Psalms 84 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 84:1-12

Psalm 84In Hebrew texts 84:1-12 is numbered 84:2-13.

For the director of music. According to gittith.Title: Probably a musical term Of the Sons of Korah. A psalm.

1How lovely is your dwelling place,

Lord Almighty!

2My soul yearns, even faints,

for the courts of the Lord;

my heart and my flesh cry out

for the living God.

3Even the sparrow has found a home,

and the swallow a nest for herself,

where she may have her young—

a place near your altar,

Lord Almighty, my King and my God.

4Blessed are those who dwell in your house;

they are ever praising you.84:4 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here and at the end of verse 8.

5Blessed are those whose strength is in you,

whose hearts are set on pilgrimage.

6As they pass through the Valley of Baka,

they make it a place of springs;

the autumn rains also cover it with pools.84:6 Or blessings

7They go from strength to strength,

till each appears before God in Zion.

8Hear my prayer, Lord God Almighty;

listen to me, God of Jacob.

9Look on our shield,84:9 Or sovereign O God;

look with favor on your anointed one.

10Better is one day in your courts

than a thousand elsewhere;

I would rather be a doorkeeper in the house of my God

than dwell in the tents of the wicked.

11For the Lord God is a sun and shield;

the Lord bestows favor and honor;

no good thing does he withhold

from those whose walk is blameless.

12Lord Almighty,

blessed is the one who trusts in you.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 84:1-12

Salmo 8484 Salmo 84 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit. Tinutugtog sa pamamagitan ng instrumentong “gittith.”

Pananabik sa Templo ng Dios

1Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo!

2Gustong-gusto kong pumunta roon!

Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon.

Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo,

O Dios na buhay.

3Panginoong Makapangyarihan, aking Hari at Dios,

kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.

4Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong templo;

lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.

5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo

at nananabik na makapunta sa inyong templo.

6Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca,84:6 lambak ng Baca: o, lambak na may maraming puno ng Balsamo; o, lambak na may mga umiiyak.

iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

7Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.84:7 Zion: o, Jerusalem.

8Panginoong Dios na Makapangyarihan,

Dios ni Jacob, pakinggan nʼyo ang aking panalangin!

9Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol84:9 tagapagtanggol: sa literal, pananggalang. namin,

ang hari na inyong pinili.

10Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar.

O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo,84:10 tumayo sa inyong templo: o, maging guwardya ng pintuan ng templo; o, maging pulubi sa may pintuan ng templo.

O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama.

11Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin.

Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan

Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

12O Panginoong Makapangyarihan,

mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.