Psalms 31 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 31:1-24

Psalm 31In Hebrew texts 31:1-24 is numbered 31:2-25.

For the director of music. A psalm of David.

1In you, Lord, I have taken refuge;

let me never be put to shame;

deliver me in your righteousness.

2Turn your ear to me,

come quickly to my rescue;

be my rock of refuge,

a strong fortress to save me.

3Since you are my rock and my fortress,

for the sake of your name lead and guide me.

4Keep me free from the trap that is set for me,

for you are my refuge.

5Into your hands I commit my spirit;

deliver me, Lord, my faithful God.

6I hate those who cling to worthless idols;

as for me, I trust in the Lord.

7I will be glad and rejoice in your love,

for you saw my affliction

and knew the anguish of my soul.

8You have not given me into the hands of the enemy

but have set my feet in a spacious place.

9Be merciful to me, Lord, for I am in distress;

my eyes grow weak with sorrow,

my soul and body with grief.

10My life is consumed by anguish

and my years by groaning;

my strength fails because of my affliction,31:10 Or guilt

and my bones grow weak.

11Because of all my enemies,

I am the utter contempt of my neighbors

and an object of dread to my closest friends—

those who see me on the street flee from me.

12I am forgotten as though I were dead;

I have become like broken pottery.

13For I hear many whispering,

“Terror on every side!”

They conspire against me

and plot to take my life.

14But I trust in you, Lord;

I say, “You are my God.”

15My times are in your hands;

deliver me from the hands of my enemies,

from those who pursue me.

16Let your face shine on your servant;

save me in your unfailing love.

17Let me not be put to shame, Lord,

for I have cried out to you;

but let the wicked be put to shame

and be silent in the realm of the dead.

18Let their lying lips be silenced,

for with pride and contempt

they speak arrogantly against the righteous.

19How abundant are the good things

that you have stored up for those who fear you,

that you bestow in the sight of all,

on those who take refuge in you.

20In the shelter of your presence you hide them

from all human intrigues;

you keep them safe in your dwelling

from accusing tongues.

21Praise be to the Lord,

for he showed me the wonders of his love

when I was in a city under siege.

22In my alarm I said,

“I am cut off from your sight!”

Yet you heard my cry for mercy

when I called to you for help.

23Love the Lord, all his faithful people!

The Lord preserves those who are true to him,

but the proud he pays back in full.

24Be strong and take heart,

all you who hope in the Lord.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 31:1-24

Salmo 3131 Salmo 31 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang Salmo ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.

Dalangin ng Pagtitiwala

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.

Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako.

Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo.

2Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas.

Kayo ang aking batong kanlungan,

at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.

3Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan,

pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.

4Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway,

dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.

5Ipinauubaya ko sa inyo ang aking sarili.

Iligtas nʼyo ako, Panginoon,

dahil kayo ang Dios na maaasahan.

6Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga dios-diosan na walang kabuluhan,

dahil sa inyo ako nagtitiwala.

7Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig,

dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa,

at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.

8Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway,

sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan.

9Panginoon, kahabagan nʼyo po ako,

dahil akoʼy labis nang nahihirapan.

Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak,

at nanghihina na ako.

10Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian;

umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan.

Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan,

at parang nadudurog na ang aking mga buto.

11Kinukutya ako ng aking mga kaaway,

at hinahamak ng aking mga kapitbahay.

Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan;

kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan.

12Para akong patay na kanilang kinalimutan,

at parang basag na sisidlan na wala nang halaga.

13Marami akong naririnig na banta laban sa akin.

Natatakot akong pumunta kahit saan,

dahil plano nilang patayin ako.

14Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.

Sinasabi kong,

“Kayo ang aking Dios!”

15Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.

Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.

16Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.

Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.

17Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,

dahil sa inyo ako tumatawag.

Ang masasama sana ang mapahiya

at manahimik doon sa libingan.

18Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,

pati ang mga mayayabang at mapagmataas

na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.

19O kay dakila ng inyong kabutihan;

sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan.

Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan.

20Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga.

At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba.

21Purihin ang Panginoon,

dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin

noong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan.

22Doon akoʼy natakot at nasabi ko,

“Binalewala na ako ng Panginoon.”

Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan.

23O, kayong tapat niyang mga mamamayan,

mahalin ninyo ang Panginoon.

Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya,

ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.

24Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob,

kayong mga umaasa sa Panginoon.