Numbers 27 – NIV & TCB

New International Version

Numbers 27:1-23

Zelophehad’s Daughters

1The daughters of Zelophehad son of Hepher, the son of Gilead, the son of Makir, the son of Manasseh, belonged to the clans of Manasseh son of Joseph. The names of the daughters were Mahlah, Noah, Hoglah, Milkah and Tirzah. They came forward 2and stood before Moses, Eleazar the priest, the leaders and the whole assembly at the entrance to the tent of meeting and said, 3“Our father died in the wilderness. He was not among Korah’s followers, who banded together against the Lord, but he died for his own sin and left no sons. 4Why should our father’s name disappear from his clan because he had no son? Give us property among our father’s relatives.”

5So Moses brought their case before the Lord, 6and the Lord said to him, 7“What Zelophehad’s daughters are saying is right. You must certainly give them property as an inheritance among their father’s relatives and give their father’s inheritance to them.

8“Say to the Israelites, ‘If a man dies and leaves no son, give his inheritance to his daughter. 9If he has no daughter, give his inheritance to his brothers. 10If he has no brothers, give his inheritance to his father’s brothers. 11If his father had no brothers, give his inheritance to the nearest relative in his clan, that he may possess it. This is to have the force of law for the Israelites, as the Lord commanded Moses.’ ”

Joshua to Succeed Moses

12Then the Lord said to Moses, “Go up this mountain in the Abarim Range and see the land I have given the Israelites. 13After you have seen it, you too will be gathered to your people, as your brother Aaron was, 14for when the community rebelled at the waters in the Desert of Zin, both of you disobeyed my command to honor me as holy before their eyes.” (These were the waters of Meribah Kadesh, in the Desert of Zin.)

15Moses said to the Lord, 16“May the Lord, the God who gives breath to all living things, appoint someone over this community 17to go out and come in before them, one who will lead them out and bring them in, so the Lord’s people will not be like sheep without a shepherd.”

18So the Lord said to Moses, “Take Joshua son of Nun, a man in whom is the spirit of leadership,27:18 Or the Spirit and lay your hand on him. 19Have him stand before Eleazar the priest and the entire assembly and commission him in their presence. 20Give him some of your authority so the whole Israelite community will obey him. 21He is to stand before Eleazar the priest, who will obtain decisions for him by inquiring of the Urim before the Lord. At his command he and the entire community of the Israelites will go out, and at his command they will come in.”

22Moses did as the Lord commanded him. He took Joshua and had him stand before Eleazar the priest and the whole assembly. 23Then he laid his hands on him and commissioned him, as the Lord instructed through Moses.

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 27:1-23

Ang mga Anak na Babae ni Zelofehad

1Si Zelofehad ay may mga anak na babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza. Si Zelofehad ay anak ni Hefer at apo ni Gilead na anak ni Makir at apo ni Manase. Si Manase ay anak ni Jose. 2Ngayon, nagpunta ang mga babaeng ito sa pintuan ng Toldang Tipanan at tumayo sa harapan nina Moises, Eleazar, ng mga pinuno at ng buong kapulungan ng Israel. Sinabi ng mga babae, 3“Namatay ang aming ama roon sa ilang na walang anak na lalaki. Pero namatay siya hindi dahil sa tagasunod siya ni Kora na nagrebelde sa Panginoon, kundi dahil sa sarili niyang kasalanan. 4Dahil lang po ba sa walang anak na lalaki ang aming ama, mawawala na ang kanyang pangalan sa sambahayan ng Israel? Bigyan din ninyo kami ng lupa tulad ng natanggap ng aming mga kamag-anak.”

5Kaya sinabi ni Moises sa Panginoon ang kanilang hinihingi. 6Sinabi ng Panginoon kay Moises, 7“Tama ang sinabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Kailangang bigyan mo sila ng lupa kasama ng mga kamag-anak ng kanilang ama. Ibigay sa kanila ang lupa na dapat sana ay sa kanilang ama.

8“At sabihin mo sa mga Israelita na kung mamatay ang isang tao na hindi nagkaanak ng lalaki, kailangang ibigay sa kanyang anak na babae ang kanyang lupa. 9At kung wala siyang anak na babae, ibigay sa kanyang kapatid na lalaki. 10At kung wala siyang kapatid na lalaki, ibigay ang kanyang lupa sa kapatid na lalaki ng kanyang ama. 11Kung walang kapatid na lalaki ang kanyang ama, ibigay ang kanyang lupa sa pinakamalapit niyang kamag-anak at ang kanyang kamag-anak ang magmamana ng lupa. Itoʼy susundin ng mga Israelita bilang isang legal na kautusang dapat sundin, ayon sa iniutos ko sa iyo, Moises.”

Pinili si Josue Bilang Kapalit ni Moises

(Deu. 31:1-8)

12Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka sa kabundukan ng Abarim at tingnan mo roon ang lupaing ibinigay ko sa mga Israelita. 13Pagkatapos mong makita ito, sasama ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno, tulad ng kapatid mong si Aaron. 14Dahil noong nagrebelde ang mga Israelita sa akin doon sa bukal ng ilang ng Zin, sinuway ninyo ni Aaron ang aking utos na ipakita ang aking kabanalan sa mga mamamayan.” (Ang bukal na ito ay ang Meriba na nasa Kadesh sa ilang ng Zin.) 15Sinabi ni Moises sa Panginoon, 16“O Panginoon, Dios na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, pumili po sana kayo ng isang tao na mamumuno sa mga mamamayang ito 17at mangunguna sa kanila sa labanan, upang ang inyong mga mamamayan ay hindi maging tulad ng mga tupang walang tagapagbantay.”

18Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ipatawag si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo. 19Patayuin siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo. 20Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng buong mamamayan ng Israel. 21Kay Eleazar niya malalaman ang aking pasya sa pamamagitan ng paggamit ni Eleazar ng ‘Urim’27:21 ‘Urim’: Bagay na ginagamit para malaman ang kalooban ng Dios. sa aking presensya. Sa pamamagitan nito, masusubaybayan ni Eleazar si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kanilang gagawin.”

22Kaya ginawa ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ipinatawag niya si Josue at pinatayo sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan. 23At ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon, ipinatong niya ang kanyang kamay kay Josue at ipinahayag na si Josue ang papalit sa kanya.