapapatay ko rin sa mga kaaway. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Dumaing si Jeremias
10Kaawa-awa ako! Sanaʼy hindi na ako isinilang ng aking ina! Palagi akong kinakalaban sa buong Juda. Wala akong utang kaninuman, at hindi rin ako nagpapautang, pero isinusumpa ako ng lahat. 11Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ang totoo, magiging mabuti ang lahat para sa iyo. Makikiusap sa iyo ang mga kaaway mo na ipanalangin mo sila sa panahon ng paghihirap at pagdadalamhati nila.
12“Kung papaanong walang makakabali ng piraso ng bakal o tanso, wala ring makakatalo sa mga kaaway na galing sa hilaga. 13Ipapasamsam ko sa mga kaaway nʼyo ang mga kayamanan at ari-arian nʼyo dahil sa mga kasalanang ginawa ninyo sa buong bansa. 14Ipapaalipin ko kayo sa mga kaaway nʼyo sa lupaing hindi nʼyo alam, at ipadarama ko sa inyo ang galit ko na parang nagliliyab na apoy.”
15Sinabi ni Jeremias, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat! Alalahanin at tulungan nʼyo po ako. Ipaghiganti nʼyo ako sa mga umuusig sa akin. Alam ko na hindi kayo madaling magalit, kaya huwag nʼyo po akong hayaang mamatay. Alalahanin nʼyo po ang mga paghihirap ko dahil sa inyo. 16Noong nagsalita kayo sa akin, pinakinggan ko po kayo. Ang mga salita po ninyo ay kagalakan ko; at akoʼy sa inyo, O Panginoong Dios na Makapangyarihan. 17Hindi po ako sumama sa mga kasayahan at kagalakan nila. Nag-iisa po ako dahil nakikipag-usap kayo sa akin at sinabi nʼyo sa akin ang tungkol sa galit ninyo. 18Bakit hindi po natatapos ang paghihirap ko? Bakit hindi na gumagaling ang mga sugat ko? Hindi na po ba magagamot ang mga ito? Bibiguin nʼyo po ba ako na parang sapa na natutuyo kapag tag-araw?”
19Kaya sinabi sa akin ng Panginoon, “Kung magsisisi ka, pababalikin kita sa piling ko para patuloy kang makapaglingkod sa akin. Kung magsasalita ka ng mga makabuluhang bagay at iiwasan ang mga bagay na walang kabuluhan, muli kitang gagawing tagapagsalita ko. Kinakailangang sila ang lumapit sa iyo at hindi ikaw ang lalapit sa kanila. 20Gagawin kitang parang matibay na tansong pader para sa mga taong ito. Kakalabanin ka nila pero hindi ka nila matatalo, dahil kasama mo ako. Iingatan kita at ililigtas. 21Ililigtas kita sa kamay ng masasama at mararahas na tao.”