Exodus 30 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Exodus 30:1-38

The altar of incense

1‘Make an altar of acacia wood for burning incense. 2It is to be square, a cubit long and a cubit wide, and two cubits high30:2 That is, about 45 centimetres long and wide and 90 centimetres high – its horns of one piece with it. 3Overlay the top and all the sides and the horns with pure gold, and make a gold moulding around it. 4Make two gold rings for the altar below the moulding – two on each of the opposite sides – to hold the poles used to carry it. 5Make the poles of acacia wood and overlay them with gold. 6Put the altar in front of the curtain that shields the ark of the covenant law – before the atonement cover that is over the tablets of the covenant law – where I will meet with you.

7‘Aaron must burn fragrant incense on the altar every morning when he tends the lamps. 8He must burn incense again when he lights the lamps at twilight so that incense will burn regularly before the Lord for the generations to come. 9Do not offer on this altar any other incense or any burnt offering or grain offering, and do not pour a drink offering on it. 10Once a year Aaron shall make atonement on its horns. This annual atonement must be made with the blood of the atoning sin offering30:10 Or purification offering for the generations to come. It is most holy to the Lord.’

Atonement money

11Then the Lord said to Moses, 12‘When you take a census of the Israelites to count them, each one must pay the Lord a ransom for his life at the time he is counted. Then no plague will come on them when you number them. 13Each one who crosses over to those already counted is to give a half shekel,30:13 That is, about 5.8 grams; also in verse 15 according to the sanctuary shekel, which weighs twenty gerahs. This half shekel is an offering to the Lord. 14All who cross over, those twenty years old or more, are to give an offering to the Lord. 15The rich are not to give more than a half shekel and the poor are not to give less when you make the offering to the Lord to atone for your lives. 16Receive the atonement money from the Israelites and use it for the service of the tent of meeting. It will be a memorial for the Israelites before the Lord, making atonement for your lives.’

Basin for washing

17Then the Lord said to Moses, 18‘Make a bronze basin, with its bronze stand, for washing. Place it between the tent of meeting and the altar, and put water in it. 19Aaron and his sons are to wash their hands and feet with water from it. 20Whenever they enter the tent of meeting, they shall wash with water so that they will not die. Also, when they approach the altar to minister by presenting a food offering to the Lord, 21they shall wash their hands and feet so that they will not die. This is to be a lasting ordinance for Aaron and his descendants for the generations to come.’

Anointing oil

22Then the Lord said to Moses, 23‘Take the following fine spices: 500 shekels30:23 That is, about 5.8 kilograms; also in verse 24 of liquid myrrh, half as much (that is, 250 shekels) of fragrant cinnamon, 250 shekels30:23 That is, about 2.9 kilograms of fragrant calamus, 24500 shekels of cassia – all according to the sanctuary shekel – and a hin30:24 That is, probably about 3.8 litres of olive oil. 25Make these into a sacred anointing oil, a fragrant blend, the work of a perfumer. It will be the sacred anointing oil. 26Then use it to anoint the tent of meeting, the ark of the covenant law, 27the table and all its articles, the lampstand and its accessories, the altar of incense, 28the altar of burnt offering and all its utensils, and the basin with its stand. 29You shall consecrate them so they will be most holy, and whatever touches them will be holy.

30‘Anoint Aaron and his sons and consecrate them so they may serve me as priests. 31Say to the Israelites, “This is to be my sacred anointing oil for the generations to come. 32Do not pour it on anyone else’s body and do not make any other oil using the same formula. It is sacred, and you are to consider it sacred. 33Whoever makes perfume like it and puts it on anyone other than a priest must be cut off from their people.” ’

Incense

34Then the Lord said to Moses, ‘Take fragrant spices – gum resin, onycha and galbanum – and pure frankincense, all in equal amounts, 35and make a fragrant blend of incense, the work of a perfumer. It is to be salted and pure and sacred. 36Grind some of it to powder and place it in front of the ark of the covenant law in the tent of meeting, where I will meet with you. It shall be most holy to you. 37Do not make any incense with this formula for yourselves; consider it holy to the Lord. 38Whoever makes incense like it to enjoy its fragrance must be cut off from their people.’

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 30:1-38

Ang Altar na Pagsusunugan ng Insenso

(Exo. 37:25-28)

1“Magpagawa ka ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. 2Kailangang kwadrado ito-18 pulgada ang haba at ang lapad, at tatlong talampakan ang taas. Kailangang mayroon itong parang sungay sa mga sulok na kasamang ginawa nang gawin ang altar. 3Balutin mo ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid, at ang parang sungay sa mga sulok nito. At lagyan mo ito ng hinulmang ginto sa palibot. 4Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, para pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito. 5Gumawa ka ng tukod na gawa sa kahoy ng akasya at balutan ito ng ginto. 6Ilagay ito sa harap ng altar sa telang tumatabing sa Kahon ng Kasunduan. Doon ako makikipagkita sa inyo.

