Psalms 85 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 85:1-13

Psalm 85In Hebrew texts 85:1-13 is numbered 85:2-14.

For the director of music. Of the Sons of Korah. A psalm.

1You, Lord, showed favor to your land;

you restored the fortunes of Jacob.

2You forgave the iniquity of your people

and covered all their sins.85:2 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here.

3You set aside all your wrath

and turned from your fierce anger.

4Restore us again, God our Savior,

and put away your displeasure toward us.

5Will you be angry with us forever?

Will you prolong your anger through all generations?

6Will you not revive us again,

that your people may rejoice in you?

7Show us your unfailing love, Lord,

and grant us your salvation.

8I will listen to what God the Lord says;

he promises peace to his people, his faithful servants—

but let them not turn to folly.

9Surely his salvation is near those who fear him,

that his glory may dwell in our land.

10Love and faithfulness meet together;

righteousness and peace kiss each other.

11Faithfulness springs forth from the earth,

and righteousness looks down from heaven.

12The Lord will indeed give what is good,

and our land will yield its harvest.

13Righteousness goes before him

and prepares the way for his steps.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 85:1-13

Salmo 8585 Salmo 85 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit.

Panalangin para sa Kabutihan ng Bansa

1Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.

Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel.85:1 Ibinalik … Israel: o, Pinabalik ninyo sa kanilang lupain mula sa pagkabihag ang lahi ni Jacob.

2Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan;

inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.

3Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.

4Minsan pa, O Dios, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.

Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.

5Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin,

hanggang sa aming mga salinlahi?

6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?

7Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.

8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Dios,

dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan;

iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.

9Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya,

upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.

10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama at ganoon din ang katarungan at kapayapaan.

11Ang katapatan ng tao sa mundo ay alam ng Dios sa langit,

at ang katarungan ng Dios sa langit ay matatanggap ng tao sa mundo.

12Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabuti

at magkakaroon ng ani ang ating lupain.

13Ang katarungan ay parang tagapagbalita na mauunang dumating para ihanda ang daan ng Panginoon.