7“Tuwing umaga, kapag mag-aasikaso si Aaron ng mga ilaw, magsusunog siya ng mabangong insenso sa nasabing altar. 8At sa hapon, kapag magsisindi siya ng ilaw, magsusunog siyang muli ng insenso. Dapat itong gawin araw-araw sa aking presensya ng susunod pang mga henerasyon. 9Huwag kayong mag-aalay sa altar na ito ng ibang insenso, o kahit anong handog na sinusunog, o handog para sa mabuting relasyon, o handog na inumin. 10Isang beses sa bawat taon, kailangang linisin ni Aaron ang altar sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo sa parang mga sungay na sulok nito. Ang dugong ipapahid ay galing sa handog sa paglilinis. Dapat itong gawin bawat taon ng susunod pang mga henerasyon, dahil ang altar na ito ay napakabanal para sa akin.”

11Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, 12“Kapag isesensus mo ang mga mamamayan ng Israel, ang bawat mabibilang ay magbabayad sa akin para sa buhay niya, para walang kapahamakang dumating sa kanya habang binibilang mo sila. 13Ang ibabayad ng bawat isang mabibilang mo ay anim na gramong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ibibigay nila ito bilang handog sa akin. 14Ang lahat ng may edad na 20 pataas ang maghahandog nito sa akin. 15Hindi magbabayad ng sobra ang mga mayayaman, at hindi magbabayad ng kulang ang mga mahihirap. 16Gamitin mo ang pera para sa mga pangangailangan sa Toldang Tipanan. Bayad ito ng mga Israelita para sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

Ang Plangganang Hugasan

(Exo. 38:8)

17Sinabi ng Panginoon kay Moises, 18“Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, para gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Toldang Tipanan at ng altar, at lagyan ito ng tubig. 19Ito ang gagamitin ni Aaron at ng mga anak niya sa paghuhugas ng mga kamay at paa nila, 20-21bago sila pumasok sa Toldang Tipanan, at bago sila lumapit sa altar para mag-alay sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy. Kailangan nilang hugasan ang mga kamay at paa nila para hindi sila mamatay. Dapat sundin ni Aaron at ng mga angkan niya ang mga tuntuning ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon.”

Ang Langis na Pamahid

22Sinabi ng Panginoon kay Moises, 23“Kumuha ka ng pinakamainam na mga sangkap: anim na kilong mira, tatlong kilo ng mabangong sinamon, tatlong kilong asukal, 24anim na kilong kasia (kailangan ang bigat nitoʼy ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari) at isang galong langis ng olibo. 25Sa pamamagitan nito, makakagawa ka ng banal na mabangong langis na pamahid. 26-28Pahiran mo ng langis na ito ang Toldang Tipanan, ang Kahon ng Kasunduan, ang mesa at ang lahat ng kagamitan nito, ang lalagyan ng ilaw at ang lahat ng kagamitan nito, ang altar na pagsusunugan ng insenso, ang altar na pinagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat ng kagamitan nito, at ang planggana at ang patungan nito. 29Italaga mo ang mga bagay na ito para maging napakabanal nito. Ibubukod ang sinumang makakahawak nito.30:29 Ibubukod … makakahawak nito: Tingnan ang Lev. 6:18 at ang “footnote” nito.

30“Pahiran mo rin ng langis si Aaron at ang mga anak niya bilang pag-oordina sa kanila, para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari. 31Sabihin mo sa mga Israelita na ito ang banal kong langis ang dapat gamiting pamahid hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon. 32Huwag nʼyo itong ipapahid sa ordinaryong mga tao, at huwag nʼyo rin itong gawin para sa mga sarili nʼyo lang. Banal ito, kaya ituring nʼyo rin itong banal. 33Ang sinumang gagawa ng langis na ito o gagamit nito sa sinumang hindi pari ay huwag na ninyong ituring na kababayan.”

Ang Insenso

34Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kumuha ka ng pare-parehong dami ng mababangong sangkap: estakte, onika, galbano at purong kamangyan. 35Sa pamamagitan ng mga ito, gumawa ka ng napakabangong insenso. Pagkatapos, lagyan mo ng asin para maging puro ito at banal. 36Dikdikin nang pino ang iba sa mga ito at iwisik sa harap ng Kahon ng Kasunduan na nasa Toldang Tipanan, kung saan ako makikipagkita sa iyo. Dapat mo itong ituring na pinakabanal. 37Huwag kayong gagawa ng mga insensong ito para sa inyong sarili. Ituring nʼyo itong banal para sa Panginoon. 38Ang sinumang gagawa nito para gagamiting pabango ay huwag na ninyong ituring na kababayan.”